Casual

13 7 0
                                    

(Just to give you an idea on how their room looks like, I intentionally put the picture on the media part of this chapter....)

Hingal na hingal si Epey matapos tumakbo nang walang tigil mula downtown pabalik ng dormitory nila. Imaginine niyo nalang how tiring it was. So ayun, nasa dorm na siya at papasok na ng kwarto. Nang makapasok na siya ay talaga namang napataas ang kilay niya. Hindi kasi siya makapaniwalang nandun sa loob si Violet. Kasi naman di ba, lagi itong may lakad. Naglalaptop lang ito, nanonood ng movie to be exact, pero parang malakas ang reflexes nito't napansin pa rin na medyo nagulat si Epey na nandun siya sa kwarto nila.

"Why are you so shocked? This is still my room, remember?" Tanong ni Violet habang nakatutok pa rin sa monitor. Hindi naman ito galit, normal na mataray lang talaga ang tono ng pagsasalita nito.

"Well, aside from First time mong mag-stay lang dito after ng class, eh... nag-stay ka nga rito after class," Sagot naman ni Epey, iyong tipong namimilosopo.

"Wala ako sa mood. Besides, may ibang lakad sina kuya kaya useless din to go out." Paliwanag ni Violet na nakaharap pa rin sa monitor.

Medyo na-awkward naman ang feeling ni Epey. Minsan talaga napapaisip siya kung anong meron kay Ricci at bakit parang nadidislocate ang sense of self niya pag pinag-uusapan na ito. Kaya lang parang hindi rin niya mapigil urges niya...

"Nagbabasketball pala kuya mo? S-sila ni JK." Pagcocontinue ni Epey ng usapan.

"Before." At this moment pi-nause na ni Violet ang pinapanood at humarap kay Epey na ngayon ay nakahiga na ang 3/4 ng katawan sa kama. Iyong tipong mula ulo hanggang upper legs lang ang nasa bed at yung tuhod papuntang paa ay naka-hang lang. "You've seen them earlier?"

"Oo." Napalingon na si Epey kay Violet at bahagyang bumangon para maupo. "Teka, what do you mean by 'before'?" Tanong niya agad.

"Before. Like, he played in the past or ages ago." Nonchalant naman na sagot ni Violet.

"Siyempre alam ko yun. Ang point ko lang is nakita ko sila kanina sa gym. So I thought varsity siya or player talaga."

"Seeing someone enter a gym does not necessarily mean that he or she is a player naman siguro di ba? Same as you, I know you're a tomboy but you're not a lesbian. I mean, you dress in a boyish kind of way whatever but you're not sexually attracted to me or to any girls out there." Paliwanag naman ni Violet.

"Grabe siya. Siyempre alam ko yun. Matalino rin kaya ako. Pero...may point ka nga." Sagot naman ni Epey.

"I have always had a point." Simpleng sagot ni Violet na ngayon ay nagta-type na ng kung ano.

"Eh bakit siya huminto?" Tanong ulit ni Epey. Iba rin.

"Eh bakit ka interested?" Tanong din ni Violet at slightly tumingin nang makahulugan kay Epey.

"Wala lang. Natanong ko lang. Masama ba?" Pag-iwas na ni Epey sa scrutiny ni Violet.

"He stopped for a reason. Since that reason occured, no one forced him to play basketball again. I think it was a really painful scenario for him. But at least ngayon, medyo sumasama na siya sa court with his friends. I think in time, he'll be his self again."

Gusto pa sanang malaman ni Epey kung anong nangyari pero na sense niyang napakapersonal siguro nito kasi hindi na binanggit ni Violet, kaya hindi niya nalang ito kinulit.

"Were you in Roman's Gate Gym earlier?" Tanong naman ni Violet na nagputol ng pagsi-spaced out mode ni Epey.

"Oo, nakita ko sila." Sagot naman ni Epey.

"Did you know na bawal tayo dun?"

"Ha? As in? Pero bakit?"

"Fucking school illogical rules." Sagot nalang ni Violet at nag- Eye roll.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now