o c h o

54 2 1
                                    

malaya.

mahirap.
masakit.
mahirap isipin na nawala ka lamang sa isang idlip.
masakit isipin na masaya ka na,
masaya ka na sa mga halik niya.
masaya ka na sa mga yakap at yapos niya.
masaya ka na sakaniya.

ang hirap matulog,
ng naalala ang iyong mga ngiti,
tila nakadikit sa aking mga alaala.
ang hirap matulog,
ng naalala ang iyong paghalik sa aking mga labi.
ang hirap matulog,
ng naalala ang kauna-unahang pinangiti mo muli ang aking mga labi.
ang hirap matulog,
na ang iyong kabuuan ang nasa isipan,
tuwing gabi.

kahit maraming araw na ang mga nakalipas,
ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong wasak,
ikaw pa rin ang binubuga ng nakasimangot na mga labi,
ikaw pa rin ang iniisip ng wala sa sariling isip,
ikaw pa rin.

siguro, tama na rin ang paglaya ko sayo.
hindi dahil hindi na kita mahal.
hindi dahil naduwag ako.
hindi dahil napagod ako.
kundi dahil masaya ka na.
kundi dahil mahal mo siya.
kundi dahil masaya ka na sa mga yakap niya.
kundi dahil siya na ang tinitibok ng puso.
kundi dahil siya.
siya na ang rason.
siya.

mahal na mahal kita, mahal ko.

pero tama na.

oras na rin na palayain kita.

malaya ka na, mahal.

100 poems Where stories live. Discover now