Capitulo Uno

23 0 0
                                    

Joel

Briana Aleyna Diaz Gutierrez

What a nice name,The only girl who dares to slap me. Hanggang ngayon bakat parin ang mga sampal nya sa mukha ko. And I dont know why i'm smiling like an idiot right now.

Flashback...

"Yung pinaka matapang nyong alak, yung kaya akong ipaglaban!" Mangiyak ngiyak na sabi nung isang babae sa tabi ko. Imbes na senti ako rito dahil sa pangungulila sa ex girlfriend ko. Natatawa ako dahil sa pag atungol at pag iyak nitong babaeng katabi ko.

"Miss Wala ka bang kasama ?" Tanong ko sa kanya dahil lasing na lasing na siya. Concern lang naman ako sa kanya. Mamaya mabalitaan ko nalang na lumulutang sa kanal ang bangkay niya,hindi kakayanin ng konsensya ko yun dahil ako huling nakausap niya.

"Mag isa nalang ako, Iniwan na nya kasi ako " sabay hagulgol niya. Hinayaan ko nalang siya uminom kahiy mukha siyang baliw na umiiyak at humuhugot pa

"Ihahatid na kita Miss " Nakailang bote na kasi siya, hindi na nga nakapag emote dahil sa ingay niya kaya nag laro nalang ako ng mobile legends. Inalalayan ko syang tumayo. Akala ko magaan lang siya dahil ang payat payat niya pero akala ko lang pala yun dahil para akong nag bubuhat ng ilang sakong bigas, grabe ang bigat naman ng buto niya. Nung nasa parking lot kami ay nag suka siya, mukhang hinang hina talaga siya.

Inayos ko ang buhok nya na nakatakip sa mukha nya. She's really pretty, angelic face and the word gorgeous is not enough to describe her. Kung nauna ko lang sana siyang nakilala kay Ela ay malamang sa kanya ako nainlove. Pero hindi, kahit sino pa atang magandang babae na iharap sakin ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko kay Ela. What I felt for my Ela doesnt have any reason. mahal na mahal ko siya.

nang imulat nya ang mata niya bigla itong nanlaki, nagulat ako ng pinagsasampal niya ko.

"How dare you Jack ! Ang kapal kapal ng mukha mo ! pag kataposh mong makipag landian dun kanina  sha kin ka naman lalapit ! Ang kapal mo ! baket hindi ba sha magaling, lashpag na ba sha kaya sha ak hin ka na man lumalapit dahil hindi kapa nakaka score sha ken!" Inawat ko na siya. Ang sakit nyang manapal, parang may bakal ang kamay niya ! Kingina.

"Miss, I'm not your ex ! I'm just here to help you. ihahatid na kita because you are so drunk "

"Baket ?! Baket mo ko pinag palit ? Shiguro ampanget panget ko na, dahil ba tumataba na ko ?! Dahil ba ? ano !? Mag babago ako para mahalin mo ko. I'm still inlove with you. Kahit lumuhod ako sha halap mo gagawin ko kashi mahal kita and i-i w- want y-you back " halos hindi ko na siya maintindihan dahil sa pag hagulgol niya.

I smiled bitterly. That man is so lucky. May mga tao talaga handang mag pakatanga para sa minamahal nila, and I am also willing to be stupid just to win back Ela.

"Mahal mo talaga siya no ?" I ask her na as if naman maiintindihan niya ako eh lasing na lasing siya.

"Mahal na mahal kita Jack, I will never stop. hanggat hindi ka bumabalik sa kin. " nawalan siya ng malay pag kasabi nya ng mga katagang yun.

....

Parang gusto kong mag pasalamat sa nag video sa amin nung gabing yun. Dahil dun nag karoon ako ng rason para guluhin si Yana. Pero may video man o wala handa pa rin ako sa plano ko.

I call her number, kinuha ko talaga yun nung araw na nalasing siya. Chineck ko kasi ang wallet nya at dun ko nakuha lahat ng impormasyon niya kaya naihatid ko sya sa mansyon nila.

I'm sure papasalamatan mo rin ako balang araw, Ms Gutierrez

Yana

Minsan talaga hindi ko alam kung bakit ang tanga tanga ko. Katulad ngayon, pumayag ako na makipag meet sa hunghang na Joel Pimentel na yun!

May pa order order from Mr. Pimentel pa siyang nalalaman, sarap sampalin ng menu book!

"Ms. Gutierrez, I promise after this your ex will regret dumping you " pag aassure nya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hello! Paano? Eh diba nga ang alam nya mag jowa na tayo.. Kuno, at
sure ka ba talaga na babalik ang mga ex natin?" I ask.

"Oo naman, Syempre maguguilty sila sa ginawa nila at matatapakan ang ego nila dahil kaya pala nating maging masaya na wala sila. parang ganon yun ma fefeel nila "

"Hmmm, pag iisipan ko muna " nangiinis na sagot ko.

"Joel Pimentel tinanggihan mo pa? Alam mo ba na maraming gustong maging boyfriend ako tapos ikaw binabalewa mo lang tong oppurtunity na to?!" Ang kapal ng mukha ng kulot na to eh

"Wag ka nga, atsaka hindi tayo talo. Hindi kita bet. Pero sige na nga. Basta after 1 month at wala paring nangyayari. Magtigil na tayo dahil baka wala na talagang pag asa!" pang iirap ko

"ok deal !" Sabay lahad nya ng kamay.

"Ok fine " then I rolled my eyes on him.

"Well, See you tomorrow baby " sabay wink nya pa. Kung alam nya lang na nakaka baliktad talaga nang bituka yung pag wink niya. Kaderder.

"Wag kang mag alala Yana, Makukuha natin ang mga taong minamahal natin. Sooner or Later mag kaka happy ending rin tayo " sabay ngiti nya.

"Eeww. You do believe in happy endings ?" Natatawang sabi ko.

"Syempre naman. Kahit iniwan ako ng ex ko hindi ako nag papakabitter, dahil alam ko naman na may paraan pa para makuha ko ulit siya " ngumiti ulit siya, o pak ! May dimples ang lolo niyo, sayang lang dahil mukhang umay na ang ex nya sa may dimples.

"Tsk. Ang dami mong alam." hindi ko kasi alam kong matatawa ako o malulungkot sa kanya.

"Well, magkita nalang tayo bukas. Alam mo namang updated ako kay Ela. Sige na ingats ka girlfriend " sabay kindat nya pa.

"Whatever ingat ka din. Tanga ka pa naman "

"Parehas lang tayo ! Sige Bye na !" Nag flying kiss pa siya sa kin bago umalis. Feel na feel nya talaga na girlfriend nya ko eh hahaha.

Well hindi ko naman siya masisi, gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para maibalik yung dating nararamdaman sa kanya ng ex girlfriend niya. ako rin naman, 2 weeks pa lang kaming break ni Jack, at wala pa sa kalahati ng 18 months naming pinag samahan kaya hurt hurt talaga be.

Be Still In Love With Me (CNCO)Where stories live. Discover now