Kabanata 19&20: Ang Mitsa At Si Don Custodio

56.2K 143 20
                                    

                                               Kabanata 19: Ang Mitsa

Lumabas sa klase si Placido Penitente.  Hindi na siya ang dating mapagtimpi.  Galit na galit siya.  Nais niyang gumawa ng isang libo't isang paghihiganti.  Parang ibinubulong ng kanyang budhi:  Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo.  Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio.  Nais niyang habulin ang Kura at ihagis sa ilog.

Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga . Ibig pag-uundayan ng suntok.  Nagpigil.  May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani.  Sinagasa niya ito.  Tumabi ang mga kadete.  Inaalihan ng hamok si Placido.

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral.  Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti.  Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang.  Kararating nito mula sa Batangas.  Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral.  Naghinagpis ang ina.  Nakiusap sa anak.  Nagpaalam si Placido sa ina.  Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo.  Mainit pa ang ulo.  Nguni't nakaramdam ng gutom.  Naisipang umuwi.  Inakalang wala na sa bahay ina't nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi.  Mali siya.  Naroon pa ang ina.  Naghihintay.

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko.  Ayaw ni Placido.  Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.  Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis.  Di na kumain muna, muling umalis ang binata.  Nagtungo sa daungan ng mga bapor.  Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.

Ginabi siya sa paggagala.  Walang natagpuang kaibigan.  Napatungo siya sa perya.  Nakita niya si Simoun.  Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong.  Napatulog siya sa mag-aalahas.

Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe.  Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan.  Bumaba sina Simoun at Placido.  Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal.  Nainggit si Placido.  Kinainisan sina Simoun at Isagani.  Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan.  Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.  Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales.  Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan.  Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal.  Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara.  Tumalima ang dating guro.

Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.

Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun.  Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain.  Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa.  Ngunit umiling siya. Kung ako'y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya.  Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.  Nilalagnat noon si Simoun.

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina.  Hindi tumututol sa mungkahi nito.  Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

                                             Kabanata 20: Si Don Custodio

Ang usapin ukol sa akademya ng salitang Kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang Buena Tinta.  Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.

Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya wala pang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod.  Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Where stories live. Discover now