Chapter 35 - Matts

4.6K 185 2
                                    

I can feel my body still aching. Voices are coming from one place to another. I can't seem to imagine where I am.

I moved my index finger. That seems to be the only thing I can do.

"Gumalaw sya!"

Sabi ng isang pamilyar na tinig.

"Tumawag ka ng nurse dali!" Her voice was in panick ngunit di maitago ang kasiyaahan doon.

With a heavy eyelid, I tried to open my eyes.
Everything seemed to be blurred ngunit hindi iyon hadlang upang maaninag ko ang babaeng nasa aking harapan.

"Dyos ko anak, akala ko hindi ka na magigising."
Magkahalong tuwa at pag iyak ang mababakas sa tinig nito.

"Ma" I whispered softly na tila ang aking lalamunan ay matagal na nagpahinga.

"Kumusta pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Nagugutom ka ba? Teka, kilala mo ako?"
Sunod sunod na tanong ni mama.

I didn't say a word. Bagkus, nilibot ko ang aking paningin na unti unting nagliliwanag.

I can see dextrose at my side, may mesa sa gilid na puno ng prutas at pagkain.

I am in the hospital!
Wait? Hispital? Anong nangyari sakin?

Oh God!

"Ma si Matthew?!"

Hindi nagsalita si mama. Binaling nya sa labas ang tingin na waring umiiwas. I can see in her eyes small tears forming at namumula ang kanyang mukha.

I was hoping na ang sasabihin nya ay "Sino si Matthew?" gaya noong nagising akong hinahanap ko si Mark.

"Ma, si Matthew?"

Pag uulit ko.

"Anak..." Sadya nitong pinutol ang saaabihin na tila hindi makuha ang unang salitang bibitawan.

"Ma please say something!" Naiiyak na ako.
Parang alam ko ang kanyang sasabihin ngunit I am still in denial.

"Anak, wala na si Matthew."
Nabasag ang boses nito at ang luhang kanina pa namumoo sa mata ay agad na bumagsak.

"Ma hindi totoo yan!"
Humahagulhol na ako. This can't be! Sabi nya hindia nya ako iiwan!

"Anak!"

"Ma hindi totoo yan, hindi totoo yan!"
Wala akong magawa, ni ang buo kong katawan ay hindi ko maigalaw.
Yun unang beses na hiniling ko na sana ay hindi na lang ako nagising.
Ang sakit! Kala ko makakasanayan ko ang gantong sakit ngunit tila ba ang aking dibdib ay may isanlibong espada na sabay sabay tumutusok.

For more than 30 minutes wala akong ginawa kundi ang humagulhol, tawagin ang pangalan ng nag iisang taong minahal ko ng buong puso, habang ang aking ina ay nakayakap sakin at hindi alam kung paano ako papakalmahin.

Nang ako ay mkaramdam ng pagkahapo, at tila wala ng luhang tumutulo, ako ay kumalma ng bahagya.

"Gusto ko syang makita Ma."

"Anak, matagal na syang inihimlay."

"Ano? Hindi nyo ako hinintay magising?"

"Anak mahigit dalawang bwan kang naka coma!"

Akala ko wala na akong luha, ngunit ang tubig sa aking mata ay muling umagos na tila ito ay may sariling bukal.

"Ma, hindi ko kaya, mahal na mahal ko si Matts."

"Anak magpakatatag ka, may plano ang panginoon. Andito lang ako anak."

Kakayanin ko nga ba?

Narinig kong may ingay na papalapit sa aking silid. Kasabay noon ang pagkawala ng aking ulirat.

Ang Pink na Brief (Completed boyxboy)Where stories live. Discover now