Chapter 3

266 7 0
                                    

Avery's POV

"Okay guys.. it's uhm, 4:35. Lampas na tayo sa oras ano.. see you on Wednesday .." sabi ni sir, bitbit niya na ang kaniyang tubig at libro.

"Awww.." reaksyon ng mga kaklase ko.

"Bakit?" Natatawang tanong ni sir. Ang kaniyang ngipin ay kumpleto ay mapuputi. Sobrang cute niya!

At nasabi niya kanina na siya ay 24 years old palang. Graduate din siya dito sa school. Pero nag masteral daw siya sa NEU.

New era university. Naalala ko kasi dun nag college si ate freilla.

Ba't ba ate freilla ginugulo mo ako? Char!

Grabe ang bilis! Paalis na si sir! Di ko manlang namalayan ang oras >____<

"Wala sir... ingat!" Kapal mukhang sabi ng mga kaklase kong babae o bakla.

"Grabe, ang hot niya magturo.." si gracee yan.

"Gracee, pano pag niligawan ka ni sir?" Tanong ng kaibigan nito.

"Ano ba, di naman mangyayari yun." Pa humble pa kunyari halata namang ano. Nako gracee ha? Wag ako! W A G  A K O!

Konting hangin lang ay makikita na ang panloob niya sa ikli ng kaniyang suot.

"Huy!!"

"Asdfgjl-- anoo!" Nagulat naman ako kay marah.

"Uwian na girl.." sabi nila.

"Oo nga." Lutang kong sabi.

Itinaas ni janna ang kaniyang brows, "eh ba't nakatanga ka pa dyan?"

"U-uh.. wala. Let's go!" Sabi ko.

Nag hawak hawak kamay kaming naglalakad patungo sa gate ng school.

Si marah lang ang hindi namin kasama sa boarding house. Hindi daw siya pwedeng di sa bahay nila umuwi. May reason daw siya. Sa church maybe. Yan si marah, active yan sa church nila.

"Tara gala?" Yaya ni janna sa amin.

"Tinatamad ako.." sabi ko,

Si marah patingin-tingin sa oras. "Guys, sabay kami ni majo uwi. Kaya bye na!" Sabi niya.

"Sige ate girl!"

"Belated happy birthday ulit!" Sabi namin kay marah, nasa bakasyon kasi kami noong in celebrate ang kaniyang birthday. Siya ang pinaka bata sa amin. Last last year pa kami nag debut, siya last November lang.

"Thankyou girls!" Sabi niya.

Si janna, kiera at ako nalang ang natira sa may gate.

"Kung walang boyfriend, bestfriend ang kasabay.. gaya ni marah. Eh kayo? Tayo? Anong plano natin mga girls?"

"Lahat ng kaswertehan na kay marah na! Hay!" Sabi ni janna.
Hahahaha! Kaka break lang kasi nila ng boyfriend niya last month.

"Tara't maghanap ng jowa!" Sabi ni kiera at hinila kami ni janna, pasakay sa tricycle.

"San tayo?" Tanong ko.

"Sa bar ng tita ko.." Ani kiera. With evil smile.

"Huy ano ka ba, magagalit si marah pag nalaman ito."

Come with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now