30. No More Backing Out

2.4K 78 6
                                    


Alexis Jean Mariano POV.

Ito na yung araw na pinaka hinihintay ko. Yung araw na puno ng walang kasiguraduhan kung ano ba ang kalalabasan ng mga gagawin ko.

Matutuwa kaya siya?

Magiging masaya kaya?

Magiging maayos kaya ang kalalabasan?

Ang daming tanong sa aking isipan ng kung ano ba talaga ang magiging kalalabasan nito.

Kung hindi man yung inaahasan ko ang kalalabasan nito, ayos lang. Maluwag sa loob kong tatanggapin ang lahat.

Masaya naman ako dahil sa kaniya. Nagbago ang takbo ng buhay ko ng dumating si Madi. Siya yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko simula ng gumuho ito. Binuhay niya akong muli.

My hands are cold, my heart beats fast, and I'm freaking nervous.

"Whatever happens, happens. Okay?" Sabi sa akin ni Lyka habang hawak hawak ako magkabilang braso. I gave her a small smile.

"Picture!" The photographer told us. Kaya naman nag pose kami ni Lyka.

May kakaiba sa titig ng photographer na to kay Lyka. Pero ito namang isa ay ubod ng taray.

Binalewala ko na lamang ang nasa isip ko at nag focus na lang sa mga nangyayari ngayon.

Bago ako pumunta dito sa venue ay dumaan muna ako sa simbahan. I prayed that everything will be okay.

Now, I'm preparing for what will I tell her later. Actually, tapos na lahat ng kailangang gawin. Hinihintay ko na lang talagang dumating si Madi.

Naupo muna ako saglit at nagisip isip. Simula sa una naming pagkikita hanggang ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may isang taong magpapabago ng buhay ko. May taong nag bigay sakin ng pagasa.

But what will happen next?

To be honest, I don't know. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa amin ni Madi sa mga susunod pang araw.

Nawaglit ako sa pagiisip ng biglang yumakap sa akin.

"Hi prince!" Masiglang bati nya habang mahigpit na nakayakap.

Gumuhit agad ang malawak na ngiti sa aking labi ng makita ko sya.

"Hello my princess" I kissed her forehead and hug her tightly.

Isa isa na ding dumating sila Auntie. I'm happy na dumating sila para saksihan ang kung ano man ang magaganap ngayong araw.

Pero mas nadagdagan ang kaba ko dahil baka hindi pala maging maganda ang kalabasan at mapahiya lang ako sa harapan nila.

No turning back!

Pinipilit kong pakalmahin ang puso kong nagririgudon na. I don't know what will I do anymore.

Siguro ay mas maganda kung hindi ko na lamang paghahandaan ang mga sasabihin ko. I just need to relax and to calm myself.

Tinapik ako ni Lyka at nagtaka ako ng nakasimangot ang kanyang mukha.

"I don't like your photographer! She's annoying me, Alex" Pabulong ngunit dama mo ang diin at inis sa pagkakasabi nya.

"So what do you want me to do?" Natatawang tanong ko.

"Kick her out" Parang wala wala lang na sabi nya.

"No. That's not gonna happen" I said in instance.

"I can still contact some photographer. I'm sure they're much better than her"

Napahilamos na lamang ako ng aking kamay at di makapaniwalang tumingin kay Lyka. I can't believe that we're arguing this at this kind of moment.

"Are you out of your mind? You're going to ruin the plan if you do that so I'll say no for an answer" I told her.

"But-"

"That's final" I cut her off and walk away. Mahirap na baka mangulit pa.

I'm silently praying that everything will go according to my plan. But if it didn't, I will accept it wholeheartedly.

Where is she?

Hindi na ako mapakali dahil sa gusto ko na syang makita ng malapitan at mayakap. I miss her so bad.

But what if she's mad at me because of what I did?

What if she slapped me for an answer?

What if she won't be surprised?

Oh God. Please no.

Puro negatibo na ang naiisip ko dahil sa tagal nya. Hindi ko maiwasang hindi magisip ng masama.

Kung sa bagay, sino ba ang matutuwa na magpapakita at magpaparamdam ng ilang linggo yung taong mahal mo?

Shit.

Mariin akong napapikit at napamura sa isipan dahil sa aking mga naiisip. Gusto ko na syang dumating at the same time ayaw. Gusto dahil miss na miss ko na sya at may sasabihin ako. Ayaw naman dahil baka bugbog lang ang matamo ko.

But just what I've said earlier to myself, there is no turning back. Whatever happens, happens.

Kailangan siguro na maging positive thinker ako ngayon. Dahil pakiramdam ko any moment from now, maaari na akong mabaliw.

Lumapit sa aking muli si Cassandra while holding a piece of paper. Binigay nya sa akin ito ng makalapit sya sa akin.

Nakatupi ito at ng buksan ko ay may isang naka drawing na puso. I look at Cassie and she's smiling at me genuinely.

Doon ko narealized na I shouldn't be planning on what will I tell her. I should just let my heart do its job.

Napangiti ako at niyakap ko si Cassie ng mahigpit.

My little angel..

Para namang on queue ang pagkalas ko sa yakap kay Cassie dahil nagmamadaling lumapit sa akin si Lyka.

"She's here" Halata ang excitement na nararamdaman ni Lyka na pagka sabi sakin.

Umayos na ang lahat. Pinatay na ang ilaw sa may gilid para hindi mahahalatang marami kaming naririto.

Humugot ako ng isang hingang malalim saka inilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa. Hinawakan ko pa ng mahigpit ang maliit na box while silently praying that everything will go according to plan.

No more backing out.

------------------------------------------------------------------

Hello guys! Kamusta???? Pasensya nana kung ngayon lang nagparamdam ang author nyo. Naging busy at nagkasakit eh.

Wishing all of you a Happy New Year from my characters and especially from me to you and your family. 😊

Sorry for the errors. ✌️

Please don't forget to vote and leave a comment below! 👇

Rainbow. 🌈

Falling In Love Again (completed)Where stories live. Discover now