Twin Trouble

27 2 0
                                    

Thank you for trusting and giving our Club an opportunity to review your precious work TheAuthorKylr😊

Cover

The book cover is good, but for me, it isn't a what-you-called head-turner. What I mean is,  hindi ito 'yong tipo ng libro na mapapasabi ka ng, "Wow,  ano kayang story nito? Ang ganda e."

Maganda kung mas malaki ang mga letrang nakalimbag para madaling basahin, hindi na kailangan ng second look. I know you can do better book cover than this one. Yes, they say, Don't judge the book by its cover. But aminin man natin o hindi, kapag maganda ang book cover ayon ang madalas nating pagtuonan ng pansin.

Blurb/Story Description

Heto talaga 'yong nagustuhan ko e. Simple yet buo yung ibang structure ng isang ganap na blurb. Isang thumbs up dahil nakapagbigay ka ng tatatak at paiwang-tanong sa isip ng mga mambabasa na magli-lead sa pagkagusto na basahin ang nilalaman nito. Kaso masyadong maikli, mas better kung dagdagan mo pa. Tulad ng madalas nating mabasa sa likod ng mga libro (more on novels) na ipinapakilala na nila ang pangalan ng mga bida tapos may pahapyaw na detalye na kinaiikutan ng istorya.

Example (Dinugtungan ko lang) :

Who will you choose?

The Bad boy who is willing to change for you?

Or

The Good boy who will show you that there is more to you that meets the eye?

Meet the (their surname)  brothers. The two prince that can conquer anyone's heart and attention. Their easy-go-lucky lives turn into a hard one when they meet a girl named (name of heroine) who turned their both worlds upside-down.

Who will be the best one in the end.. and who will win (heroine's name) heart?

Plot

I really like the plot. It was unique. And it catches my attention so that I put it on my library. (Fan mo na ako 😂)

Technicalities and Typo-grammatical errors

This will be the biggest problem. Umpisa pa lamang ng story ay ang dami na agad nahagip ng mata ko. Mga maling paggamit ng mga bantas, maling salita at spelling, mga kulang,  at short cuts, na madaling nagpapasakit ng mata ng mambabasa.  Medyo nakakahiya kapag sila pa ang maka-puna.

Yung may mga underlined na words,  letters, o marks ay 'yong mga mali sa body context of the story.

Mali #1
"Sabay ka na sa akin! " Sabi sa akin nung Matias.

-Huwag kang gagamit ng big letters kapag kapatapos ng dialogue. Laging small letter 'yan, except lang kung pangalan na ang kasunod. Halos lahat ng dialogue mo nangyari ito.

Ang tama:

"Sabay ka na sa amin!" sabi nung Matias. or "Sabay ka na sa amin!" Matias said.

Mali #2:

Base sa suot niyang uniform mukhang pareho kami ng pinag-aaralan, sa Morieta High.

-The right term for that underlined word is "paaralan". 'Pinagaaralan' is the academic subjects, mga paksa, aralin, o kurso lamang 'di ba?

Yung sa part ng mga mean girls(only dialogue):

"Yuck kasama nila ang commoner na 'yan?"

-Kung gagamit ka ng mga expression words like 'shit, fuck, damn, wow, oh my, etc.'. Kailangan laging may nakasunod na comma, kung hindi mo bet, maglagay ng '!'

"Omg such a bish."

-Maybe you really mean is, "O.M.G! Such a bitch."

"Akin lamg si Papi Matias."

-Lagi akong may nakikitang wrong spelling, mas mabuting i-review mo muna ng paulit ulit ang entry mo bago mo i-publish. The more, the better.

Mali #3:

"Oh! Nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo." Sabi sa akin ni Matias.

-Laging comma ang inilalagay sa pagtatapos ng dialogue kapag may kasunod pang salita sa labas ng quotation. Then, sumulpot na naman dito yung big letter after the dialogue, paki-bago ang nakasanayan mong ganiyan.

Tama:

"Hampasin kita makita mo," aniya Jin.

At

Sumigaw siya sa tainga ko, "Sampalin kita makita mo."

Mali #4:

Laging nakakaligtaan ang paglagay ng apostrophe. Words like 'tong, 'wag, 'di, 'yan, at 'yon ay tandaan mong lagi silang may apostrophe sa una dahil pinaikli silang salita.

Mali #5

Huwag mag short-cut sa mga salita katulad ng:

AnobayanAno ba 'yan
Atsaka ➡ At saka
Ansama ➡ Ang sama
Nikikilig ➡ Kinikilig


Overall

Maganda ang pagkakabuo ng kwento, 'yon nga lang nagkakatalo sa mga salita at bantas. Dama 'yong show and tell policy. Karagdagan lang ay sana 'wag mong ipakilala agad ang mga bida ng buo. Paunti-unti mo silang ipakilala sa mga mambabasa at hayaan silang lumikha ng characteristics sa isipan nila, maaaring gamitin ang maayos na diyalogo, maayos na deskripsyon, at paglalahad ng mga kaganapan.

Ps. I hope makatulong ito upang mas maging better pa lalo ang iyong gawa.  Kalma lang, don't be offended dahil dito. Cheer up and make it a better one! Good luck sa story mo!

Score: 8/10

Admin: Ket💕 (NebulousGrayPen)

INKsanityClub: Critique ListWhere stories live. Discover now