chapter 23

12K 280 22
                                    

Patrisha

Pang-apat na araw na mula ng mawala si Edward. Feeling ko wala ng buhay ang paligid. Pang-apat na araw na rin na hindi ko pa nakikita si Andrea. Ayaw syang makita ni tita Amanda kaya alam ko kung bakit hindi sya nagpapakita sa mga natitirang araw ni Edward. Hindi din sya pumasok.

Gusto ko syang dalawin sa kanila pero sabi ni ate Angela na kailangan lang daw muna nitong mapag-isa. Naintindihan ko naman. Sobrang nasaktan nga ako sa nangyari kahit ilang araw lang kaming nagkasama ni Edward. Kaya ang sakit na naramdaman nya ay alam kong walang kapantay.

Araw-araw kaming dumalaw ng mga kaibigan ko kay John hangga't di pa sya ililibing. Isang linggo ang itinagal ng burol nya dahil hinintay pa ang mga kamag-anak nila abroad.

Hindi na rin muna ako nagpunta sa bahay ni Edward para sa lamay dahil nandito ang mga pinsan kong galing Paris. Halos taon-taon silang aalis ng bansa at babalik na naman. Nahihilo na ako sa kanila. Parehong walang balak magtino sa pag-aaral.

"Isang, magclub naman tayo. Di ka ba na bobored dito?" Nakangusong tanong ni kuya Jake. Sa sala lang kami nagtambay pagkatapos ng klase ko.

Silang magkapatid ang pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko. Ayaw ko sanang tinatawag nya akong Isang pero hindi nakinig. Nasanay narin ako kalaunan. I think it sounds great if it's from him.

"We're minors, Jakie. You go alone." Sumagot si Isshy habang nakatutok ang mga mata sa cellphone nito. Ano kayang nilalaro nito na sobrang engross na naman.

Ako lang din ang tumawag sa kanyang Isshy. Dapat Issy lang pero maraming nagsabi na para daw kaming kambal kaya naging Issha ako at Isshy naman sya.

"I know but your looks don't say so." Sagot ni kuya. Hindi ko sya pinansin. Nagbabasa lang ako lang libro.

"What are you trying to say?" Pikon naman si Isshy.

"You know what I'm trying to say."

"Either you shut up or leave alone. I'll tell Grandy that I almost got raped the last time you forced me." Seryosong sabi ni Ishhy.

Napahawak sa dibdib si kuya Jake. Nagulat din ako.

"I'm so sorry, sis. Pero ang OA mo! Di ka naman re-rapin nun, ako talaga ang pakay nun!"

"Ambisyoso! Wala ngang sumulyap man lang sayo pag magkasama tayo!"
Nasa lahi pala talaga namin ang mahahangin.

"Kailan?" Di ko na lang pinansin ang kahanginan ng dalawa kong pinsan.

"Last last night. Someone put narcotics on her cup while I was away. Luckily, someone saved her."

Nagpasalamat parin ako na may nagligtas sa kanya. "Grabe ka, kuya! Tapos ngayon balak mo naman kaming isalang sa ganun?" Naiiling na sabi ko.

"Oo na. Sorry na. Nakalimutan lang eh," pinaikotan pa ako ng mata.

"Short term memory? O baka may lalake kang nakita dun kaya nakalimutan mo na ang muntik ng mangyari kay Isshy."

Napangiti naman ako sa reaksyon nya. Nagblush tapos biglang yumuko at tumingala na naman sa kisami sabay paypay sa sarili kahit di naman mainit.

Sasakit talaga ang mata sa mga bakla. Di ko mahuli-huli ang mga galaw nila. Kahit isang minuto hindi mapalagay sa isang lugar at daming pang unnecessary gestures.

Naiiling na lang ako. "Okay lang yan, kuya. Wag mo lang kaming isakripisyo para sa kanya." Binalik ko na ang tingin sa libro.

"Hindeyyy! Ano kaseee...," napasapo pa ito sa pisngi. Hmp!! Sarap hampasin ng tsinelas. Di na nito natapos ang sasabihin habang nakatingin sa harap nya. Napasinghap pa ito at pakurap-kurap.

Be My Girlfriend. I Dare you!Where stories live. Discover now