4. IN A RENDEZVOUS

145 27 5
                                    

In a Rendezvous Part 7

Kinaumagahan, nagising ako ng maaga. Hindi ako nakatulog ng mahaba pero maganda ang gising ko ngayon.

Naligo ako at kumain ng umagahan atsaka napag-isipan na umuwi sa condo unit ko. Nang makauwi ako nakatanggap ako ng isang text; galing kay Junhui.

"Are you free today" napangiti ako at nag-reply.

"Yes, why?" Nagulat ako sa mabilis niyang reply.

"Where are you?" Ano kayang plano nito, ide-date ako?

"Nasa condo ko, bakit?" Nagreply siya agad ulit

"I'll pick you up" nang mabasa ko yon sgad akong nagpanic.

Tinakbo ko ang walk in closet ko at naghalungkat ng damit na pwede kong suotin. Habang abala ako sa pagpili ng maisusuot nang tumunog ang door bell. Nagmadali kong dinampot ang dalawang dress na napili ko ang isa ay kulay beige at ang isa ay isang flanel dress na kulay black. Girly ang isa ang isa naman ang pang-charismatic ang design. Sa huli, iyong flanel shirt ang napili ko at sinuot ito at pinaresan ko ng white sneakers. Nilagyan ko ng kakaonting kulay ang mukha ko at ginawang ponytail ang mahaba kong buhok. Tumakbo ako sa may pinto at nadatnan si Junhui na inip na inip.

"Hey! Bakit ang tagal mong hinuksan ang pinto? " tanong niya sabay pasok sa loob. Binigyan ko siya ng madadaanan at isinara ang pinto.

"Naghanap pa kasi ako ng maisusuot--" natigilan ako ng marealize ko na parehong kulay ang damit namin. Napatawa siya.

"Oh! Magpapalit ulit ako" sabi ko pero pinigilan niya ako.

"No! Let's just go out wearing these" nakangiti niyang sabi. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Buong gala namin ay nakahawak lang sa kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

"Anong gusto mong gawin natin?" Napahinto kami sa paglalakad at tiningnan niya ako. Tumingin-tingin ako sa paligid nang nakita ko ang isang stall ng cotton candy.

"Doon tayo" sabi ko sabay turo doon. Nakangiti siyang tumango at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

I do feel awkward sa kanya. Parang kahapon ay ayaw ko sa kanya at galit ako pero ngayon kahit na-o-awkward-an ako sa kanya pero parang panatag ang loob ko kasama siya.

Bumili siya ng isang malaking cotton candy. Iniabot niya ito sa akin.

"Bakit isa lang?" Tanong ko

"Share tayo ang laki niyan oh" sabi niya. Napakibit-balikat ako saka inilapit ang cotton candy at kumagat. Nagulat ako nang sumabay si Junhui sa pagkagat, agad namang nag-init ang mga mukha ko.

"Mmm..masyadong matamis" sabi niya habag ngumunguya. Napatingin lamang ako sa kanya at sinusubukang i-sink in ang ginawa niya.

"Oy! Tulala ka ata" natauhan ako nang kumaway siya sa harap ko.

"Ahh wala" pag-iwas ko sa usapan.

Pumasok kami sa sinehan at nanood ng isang historical movie. Tutok ako sa screen nang naramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni Junhui sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakitang payapang natutulog. Ginalaw ko ng marahan ang balikat ko para gisingin siya pero hindi ko na tinuloy.

Tiningnan ko siyang natutulog. Ang cute niya pala at pogi. Walang duda kung maraming babaeng naghahabol sa kanya, gwapo eh. Pero bakit bigla-bigla lang yung nararamdaman ko sa kanya. Does it started dahil sa one-night-stand?

Aigoo! Never mind.

"Ang ganda ng movie" sabi niya. Bahagya akong napatawa. Maganda daw eh buong oras siyang tulog.

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon