"Who are you?" kinakabahang tanong ni Issay sa lalaking kaharap nang mapagtantong hindi niya ito kilala.
Mabilis siyang napaatras nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa batuhan at naglakad palapit sa kanya. Naliwanagan ng sinag ng buwan ang mukha nito kaya't malinaw sa kanya na hindi nga ito si Jevy.
Kahit nanginginig ang kamay sa klase ng pagkangisi nito sa kanya ay hindi niya iyon pinahalata. Pilit niyang nilalabanan ang takot at taas noo itong hinarap.
Lalong naging malapad ang pagkangisi ng lalaki habang unti-unting itong humakbang palapit sa dalaga.
"Tama nga ang sabi ni Jevy. You're a beauty!" mala-demonyong wika nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Nakadama ng takot si Issay dahil sa uri ng titig ng estrangherong lalaki. Pilit niyang inihakbang ang paa paatras habang papalapit ito sa kanya. Hindi niya ito kilala pero kilala nito ang kasintahan niya. Gayunman ay hindi siya maaring magtiwala rito, lalo na sa uri ng mga tingin nito.
"Huwag kang lalapit!" pasigaw niyang pigil sa lalaki nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib niya dala ng matinding takot.
Hindi siya pinakinggan ng lalaki at nagpatuloy ito sa paghakbang. Hayok na hayok siya nitong tinititigan at anumang oras ay akma siyang susunggabin na parang gutom na gutom na leon.
Issay felt the urge to run, so she did what she thinks what is right. Nang medyo malapit na ito sa kanya ay malakas niyang sinipa ang sentro ng pagkalalaki nito at kaagad na tumakbo pabalik sa kalsada bago pa siya nito maabutan.
Narinig pa niyang napamura ito sa sakit.
"Damn it!" galit na hiyaw nito. Pilit siya nitong hinabol kahit paika-ika ang katawan nito.
Dahil medyo may heels ang suot niyang sandalyas ay nahirapan siya sa pagtakbo. Nangilabot siya nang naabutan siya ng lalaki at kaagad na hinatak pabalik sa dalampasigan. Pasalya siya nitong tinulak sa buhanginan.
"You little prick!" galit na bulyaw nito at walang pakundangang tinadyakan siya sa baywang na ikinaigik niya.
Malakas siyang napasinghap dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin sa baga. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng tadyak nito.
Kahit nanginginig sa takot ay pinilit niya ang sariling bumangon. Hindi siya makakapayag na pagsamantalahan siya ng demonyong lalaking 'to.
Ngunit bago siya tuluyang makatayo ay isang malakas na tadyak muli ang pinakawalan nito na halos nagpawala sa ulirat niya. Muli siyang napahiga. Namilipit sa sakit na iniwasan niya ang nakausling matulis na batong muntikan ng tumama sa pisngi niya.
Nang halos hindi na siya makatayo ay kaagad siyang kinubabawan ng lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya kaya hindi siya nakawala.
Nagpumiglas si Elyssa at pilit itong nilabanan kahit sa nanghihinang katawan.
"Bitiwan mo 'ko!" namamaos na sigaw niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot. Pero naroon ang kagustuhang lumaban.
"No, sweetie girl! You will be mine tonight!" nakangising sagot nito.
Lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kamay niya. Pilit siya nitong hinalikan pero kontodo iwas ang mukha niya. She don't want this man to taste any inch of her.
"Huwag ka ng lumaban, Elyssa! Wala ka ng kawala!" mala-demonyong wika ng lalaki.
Bumaba ang labi ng estranghero sa leeg niya at dinilaan ang makinis na balat niya. Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na lumuha habang pilit na sinasaliksik sa isip kung ano ang dapat gawin upang takasan ito. She needs to calm down to think of a plan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Step Sister
RomanceMatalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang d...