chapter 6

14.1K 302 11
                                    

Patrisha

"Grabeh! Nakakastress naman ang araw nato! Lahat yatang subjects may assignment!" Reklamo ni Tracy pagkalunch namin.

Nakasabay na rin ako sa kanila sa wakas.

"Next week pa naman ang deadline ng iba. Tamad talaga nito!" Sabat ni Onat kahit punong puno ang bibig.

"Ew! Don't talk when your mouth is full !" Saway ko sa kanya.

"Sori." Ngiti ngiting sabi nito kahit puno parin ang bibig.
Kadiri talaga ang lalaking to.

"Alphabetical order din ba ang reporting sa Filipino? "Tanong ni Andrei. Hindi talaga nakikinig.

"Pweding magvolunteer. Kung walang gustong magvolunteer,alphabetical order. Pero magsisimula sa Z." Paliwanag ni Camila.

"Ano?!" Si Andrei ulit. "Wala kaya tayong classmates na U, X & Y. At S ako!" Nababahalang talak nito.

"Ano ka ba! Maraming magvolunteer! Kami ni Trish at marami pang iba. Kahit hetero ang section natin, nasa atin ang pinaka competitive na seniors. "Saad ni Camila." Tsaka filipino lang yan. Mother tongue. "

"Kahit na. Kailangan ko pa ring galingan. 30% ng grade natin sa first quarter ay mula sa reporting." Nakikinig pala to.

Ilang sandali pa ay nagring narin ang bell. Sabay kaming natayuan para pumasok sa classroom namin.

Sumabay sakin si Andrei.

"Pwede ka sa bahay ko mamaya?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"Bakit naman?"

"Patulong naman sa report ko oh!" Nagmamakaawang sabi nito.

"Di ka rin excited noh? Sa sabado na lang. Wala ka naman sigurong planong magvolunteer?" Humarap ako sa kanya para makita nya ng full ang beauty ko ng close up. Landi ko talaga.

"One hour lang please!"

"Ikaw kaya pumunta sa bahay?" Naisip ko.

"Ayaw ng mama mo sakin."

"Sinabi nya?"

"Feeling ko lang. Sige na please. Late na tayo oh!" Pa blink blink pa sya ng maraming beses.

"Okay okay! I'll be there at six sharp!" Sagot ko saka dali daling tumakbo sa classroom.

Humahangos akong umupo sa upuan ko. Sa pagod ba to sa pagtakbo or sa sobrang kilig.

Inisip ko mag-uusap kami dalawa as in kaming dalawa lang at wala ng iba. Magkadikit ang mga balikat namin habang tinuruan sya.
Oh my! Wala nang kalalagyan ang kilig sa naramdaman ko ngayon!

Lalo na ng dumaan sya sa akin at pinisil na namn ang ilong ko.

"Thanks ha? Hihintayin kita." Sabi nito bago lumagpas sakin.

Hindi ko mapigilang kiligin at mapangiti ng bongga.

"Hoy, ano yon?" Napakapakialamera talaga ni Camila kahit kailan.

"Wala!" Hindi ako lumingon sa kanya.

Saka ko naman napansin ang katabi kong chinita. Nakalugay ang habang itim na buhok nito na hindi naman umabot sa baywang. Nakatingin ito sa white board na nasa harap nya pero parang wala naman syang nakita.
Nakaheadset pala sya kaya parang walang pakialam sa mundo. Nakacrosslegs pa.
Baka finifeel nya yong kanta.

Diba sabi ko it's rude to stare?
Siguro naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya kaya pinaikot nya ang mata niya patungo sakin. Too late. Nahuli na nya akong nakatingin sa kanya bago pa ako nakabawi. Umayos ako sa pagkaupo at inayos ang sarili ko.

Be My Girlfriend. I Dare you!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora