Chapter 35 (My Sister's Fiance/Husband)

2.9K 36 0
                                    

Mrs. Alcantara's POV

(A/N: Exposure para sa kanya. Mawawala na sya e. Bwahahaha)

Ramdam ko ang pag aalala ng asawa ko. Hindi ko gusto ito pero ayokong sabihin na hawak ako ng lalaking to.

Para ano reader? Para sumugod dito ang asawa ko? Para mapahamak din sya?

Mas mabuti pang sabihin kong lumayo nalang ako.

[Sonya what are you talking about? Where are you? Pupuntahan kita jan--]

Lumunok ako bago magsalita. Naguunahan din sa pagdaloy ang aking mga luha.

Idinikit ko sa aking mga labi ang teleponong hawak ko. Ayokong marinig ng lalaking nasa harapan ko ang anumang sasabihin ko.

"I call you to say goodbye. Please take care of our daughters. Celine and Seellyna. Babalik ako. Pangako yan"

Matapos patayin ang telepono ay matapang akong tumingin sa mga mata ng lalaking malademonyong nakatingin sakin.

"I'm surprised. You didn't tell him the truth"

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa bawat kilos nya. Binunot nya ang isang baril mula sa kanyang tagiliran.

"I guess I need to say goodbye too. Goodbye Mrs. Alcantara. Any last word?"

Matapang kong sinalubong ang mga tingin nya maging ang nakatutok na baril sakin. "I hope you die" saad ko.

Ngumisi sya ng nakakaloko.

*Bang*

---
(A/N: Alam kong maraming magtatanong about sa scene na to. Hahaha. Stay put lang kayo jan ano po?)
--

Seellyna's POV

Feeling ko isang taon yung naging byahe namin ni Mr. Husband patungo sa Villa Funtabella.

Panis na panis rin yung laway ko. I don't want to say a word. Baka.. baka.. ay ewan.

"Ano? You'll stay there or you'll stay there?"

Inis kong tinapunan ng tingin Si Mr. Husband. Nakakunot yung noo nya then tumalikod na at derederetsong pumasok sa Villa.

Tsk. Bastos talaga. Ano pa ba aasahan ko sa isang yun? Hindi nya alam yung salitang gentleman.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse at pumasok na sa Villa.

I saw Mr. Husband. Nakatayo sya sa sala and nakatingin sakin.

Mali..

He's giving me his evil stare. Tusukin ko mata nya e.

"What now?" tanong ko. Pero gaya ng inaasahan ko, hindi yan sasagot. Umupo lang sya at tila naghihintay ng kung ano.

Tsk. Mapapanis talaga laway mo sa isang to. Ini-imagine ko palang na titira ako sa bahay kasama tong lalaki na to, pinaninindigan na ko ng balahibo.

"Seat down" inis nyang asik sakin.

Tsk. Hayts.

Padabog akong naupo sa katapat nyang upuan. Paglingon ko ay nakakunot na naman yung noo nya.

"Seat here" inis na saad nya at tinap yung pwesto sa tabi nya.

*Dug dug dug dug*

Sh*t na heartbeat to.

Ayts. Kainis. Kung ano ano na naman kase sinasabi ng lalaking to. Bakit nya ko pauupuin dun? Dameng arte kase.

Di na ko umimik. Basta di ako uupo dun. Akala nya susunod ako sa kanya? Manigas sya.

*minutes of staring*

Yeah. Ilang minuto na kame dito. Tagal naman nina Ate Xarina. Tsk.

Padabog akong tumayo. Maybe I can go in my room while waiting for them. Kesa naman dito sa sala with this masungit na nilalang here. Tsk.

Tatalikod na sana ako ng magsalita sya.

"Seat down"

Tamo. Sama talaga ng ugali. Para syang naguutos sa aso. Sinamaan ko sya ng tingin.

"I"m going in my room. Kung gusto mo pumunta karin" asik ko sa kanya sabay talikod.

Nagiinit na dugo ko sa kanya--

Wait? Loading..

What did I say??

'I'm going in my room. Kung gusto mo pumunta karin'

O.O

Oh sh*t!

Napaharap ako sa kanya. I saw him smirking. Nakataas na naman yung sulok ng labi nya na parang ngingiti na ewan.

"I mean, you can go to your room"

"Really?" he said. Tumayo narin sya.

*Dug dug dug dug*

Bakit sya tumayo? Hala. Ibig kong sabihin pupunta ko sa kwarto ko and kung gusto nya pumunta din sya sa kwarto nya. Ayts.

Naglakad na sya palapit sakin.

"O-oi" saad ko. Sh*t nauutal na naman ako. "San ka pupunta?"

"Sa kwarto mo"

Balasubas!

"That's not what I mean!" inis kong saad. Bwisit tong isang to.

*Dug dug dug*

*Hakbang hakbang*

Sige lumapit lang to masasapak ko sya.

"Girlfriend I'm here" kasabay noon ang pagbukas ng pinto.

Iniluwa nun ang dalawang nagbabangayan na lalaki. As usual kilala nyo yan.

Save by the two Malandi in earth. *Sigh*

Yung mukha nung dalawang malandi ganto oh ---> O.O

Ngayon ko lang napagtanto yung pwesto namin ni Mr. Husband.

Nakatayo kame then nakatayo sya sa mismong harap ko. Maybe mga tatlong rulers ganon.

Tsk. Kung ano na nman iisipin ng dalawang malandi na to--

"Kuya Lei what are you doing to my girlfriend!?"

"Walang ganyanan"

Inis kong sinamaan ng tingin yung dalawa sabay sulyap kay Mr. Husband. Nakakunot na naman noo nya.

Bakit ba sya nagagalit?

I was about to say something ng bigla nang nagpasukan yung iba pa nilang mga pinsan. There's Shawn, Zoey, Third, Hans, Saijo, Zeke at iba pa.

"Tsk. You can go to your room now" tila naiinis na saad na naman ni Mr. Husband. Gulo ng utak nya. Damot pa.

"Come here Celine. Let's change your clothes" ani ate Xarina at inakay na ko palataas ng hagdan. "You change your clothes too" dugtong pa nito at itinuro isa isa lahat ng mga pinsan nito sa baba.

I look at them bago muling humakbang pataas.

Di ako tumingin dun sa masungit na nilalang. Tsk.

--

Leonard's POV

Patingin tingin pa.

Tsk.

--

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Where stories live. Discover now