Chapter Nine

2.1K 112 6
                                    

Lisa

Nakarating naman kami sa Forbes. Pero nakakairita sya!
Hindi pa naman kagandahan boses nya at kinanta pa nya yung paborito ko'ng kanta NOON. Yun kasi ang kinanta nila ng mga kaibigan nya sa akin nung nanligaw pa sya sa akin noon. Ito na rin ang theme song ng buhay ko.

Kinuha ko na ang bag ko at sabay na kami'ng lumabas.
Napatingin ako sa bahay nya.

Aghh! Naaalala ko na naman yung pagtresspass ko dyan. At buti naman hindi nya ako kinasuhan.
Tsk!

"Uuwi na ako!" Sabi ko at maglalakad na sana ng hablutin nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya ng blanko.

Ano na naman. Sumasakit na yung braso ko sa kakahila nila kanina sa akin eh.

"Hindi ka ba tutuloy sa bahay namin? Be my guest. Kumain tayo ng bibingka!" Aya nya.

Aggh!! Na naman ba?!
Bibingka kasi yung paborito namin'g kainin tuwing magdedate kami. Yep! Simple lang yung date namin noon, kakain lang kami sa tabi-tabi. Kakain ng fishball, kwekkwek  at iba pa.

Essh! Bakit ko ba yun kinekwento eh past na nga yun!!

"Hindi ako kumakain ng bibingka!" Sabi ko at kumalas sa hawak nya at nakita ko ang van na sinasakyan ng bodyguards ko kanina.

Nakita ko silang sinesermonan ni papa.
Agad ako'ng nqgtago sa kotsr ni Jungkook.

Hindi ko pala dapat takasan yung mga Bodyguards ko.
Aghhh! Hinila kasi ako agad ni Taehyungbkanina eh!
Magrereact na sana si Jungkook pero hinila ko na sya papasok sa gate ng bahay nya.
"Ano'ng nangyayari?" Tanong nya.

Sinilip ko pa si papa na sinesermunan sila.

"You're such a useless  sh!ts!! Hindi nyo nabantayan ng mabuti si Lisa!! Baka may mangyari'ng masama sa kanya!! Papatayin ko kayo!!"Rinig ko'ng mura ni papa.

Napapadalas na sya'ng galit...

Biglang nagvibrate ang phone ko.

[Mama]

Sinagot ko naman ito.

"Lisa! Hwag ka muna'ng umuwi rito sa bahay, galit na galit ang papa mo. Palipasin mo muna." Bilin nya.

Saan naman ako pupunta nito?

"But ma! Nangdito na ako sa tapat ng bahay! Saan ako pupunta?" Tanong ko.

"Basta hwag ka munang umuwi rit–"
Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil in-end call na nya ang tawag.
Baka nakita sya ni papa na tinatawagan ako.

"Kainis si Papa!"

"Bakit ka ba nagtatago?" Tanong ni Jungkook.
Naiinis na talaga ako sa kanya. Ang lakas pa ng boses.

"Bawal muna akong uuwi ngayon at hindi rin ako makakalabas ng Subdivision ngayon. I'm stuck in here." Sagot ko sa kanya.

Isinarado nya ang gate at tumingin sa akin.
"Dito ka muna tutuloy." Sabi nya at nagcrossed arms at bumakat ang biceps nya na malaki na kaysa dati.
Ayoko nga?

"No way! Ayoko nga!" Umiling ako.

"Dito ka lang! Makulimlim pa naman." Blackmail nya.
Masimangutan nga.

"Talaga?"

"I'm sure."

"Hi–"
May pumatak na tubig sa ilong ko at napatingin sa langit at umuulan na nga kaya napatakbo ako sa bahay nya para di mabasa.

Tsk! Mukhang magtitiis muna ako rito sa bahay nya. I don't have a choice. Hindi rin ako pwede papunta sa Hotel dahil sigurado akong binabantayan rin nila ang Gate ng Subdivision.

"Tara!" Aya nya.

Fine! Pumasok na ako sa bahay nya.

Di ko talaga akalain na makakapasok at mananatili ako sa bahay na'toh. At worst bahay ng ex ko. Yung nang-iwan sa akin. Nakihiram na rin ako ng t-shirt nya. White t-shirt ahh.
Di pa rin sya nagbago.

Suot ko ang loose white t-shirt nya at boxer nya.
Aghh!! I hate it!

Nangdito ako sa terrace nya at sinisilip kung ano na ang nangyayari sa bahay namin.
Hindi pa rin umaalis ang mga MIB ni papa na binabantayan ang gate at buong paligid.

Badtrip.

Naalala ko ang sinabi ni Taehyung sa akin.
Naguguluhan ako sa sinabi nya kanina.

Flashback

"Tae! Dahan-dahan naman!" Sabi ko sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang seatbelt ko.
Bakit ba sya nagmamadali. Lalabas na yung kaluluwa ko eh.

"Chill Princess Lisa!"

Ano'ng chill-chill!?!/!?
Feeling ko mamamatay na ako eh.

Mas lalo akong kumapit ng may malapit na sya'ng nasagasaan'g kotse.

"What's wrong with you, Taehyung!!" Sigaw ko sa kanya.
Ganito nantalaga sya magdrive. Di ko ba alam kung gusto nya pala na maging Racecar Racer.

Tumawa lang sya. Aba! Baliw 'toh ah!!

Sinapak ko sya kaya hindi na sya nagpapabilis.
Buti naman.
Buti nalang ay may traffic.
Sira na yung hairstyle ko. ___   ___
                                                    ^

"He deserves it." Bulong nya.
Enough na rin ng narinig ko.

"Ano?" Tanong ko.

Umiling lang sya at nginitian ako.
"Wala. Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong nya pa balik.

"Ito! Malapit ng mamatay dahil sa kagagawan mo!" Sungit ko. Kainis kasi eh!

"I'm sorry. Hindi ko intensyon na biglain ka. May kailangan ka lang talaga'ng malaman." Sabi nya.

Napatingin ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko.

"Sa totoo lang hindi ako sa Seltage High nag-aaral ngayon. Sa Paltone Academy ako nag-aaral." Kwento nya.

Ayy!
Mabuti naman! Para iwas sa gulo.
Malungkot rin dahil di ko kaklase ang bestfriend ko.

"Kakalabanin ko rin ang Basketball team nyo, kakalabanin ko si Jungkook......kukuhaninnna rin kita sa kanya." Sabi nya pa at tumingin sa akin.

"What? Kukuhanin sa kanya? What do you mean?" Tanong ko. Naguguluhan pa rin ako.

"I like you, Lisa! Since were young." Sabi nya.

Ang pagkakaalam ko may gusto sya kay Jennie pero ang loko may gusto rin pala sa akin!
Sabi pa nya sa akin na gusto nya'ng maging gurlfriend si Jennie.

Aghh!

"Nakadrugs ka ba?"

Tumawa naman sya. Ipinuwesto nya naman ang kotse nya sa gilid ng tulay. Feeling ko gusto nya pa'ng mag-usap.

"Pwede kapag ikaw yung drugs. Nakakaadik ka kasi."

End of Flashback

At doon na nagtatapos. Dumating na kasi si Jungkook. Nag-ala Ironman sa pagliligtas sa akin.




💛💛💛

Vote and Comment
And Follow me!

Thank you for reading and adding my story to your Readinglist! I'll do my best to write this book!
Keep supporting! This is 4 U all!!

My Ex Next Door ||Liskook//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon