7

4.2K 82 0
                                    

"IKAW ang date ko sa prom, ha?" sabi ni Celine kay James. Naglalakad sila nito palabas sa school.

"H-ha? A-ako?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong nito. Sanay na siya sa reaksiyon nitong iyon kapag binibigla niya ito.

Natawa na lang siya. "Oo, ikaw. Sige na, James."

"H-hindi ka ba niyaya ni Third?"

"Sira ka ba? May girlfriend 'yon. Gusto mong awayin ako ni Lizzy?"

Natahimik ito. As usual.

"Sige na, ha?"

"W-wala na bang ibang n-nagyaya sa 'yo?"

"Meron. Ayoko sa kanila," diretsahang sabi niya. "Ano, ayaw mo ba akong maka-date?"

"B-baka pagtawanan ka lang nila. Hindi g-guwapo ang ka-date mo."

"Pakialam ko ba sa kanila. Mabait ka naman. At kaibigan kita, hindi ba?"

Natahimik na naman ito.

"Ano na?"

Tila nag-isip pa ito. "O-oo."

"Thanks!" kaagad na pagpapasalamat niya.

Sinundo siya ni James sa bahay nila nang dumating ang araw ng junior-senior prominade. Simple lang ang suot nito pero okay na iyon. Bagay naman iyon dito.

Mabait ang mga magulang niya kaya wala siyang problema sa pakikipagkaibigan niya sa kahit sino niya gusto.

"Mag-ingat kayo, ha?" anang daddy niya nang nasa labas na sila ng eskuwelahan. Hinatid sila nito gamit ang sasakyan nito. Nakababa na sila roon.

"Opo, Dad." Hinalikan niya sa pisngi ang kanyang ama.

"James, ikaw na ang bahalang maghatid kina Celine at Gwen mamaya, ha?" sabi ng daddy niya rito.

"O-opo. Huwag po kayong mag-alala."

"Nagtitiwala ako sa 'yo." Nagpaalam ito para umuwi.

Halos sabay silang tatlo nina James at Gwen sa pagsabi dito ng "Ingat po kayo."

Humiwalay si Gwen sa kanila pagdating sa venue na nasa covered court ng eskuwelahan dahil wala itong ka-date. Hindi nga sana ito dadalo kung hindi lang ito kasama sa cotillion.

Hinanap ng mga mata niya si Third pagkaupo nila ni James sa isang bakanteng puwesto. Nakita niya ito kasama siyempre si Lizzy. Medyo malayo ang mesa ng mga ito sa mesa nila.

May naririnig siyang bulung-bulungan habang nakatingin sa kanila ni James ang mga tsismosa ng school pero hindi niya pinagpapansin ang mga ito.

Pagkatapos ng cotillion dance kung saan kasali rin siya ay sinimulan na ang dinner. Pagkatapos ng dinner ay niyaya niya si James na sumayaw. Tila nag-iisip pa ito pero wala na itong nagawa nang hilain niya ito patungo sa dance floor. Siya pa ang naglagay ng mga kamay nito sa balikat niya. Napansin niyang bahagyang pumisik ito nang ilagay niya ang mga kamay niya sa baywang nito.

"Bakit ba napakamahiyain mo?" tanong niya rito.

"H-hindi ko nga rin alam, eh."

Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now