Chapter 61 (My Sister's Fiance/Husband)

2.2K 41 1
                                    

A/N: Play sad song please!

--

Alam mo yung hindi lahat nagtatagal? Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na gawin lahat ng gusto nya?

Darating kase yung time na kailangan mong magpaalam. Darating yung time na kailangan mong lumisan. Sa ayaw at sa gusto mo, may maiiwan at maiiwan.

"P-please! D-do everything! P-please save my d-daughter!"

Mas masakit, lalo na't hindi mo inaasahan.

"Doc, p-please do your best!"

Pumailanlang sa kahabaan ng hall na iyon ang mga palahaw at iyakan. Makikita rin ang isang ginang na kulang nalang ay maglumuhod sa harap ng isang doctor.

"How's my daughter? T-tell me, e-everything is just f-fine?" saad naman ng isa pang ginang at pagdakay yumakap sa asawa nito.

They are Yeji, Jade and Maurea's Moms.

"We are trying our best. But your daughters are in a critical condition. We are not giving you--

"Doc" humahangos na saad ng isang nurse.

"If you excuse me" saad ng doctor at muling pumasok sa loob ng operating room. Ngunit bago tuluyang pumasok ay hinawakan pa ito ng ina ni Maurea.

"Kahit m-magkano, magbabayad kami. Save o-our daughters" marahang tumango ang nasabing doctor kahit na sa kaibuturan nito'y imposible.

Imposible ang gusto nitong mangyari.

May magpapa-alam at may magpapatuloy. At ang masaklap, ay wala kang magagawa. Wala silang magagawa.

Naiwan sa labas ng ER ang mga kamag-anak ng dalawa na ngayon ay magkasalikop na ang mga kamay at nananalangin sa kalagayan ng tatlo.

Makalipas lang ng ilang oras ay dalawang pasyente na naliligo rin sa kani-kanilang dugo ang ipinasok sa hospital na iyon kasabay ng ilang mga sugatan.

"Leonard! Celine!" Palahaw ni Mrs. Funtabella at tila nauupos na lumapit sa dalawa na sakay ng stretcher. Ilang mga nurses ang umaakay sa mga ito.

Inalalayan ng ilang magpipinsan na hindi ganun kalala ang tama ang kani-kanilang mga magulang.

They don't know why these are all happening to them.

They don't know what have they done!

--

Seellyna's POV

Naririnig ko ang lahat. Ang sigawan, ingay sa paligid, ang mga iyakan, maging ang pagsakay sakin sa chopper upang dalhin ako sa hospital.

Naririnig ko silang lahat habang sinasabing lumaban ako, na kayanin ko.

Pero kakayanin ko nga ba?

"Leoanard! Celine!"

Malinaw sa pandinig ko ang mga iyakan sa paligid maging ang pagtawag nila sa pangalan ng kapatid ko. Pero hindi ko magawang imulat ang aking mga mata.

Tila hinihila ako ng kung sino man na mahimbing nalang. Bumibigat narin ang talukap ng aking mga mata. Nararamdaman ko narin ang unti unting pagbagal ang aking paghinga maging pagtibok ng aking puso.

Alam kong umiiyak ako, Oo umiiyak ako. Bakit ako? Bakit ang kapatid ko?

Ayoko, ayoko pa. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat. Na sana, bago ako mawala ay makilala nila si Seellyna.

Makilala nila ako bilang si Seellyna.

Gusto kong magmulat ng mata. Alam kong katabi ko lang si Lei. Alam kong nanjan lang sya. Gusto ko syang makita ngunit hindi ko magawa.

"Her BP is low" narinig ko pang saad ng isa bago ako lagyan ng kung ano saking bibig.

Please.

I want to live.

"Scapel" saad pa ng isa bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

--

Leonard's POV

I open my eyes.

I saw her.

Para kong tinusok ng ilang beses sa dibdib by just looking at her.

"W-wife--

Hindi ko na naituloy ang anumang sasabihin ko. They bring me in a different direction but I'm still looking at her.

Gusto ko syang abutin.

F*ck!

Don't die Wife!

"Z-Zeke" I looked at my cousin. "T-tell them to s-save my w-wife" hirap na hirap kong saad. Halos wala naring boses na lumalabas sa bibig ko. "If n-not, I'll k-kill t-them"

Zeke gave me a smile before they bring me inside the operating room.

--

Third Person's POV

Sa bawat operating room sa loob ng hospital na iyon ay may mga pasyente na ginagawa ng mga doctor ang lahat upang maisalba ang mga ito.

Sa labas naman ay naroroon ang mga kamag-anak nila na taimtim na nagdarasal.

Isang napakabigat na eksena ang nagaganap sa hospital na iyon. Mabigat sa dibdib kung titingnan mo pa ang bawat sulok ng lugar.

Hanggang,

Kaba ang bumalot sa loob ng isang operating room ng unti itong tumitigil sa pagtibok ng puso ng pasyenteng kanilang inooperahan.

"Doc vital sign is getting low"

"Prepare the electric shock"

"Done"

"Clear"

*Boosgh*

"Clear"

*Boogsh*

Hanggang isang tunog nalang ang narinig tanda na may isang nilalang na binawian ng buhay.

'Tooooooooooooooooooooooot'

"Time of death, 6:38"

Ibinaba na ng doctor maging ng mga nurse ang kanilang hawak. Itinabon narin nila ang puting kumot sa kabuuhan ng pasyente.

Matapos iyon ay lumabas na ang doctor upang harapin ang pamilya ng pasyenteng hindi nila nagawang isalba.

--

Sorry for some grammar, typo and spelling errors.

Vote, comment and be a fan. Lovelots. 😘

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Where stories live. Discover now