Chapter 23

109 5 0
                                    

“Hindi ko talaga maintindihan, eh,” nakangusong sabi ni Serria habang nakaupo kami rito sa batong upuan na nakalilim sa malaking puno.

Sumandal ako sa sandalan saka nagpakawala ng hininga.

“Hindi ko rin maintindihan,” bigo kong sagot.

Isang linggo na ang nakalilipas nang magtagpo at makilala nina Serria at Jaric ang isa’t isa. Kabadong-kabado ako nu’ng araw na iyon. Akala ko ay biglang guguho na ang mundo kasi nagtagpo na sila. Akala ko ay sasakupin na ng mga demonyo ang lupa dahil nagtagpo na ang dalawang itinakda pero…

Kaming tatlo rin ay nagtataka kung bakit hindi nangyari ang inaasahan namin. Sila ang itinakda at nagtagpo naman na silang dalawa kaya bakit hindi pa rin gumuguho ang mundo ng mga tao? Nakakapagtaka.

Nagbago na ba ang isip ng pinuno sa ibaba? Nagdadalawang isip ba siya sa pagsakop dito sa mundo namin?

“Pero paano kung hindi ako ang kapares ni Jaric? Ano sa tingin mo?” Agad akong napalingon kay Serria at pinanliitan ko siya ng mata.

Itinaas niya ang kanyang kilay. “Malay mo lang naman?”

Kinuha ko ang salaming makapagsasabing mali ang iniisip ni Serria sa aking shoulder bag. Kahit wasak-wasak ang salamin ay gumagana pa rin iyon kaya kahit papaano, napapakinabangan pa rin. Itinapat ko iyon sa kanyang mukha at nakita ko ang repleksyon niya sa salamin bilang isang ganap na demonyo. May kadangkal siyang sungay, mapupula ang balat, may itim at makakapal na pakpak at may nakakikilabot na ngisi.

“Kitams? Nakapa-imposible, Serria.” Ibinaba ko na ang salamin at muling ibinalik sa loob ng aking shoulder bag. Naipaliwanag ko na kay Serria kahapon pa ang saysay ng salaming ito kaya hindi na siya magtataka pa tungkol doon.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangiwi siya kaya natawa ako. Nang makita niya ang anyo niyang bilang demonyo ay hindi na niya iyon nagustuhan. Kaya lagi niyang sinasabi sa aking huwag na huwag kong itatapat sa mukha niya ang salaming ito.

“Ang pangit ko talaga sa ganoong anyo! Hindi na ako makakapaglagay ng mga kolorete. Para pa akong may allergy dahil pulang-pula ang buo kong katawan!” Reklamo niya kaya mas lalo ko siyang tinawanan.

“Anong tinatawa-tawa mo riyan? Gusto mo bang sunugin kita nang matigil ka?” Pagbabanta niya kaya mapait akong napangisi.

“Nakalilimutan mo yatang may kakayahan din akong apoy,” mapait kong tugon na ikinatigil niya.

Sa buong isang linggong wala si Mensahero ay marami-rami na rin ang nangyari. Pumupunta kaming dalawa ni Serria sa palasyo para kausapin ang Presidente. Gusto kasi niyang makumpirma kung totoo nga ba ang sinasabi kong may kakayahan akong apoy. Nang makita naman niya ang CCTV footage ay naniwala na siya. Mahirap mang tanggapin na ako ang may kasalanan sa sunog na naganap, wala akong magagawa, akong-ako ang nasa video.

“Demonyo ka rin kaya?” Mas lalo akong natigilan sa sinabi ni Serria. Inisip ko na rin ‘yon pero hindi maaari. Noon pa man ay nasa pangangalaga na ako ng mga magulang ko noong buhay pa sila. Wala ako sa impyerno noon kaya imposibleng demonyo ako. Alalang-alala ko pa ang mga alaala ko noon. Hindi ako demonyo.

“Hindi.” Tinignan ko ang dalawa kong kamay. “Malay mo ay may powers lang talaga ako.”

“May powers na magpalitaw ng kakaibang letra sa apoy?” Nagtataka niyang tanong kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Kakaibang letra?

“Shemah, Tortia! Ang astig!” Manghang sigaw ni Serria kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

Hinawakan niya ang ulo ko at ibinaling iyon sa aking harapan. Dahan-dahan namang nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. May apoy na nakalutang sa aking harapan pero ang mas nakagugulat ay ang kakaibang letra na nakaguhit doon.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon