[1] Nothing Special

40 1 0
                                    

"Omo! Bes nanliligaw sakin si ultimate crush ko!"

"Shet, si crush ngumiti sakin kahapon."

"Pre, kami na!"

"Nakakabakla talaga si JhonDrae."

Ilan lamang yan sa naririnig ko habang papunta ako sa classroom. As usual, mga crush na naman nila ang topic, wala na bang bago?

"Hey Blythe! Morning!" masiglang bati sakin ng classmate ko nang makapasok ako sa classroom.

Tiningnan ko lang siya at nagtungo na sa desk ko.

"Blythe! Blythe!" sigaw ng isang babae sa labas ng classroom kaya napatingin ako.

Si Eipei- ang pinsan kong napagkaitan sa height, di sa panlalait sa kanya. Maganda siya,bilogan ang mukha, di katabaan pero di rin payat.

Nilapitan ko siya at tiningnan ng masama.

"What is it this time?" I ask her sarcastically

"Well,hmm… please give this to JhonDrae." Nahihiya niyang sambit at iniwan sakin ang isang box.

Di man lang ako tinanong kung payag ako. Tss.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at umub-ob.

"Hey sleeping monster!" sigaw ng bwiset na kung sino man sa tenga ko kaya napatayo ako.

"Hahaha!"

Tiningnan ko ang natawa, at ang unggoy na si JhonDrae lang pala.

"Mamatay ka sana sa kakatawa, tss." Napairap na lang ako at maglalakad na sana palabas ng room dahil break time na nang hawakan niya ang braso ko at iharap ako sa kanya.

"What!" inis kong bulyaw.

"Crush mo talaga ako noh?" nakangisi niyang tanong.

Naka-drugs na naman tong unggoy na toh.

"What are you talking about?" I asked him.

Itinaas niya ang kanang kamay niyang may hawak na box.

"Oh! That's from Eipei." I said and walked away.

Maka-uwi na nga lang.Masyadong assuming ang unggoy na yun.

Pumunta ako sa office ni Sir Lim para humingi ng gate pass.

*knock knock*

"Come in!"

"Good morning Sir Lim, hmm… hihingi po sana ako ng Gate Pass?" may paggalang kong sabi sa kanya.

"May apat ka pang klase, hija." aniya

"Sir di ko na po kasi kaya, sobrang sakit na po nang ulo ko." sabi ko at hinawakan ang noo ko at nagkunwaring matamlay.

"Okay!" aniya at binigay na sakin ang gate pass.

"Thanks po!" masigla kong sambit at tumakbo na paalis sa office niya saka nagtungo sa main gate. Ang galing ko talaga mag-dahilan.

Pinalabas na ako ni Manong Guard ng ibigay ko sa kanya ang gate pass kong pirmado ni Sir Lim.

~meow~

Kinuha ko ang cp ko sa aking cellphone holder na nasa bulsa ng palda ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: Mommy Bruha

Buy some chocolate in your aunt Vei store.

Tss. Naglakad na ako papunta sa store ni Tita Vei, malapit lang naman yun sa school mga tatlong kanto ang dadaanan tapos tindahan niya na.

~Vei Chocolate Kingdom~

"Tita special chocolate nga po." Sabi ko kay Tita na nasa counter

"Here!"masiglang binigay ni Tita sakin ang isang box ng chocolate.

Nagbayad na ako at umuwi na.
Iniwan ko na lang sa ref ang chocolate at nag-iwan ng note dito.

May Ako at Ikaw Pero Bakit Walang Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon