Sleight Of Magic

84 6 21
                                    

Critique by: Admin Gyn

SLEIGHT OF MAGIC
@justshamm





Book Cover:

Oh, yes! I really really love your book cover

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oh, yes! I really really love your book cover. OMO! Sino gumawa niyan? Or kanino ka nagpagawa? Maganda talaga siya kaso 'yung parang sirena or fairy ba 'yan? Medyo nagpagulo kasi sa'kin eh. Parang hindi siya applicable na ilagay diyan. If it's really that important, try to replace it na mas lalong babagay. But I still love it. Simple but beautiful!




Story Description:

I love your story description. Unang basa ko pa lang, napapaisip na ako bigla kung bakit ang Tiya niya lang ang kasama niya. At kung bakit gusto siyang patayin ng lahat, anong papel niya sa mundo or what. Maybe she's powerful or she's the long lost princess or anything? Just like what I've said, mapapaisip talaga ang mga readers.




 Maybe she's powerful or she's the long lost princess or anything? Just like what I've said, mapapaisip talaga ang mga readers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi na nilalagyan ng dash kapag may "at" na na salita. Kapag kasi pinaghiwalay 'yan, ang kinalabasan ay, "Isa at isa". Basta tandaan mo lang na kapag ang dalawang salita ay inulit ngunit may "at" sa gitna, hindi na ginagamitan ng dash.

Example:

Iba't iba - Iba at iba
Isa't isa - Isa at isa

Ito naman kapag inulit na walang "at" sa gitna.

Iba-iba or Ibang-iba
Isa-isa
Lalong-lalo


Napapansin ko din sa ibang mga writers na nilalagyan pa ng dash ang mga ganiyang words kahit na hindi naman talaga kailangan. Try to read some tagalog stories or books at malalaman mo agad 'yan.

Yung word na, "nalang". Pasensiya na hindi ko na-screenshot pero natandaan ko naman.
Akala ko no'ng una typo lang siya. Pero nang mabasa ko na 'yung mga sumunod na scenes, napag-alaman ko na parang dinudugtong mo ang magkaibang salita. Wala kasing word na, "nalang". Marami pa akong nakita kaso baka 'yung iba typo error lang.




Naco-confuse ka din kung saan ka maglalagay ng dash sa isang salita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naco-confuse ka din kung saan ka maglalagay ng dash sa isang salita. Kagaya sa nakita ko na nilagyan mo ng dash ang salitang, "nakauwi". Please kindly remove it. Walang word na ganiyan.

And put a comma before the name, "Tiya". And I almost forgot, it always start with a capital letter. Kung ano ang tawag mo sa isang tao, parati talagang nagsisimula sa capital letter.




And for me, much better kung every opening ng chapter, 'wag mo ng i-capitalize ang mga salita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

And for me, much better kung every opening ng chapter, 'wag mo ng i-capitalize ang mga salita. Malinis at hindi magulo tingnan kapag 'yung start ng sentence lang ang ika-capitalize.

So overall, your writing skill is really nice! Hindi siya "jeje" or something na pang-immature na pagkakasulat. Nang mabasa ko ang first 2 chapters naboringan talaga ako. Pero nang binasa ko pa siya to the next chapters, alam ko na may ibubuga ang kwentong 'to.

And you're right! Kakaiba nga siya!

Kaso may kaunting problema lang ako on how you narrates your story. Lalo na sa Chapter 1 and 2. Para kasing pang-historical ang genre dahil may kalaliman siya. Maybe dahil siguro sa isla siya nakatira? But for me, it's better na medyo babawan mo ang pagtatagalog lalo na't first person's POV ito.

I hope nakatulong sa'yo ito. Nakapasa ka sa show-not-tell policy. Congratulations!

Overall rate: 9/10

-Admin Gyn

INKsanityClub: Critique ListWhere stories live. Discover now