Prologue

186 52 70
                                    

~*~

I'm not in bed. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, Isang malawak na lupain ang bumungad sa aking paningin, nasa harap ako ng isang kastilyo. Everything is on fire. Where the hell am I?

As I can remember, nahiga lang ako sa kama kanina. How weird at napunta ako sa harap ng isang pang-medieval style na kastilyo. Iginala ko ang aking tingin sa paligid ko.

Nasa itaas ako ngayon ng isang burol, I can see the chaos happening in the downtown of this kingdom. The trees and some of the houses are on fire, the hue of the sky is violet, ngunit nakakapagtaka lamang na hindi humahalo dito 'yong blue na parang pang northern lights. But the style is more like a blue forcefield.

Nanatili akong nakatingin sa madalim na kalangitan, para akong nasa scene ng isang fantasy movie na nasa kalagitnaan ng giyera. I was taken a back when I heard footsteps, paakyat ang mga ito mula sa hagdan papunta dito sa main door ng kastilyo. Bago pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko, biglang lumitaw ang grupo ng mga naka-itim na kapa paakyat sa hagdanan na nagkokonekta sa harap ng kastilyo kung saan ako nakatayo.

Napaatras ako sa aking kinatatayuan ngunit dinedma lang ako ng mga ito na para bang hindi ako nakikita. Nagtanggal ng hood ang isang miyembro nila, ngunit kalahati lang ng mukha nito ang makikita't tanging ang itim nitong mata lamang ang nakalabas. Humarap ito sa kaniyang kasamahan, at inayos nito ang kaniyang tindig bago nagsalita.

"Patayin niyo lahat ng amatron sa loob, leave no survivor." Wika nito sa kaniyang kasamahan. Tumango naman ang mga ito at walang alinlangang pinasok ang kastilyo. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng naglakad na ang mga ito papunta sa main door.

"H-huwag n'yo ako hahawakan!" Sigaw ko, ngunit parang mga wala itong narinig at dire-diretso pa rin. Akala ko'y mapapansin ako ng mga ito, pero nagkamali ako. Tumagos sila sa akin ng dumaan sila. I stood frozen in place, tinignan ko ang aking mga kamay. Am I already a ghost? Oh my, I hope not. Bata pa ko at may pangarap.

Hindi ko napansin na nasira na pala nila ang main door, what the hell? Lumiliwanag ang silid sa tapat ng main door at may mga tunog din ng espada akong naririnig. Damn, saan ba ako napunta? Papasok sana ako ng kastilyo ng biglang nagliwanag ang downtown, suddenly each part of the downtown projected holograms, a familiar face welcomed my sight.

"I-is that.." Bloody red hair in messy bun, those pair of gray eyes.

"This is the Eye of Morodevillo Galaxy, Amaris Evans."

Nanatili akong nakatanga sa mukha ko na ipinoproject sa hologram. Napahawak ako sa aking sentido, what the hell is happening?

— End of prologue —

Author's note:
I would really appreciate if you will leave a comment and vote on every chapter of this story.

You are reading the Revised Version of The Stars Are Watching us Tonight.

Thank you for reading this! Sana subaybayan niyo ito hanggang sa huling chapter ng kuwento ni Amaris!

Merry christmas!

—Miss A.

The Stars Are Watching Us TonightWhere stories live. Discover now