d o s

82 2 0
                                    

[this scripture is not mine, nor written by me, credits to the rightful owners.]

ikaw at ako.

ikaw yung tipo ng taong ang hirap-hirap bitawan,
ikaw yung tipo na pagmamahal na hahanap-hanapin kahit saan,
ikaw yung tipo na pagkakamali na naisin kong gawin muli,
ikaw yung tipong pagmamahal na wala mang kasiguraduhan, wala mang paninaya, walang sapat na dahilan, pero ikaw, ikaw ang gusto kong makasama.

at ako?

ako yung tipo na, ang dali-dali kong nyong bitawan,
ako yung tipo na, hindi mo handang isugal ang lahat ng iyong mga baraha, kasi ganon naman talaga, hindi ba?

ikaw at ikaw parin yung bida sa kwento na ito,
ikaw ang kalangitan para sa lahat.

pero ako, ako ang kadalimang sa gabing tulog na ang mga ulap.

nais ko pang hawakan ang salitang, "tayo."
ngunit sa bawat sambit ko nito, ay sinisigaw mong "tapos na tayo!"

bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang nakakapit?
bakit ka naglayag sa madilim na karagatan, na parang ikaw lang ang lulan sa barko ng ating pagmamahalan?

paano naman ako?
saan nga ba ang lugar ko diyan sa puso mo?
o mas tamang itanong,
kung meron nga ba akong lugar, diyan sa puso mo?

ang hirap mahalin ng taong, iba ang aksyon sa ibinubuka ng bibig,
ang hirap mahalin ng taong, ginawa mong sentro ng iyong mundo, pero para sakanya, isa kalang sa mga kontinente nito.

bakit nga ba nabuo ang salitang, "tayo?"
kasi gulong-gulo na ako.

totoo ngang, mas lamang ang ikaw sa ako,
kasi, kinalimutan ko ang sarili ko, mailagay ka lamang sa tuktok ng buhay ko.
nawala ang ako.

at kung hindi mo pa rin pansin,
ikaw at ako,
ay hindi na nga magtatagpo.

kaya hanggang dito nalang mahal,
nagpapaalam na ako,
pinapalaya na kita,
pero sana maalala mo na,
mahal na mahal kita.

pero tama na,
pagod na ako,
oras na para mahalin ko naman ang sarili ko.

//
i added some extra parts, hehe. the ending is made by me. (from kaya hanggang) HOPE YOU ALL ENJOYED!

i typed this during my flight bound to riyadh so..

ily guys ❤️

100 poems Where stories live. Discover now