Capitulo Dos

27 0 2
                                    

"Sure ka ba talaga na babalik pa siya sayo?" Inistalk kasi namin ang ex niya and guess what may kalandiaan na agad si ate mo girl, ang sabi sa kin ni Joelito, kakabreak lang daw nila nung isang araw. Gusto daw kasi muna ni Ela na mag focus sa pag aaral. Pero mukhang sa iba talaga focus ang malanding hitad na ex ni Joelito peste! Awang awa tuloy ako habang tinitingnan ko sya na nangingilid yung luha niya! Myghad ano ba kasing pinakain ng Ela na yan dito kay Joel at masyadong deds na deds sa kanya, kung hindi ko nga iisipin na iniwan sya ng ex gf nya, bakla talaga magiging tingin ko rito kay Joelito.

"Ang weak mo! Wag ka nga umiyak dyan, baka isipin nila minolestya kita!" Naiinis na sabi ko at binato sya ng tissue.

"Hindi ko lang talaga maiwasan, ang sakit sakit kasi. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ko pinagpalit " I can sense anger in his voice. Sa totoo lang napapatanong rin ako, ang gwapo gwapo kayo ni Joelito. Almost perfect nga, matalino, talented mayaman at mukha naman siyang mabait. Kaso baka jutay,charot lang! Imposible yun.

"Baka naman gusto lang mag explore ng girlfriend mo, gaano ba kayo katagal?" I ask

"2years, 16 years old pa lang kaming dalawa nung nag simula yung relationship namin "

"Ah parehas pala tayong maagang lumandi I mean nag mahal" natakot naman kasi ako sa way ng pagtingin nya sa kin.

15 years old lang kasi ako nung naging kami ni Jack. Syempre nung panahon na yun akala ko siya na talaga ang binigay sa kin ng langit para mahalin forever, As usual na nararamdaman ng mga in love, parang sa kanya lang umikot yung mundo ko. Kahit minsan nag aaway kami, hindi siya matutulog at di siya titigil suyuin ako hanggat hindi kami nag babati. Ipinangako pa namin sa isat isa na hanggang kamatayan mag mamahalan kami, Sana pala tinulak ko nalang siya sa bangin nung nag hiking kami.

"Uminom ka nga muna, baka mamaya malugatan ka na ng hininga dyan kakaiyak mo!" gusto ko lang pagaanin ang atmosphere, ayaw ko naman na suyuin sya dahil baka lalo lang siyang umiyak. Ganyan kasi ako pag broken, mas lalo akong naiiyak kapag may nag cocomfort sakin.

"Loko, Ang OA mo naman. Hindi naman dahil sa umiyak ako eh weak na ko, Hindi ba pwedeng mahal na mahal ko lang si Ela kaya ako umiyak? She's my strength and at the same time my weakness " he smiled bitterly.

Pag na ka face to face ko lang talaga yang malanding maharot na Ela na yan, Lalamasin ko de- este mukha niya! Ang kapal kapal niya, Oo maganda siya pero malandi siya. Pakulam ko siya makuha niya. Charot!

"bukas, sisimulan natin yung Plan A natin. Kung hindi natin magawa ang Plan A, didiretso tayo sa Plan B,Kahit maubos lahat ng letters sa Alphabet hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha si Ela. " Determinado niyang sabi. akala ko talaga sa movies ko lang mahahanap yung mga lalaking katulad ni Joelito, well meron rin pala, at kaharap ko pa mismo. Napaka swerte ni Ela.

"Sana nga, Umaasa pa rin ako na babalik sa kin si Jack " kahit alam kong malabo.

"Wag kang mawawalan ng pag asa Yanyan, Baka pagsubok lang ito nang yayari satin "

tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos naming mag dinner, hinatid na nya ko pauwi. Pakiramdam ko kasi naubos lahat ng energy ko sa pang iistalk sa hitad na ex ni Joelito. Willing talaga ata siyang sundan si Ela kahit byaheng impyerno pa ang puntahan ni Ela!

"Look Who's Here!" Pag tataray ng kapatid ko na si Taishmara. as usual nag mumura na naman yung labi niya sa kapal matte lipstick niya.

"Tumabi ka nga, baka hindi kita matancha, maihagis pa kita ng wala sa oras " pero balak ata akong inisin ng bruha na to dahil lalo siyang humarang sa daraanan ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Pagkatapos mo kay Jack, kay Joel ka naman!? Malandi ka talaga ever! At Kanino ka naman mag papagamit kapag iniwan ka na ni Joel?! " she smirk at me.

I just smiled at her.

"Oh, Are you jealous Sister? Bakit dahil kahit anong ikli ng damit mo ni hindi pa rin sila nag kakamaling landiin ka? Just tell me if your jealous, marami akong reserba na ibibigay sayo Diba gusto mo yun?" Tinabig ko ang balikat niya at pumasok sa kwarto ko.

Narinig ko naman si Taishmara na nag sisigaw dun sa labas, Tsk Baliw.

Ang kapal kapal ng mukha na kalabanin ako, tapos mamaya mag iinarte na yan at mag papaawa. Ang sarap nilang pag buhulin ng Ex ni Joelito, mga Cancer sa lipunan!

Habang nag mumuni muni ako napatingin ako sa picture namin ni Jack. Picture namin yun nung 1st Anniversary namin, sobrang saya ko nun dahil sinurprise nya ko at nagpalipad kami ng sky lanterns  sumayaw pa kami nun ng perfect ni Ed sheeran. Memorable talaga sa kin yung araw na yun. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Sabi nila, bakit daw ang tapang tapang ko ? Bakit mukha pa rin akong masaya kahit tapos na yung relasyon namin ni Jack?

Matapang? Tss, Hindi. Pinapakita ko lang na matapang ako pero deep inside durog na durog at wasak na wasak ako. Kulang nalang ikamatay ko na yung sakit na nararamdaman ko. Hindi nila alam na gabi gabi akong umiiyak at mukhang tanga na nangangapa sa mga sagot sa tanong kung bakit nararanasan ko ang lahat ng to? na anong kulang? At bakit nangyari ang lahat ng ito? Tanging kay sina Lele at Bret pa lang ang nakakita ng kahinaan ko.

I could risk anything  just to win back Jack, ganon ko siya kamahal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Still In Love With Me (CNCO)Where stories live. Discover now