Chapter 20

2.2K 38 4
                                    

Chapter 20

Mirae's POV

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng masayang expirence ko kasama si erico sa pabirito niyang lugar. Hindi ko inaasahang sa araw din na yun, mag kukwento siya ng tungkol sa pamilya niya. Piling ko napaka espesyal ko para sa kaniya. Gusto ko pa siyang mas makilala ng lubusan. Kung pwede lang sana hindi na natapos ang mga sandali na yun.

"Mukhang masaya yata tayo ngayon ha?" Mula sa pagkakatulala ko sa labas, lumingon ako sa pamilyar na boses. Nakalapit at nakaupo na pala si debbie sa tabi ko ng hindi ko namamalayan. Nasa el deseo del hombres bar & resto ako ngayon. Lunch break kaya naisip kong dito na kumain, Tutal walking distance lang naman ang layo nito sa shop ko.

Ngumiti ako sa kaniya pero hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"Sige secret. Hindi ko sasabihin sa kuya mo, o kahit kina xander." Sabi nito. Napailing iling nalang ako tapos mas lumawak pa ang ngiti ko. "So meron nga. Teka. Yan ba yung lalaking tinutukoy mo noon na matagal mo ng gusto? Nasabi mo na ba ang feelings mo sa kaniya?"

"Siya nga ang iniisip ko, pero Hindi pa niya alam ang pagkagusto ko sa kaniya. . . Sa ngayon." Nagkibit ako ng balikat.

"Huh, bakit?"

"Komplikado eh."

"Paanong kumplikado? May girlfriend na ba siya?" Tanong niya uli. Umiling naman ako, kahit na hindi ako sigurado kung wala nga ba. "Oh, Wala pala eh." Sabi niya.

Yumuko ako tapos muling tumingin sa labas. "Komplikado, kasi hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya na gusto ko siya. Isa pa Natatakot ako. Baka layuan niya ako.

"Bakit naman niya gagawin yun?"

"Kasi—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla nalang may tumapik sa balikat namin ni debbie. Sabay pa kaming napalingon, pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang si miguel yun kasama ang mga kaibigan niya at si erico. maliban lang kay i-chan na wala.

"Andito ka pala, sinkit." Sabi ni miguel. Naupo sila sa pwesto namin. Pero ang mga mata ko ay automatikong tumingin kay erico. Parang kanina lang ay siya ang laman ng utak ko. Parang gusto ko tuloy mapangiti.

Hindi naman ako sigurado pero para bang may nakikita rin akong ngiti sa kaniya kahit hindi sa mga labi. Masaya rin ba siya na nakita niya ako dito?

"Anong pinaguusapan niyo?" Mayamaya ay tanong ni miguel.  Naupo siya sa kabilang side ko. Gusto ko naman mapasimangot kasi ang gusto kong umupo sa tabi ko ay si erico at hindi siya. Nasa katapat ko na kasi siya naupo habang katabi si kuya xander at kuya gabriel. Ngayon ay malaya ko siyang matitigan ng harap harapan.

Tumayo si debbie para asikasuhin naman ang kakainin ng mga bagong dating. Oh, great, ako nalang ang nagiisang babae sa table namin.

Pasimple akong tumingin kay erico, na nakatingin sa akin ng deretso. Kung dati ay sanay na akong nakakatabi ang mga ito pero ngayon pakiramdam ko maiilang yata ako. Dahil ba may something-something sa pagitan namin ni erico na hindi alam ng mga ito?

"Hoy, sinkit. Anong pinaguusapan niyo kanina?" Muling tanong sa akin ni miguel na ikinalingon ko sa kaniya. Sempre bakit ko naman sasabihin sa kaniya kung ano yun?

"It's not of your business, only for girl lang ang usapan na yun, hmm!" Tinarayan ko siya.

"Bakit ba, ang sungit mo pagdating sa akin?"

Dahil babaero ka! At isa ka sa mga sumusulsol kay erico! Halos sabihin ko yun sa kaniya pero tinarayan ko siya uli. Bigla naman siyang pumitik.

"Sabi na nga ba, may crush ka sa akin noh? Kunwari ka lang inis sa akin. Dahil ba ayaw mong malaman ng kuya mo, ha? ha?" Sabay dungol niya ng siko sa akin.

🔞 Let's Play A Secret GameWhere stories live. Discover now