Kariring lang ng bell ng pumasok ako ng classroom. As always, nagkakagulo na naman sila.
'Uy, gwapo daw nung transferee sa Section 2'
'IKR! Kasabay ko siya kanina pagpasok sa school'
'Galing siyang ibang bansa, at ang presko niya tingnan.'
Ilan lamang yan sa naririnig kong bulungan nila tungkol sa new student. Tss...
Umupo na ako sa upuan ko ng may asungot na nambatok sakin.
"Aga-aga nakakunot noo mo." Sabi niya
"Pake mo bang unggoy ka?" Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa workbook na nasa table ko.
"Meron ka nga yun no? Ay tibo ka nga pala, malabong magkaron ka." Natatawa niyang sabi.
Pumilas ako ng papel sa notebook na malapit sakin at binulog yun tsaka inilagay sa bunganga niya.
"Para sa isang unggoy, masyado kang maingay." Nakangisi kong sabi at umob-ob na lang.
Panira talaga ng araw 'to.
Pumasok na si Sir Lim at tumahimik na ang buong klase.
"May magsiseat in munang student dito sa inyo." Anunsiyo ni Sir at nagsimula na naman silang magbulungan.
" Mga bubuyog ba kayo? Manahimik nga kayo!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kanila.
"Hahahaha pagpasensiyahan niyo na si tibo, meron yan ngayon eh." Natatawang sabi ni Unggoy.
"Letse ka." Sabi ko sa kanya with matching big eyes pa.
"Shh.shh. so Mr.Samaniego please come in." Sabi ni sir na naging dahilan para mapatingin ako sa unahan.
"Rike." Bulong ko
Napatingin siya sakin at ngumiti.
Si Rike Samaniego, ang boy bestfriend ko na bigla na lang nang-iwan sa ere ng wala man lang paalam.
" I'll be part of your section for one month and that's starting today, hope we'll get along." Sabi niya at tumingin sakin. Napairap na lang ako na ikinangiti niya naman.
"Oy tibo uuwi ka na?" Tanong ni sakin ni unggoy.
"Di ba halata?" Pagtataray ko dito.
"Eto naman, babye na tibo ahahahah" aniya at tumakbo na palabas.
Isinakbat ko na ang bag ko at nasa tapat na ako ng pintuan ng biglang may humarang.
"Excuse me" sabi ko at lalampasan na sana siya kaso patuloy pa rin siya sa pagharang.
"Sinabi ng padaan eh!" Sigaw ko at binunggo ang balikat niya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"You've change a lot." Aniya kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin sakin.
'Calm down, calm down'
Sabi ko sa sarili ko."Coming from you!" I said sarcasticly
"Ava let me explain." Aniya at hahawakan na sana ako ng pigilan ko siya.
"Explain? Pagkatapos ng halos apat na taon ngayon mo lang naisipan mag-explain?" Sigaw ko sa kanya.
"Mali ako, I admit it. Gusto ko lang ibalik ang dating tayo, miss na miss na kita." Aniya at nanunubig na ang mata niya pero hindi dapat ako maawa sa kanya..
"You know one fact about people? Never get too attached by someone, because people wake up with different feelings everyday." Sabi ko at tinalikuran siya.
'Sorry Rike, ansakit palang makita kang muli'
Gabi na akong umuwi sa bahay at hindi ko na pinansin si mommy na nag-aabang sakin sa sala.
Wala ako sa mood.*knock* *knock*
"What?" Sigaw ko
"I heard Rike's back." Aniya
"I'm tired." Nasabi ko na lang at nagtalukbong ng kumot.
Nang gabing yun inilabas ko ang mga luhang ilang taon kong pinigil. Araw-araw akong nag-aabang ng message and call from him pero ni isa wala akong natanggap. Ni hindi ako nagpalit ng number at ginawa ang lahat para di madeact ang sim ko dahil umaasa akong itetext o tatawagan niya ako.
Pero hindi niya ginawa.
BINABASA MO ANG
May Ako at Ikaw Pero Bakit Walang Tayo?
RomanceUmasa, Pinaasa, Umaasa, Nafall kay bes, niloko ni bes,nafriend-zone, ini-snob... kahit ano pa man yan, well I don't care di naman siguro ako mapapabilang sa mga yan. ~I'm Ava, and welcome to my story.