053

709 27 4
                                    

narration; jeishi


papunta na kami sa parking lot ni sunbae pagkatapos naming mamasyal sa lotte world, nakuha niya pa akong samahan sumakay sa carousel para siguraduhing safe ako. parang tanga lang diba? carousel lang 'yon eh.


"pwede naman akong magcommute nalang" sabi ko sakanya pagkapasok ko sa kotse niya. agad naman itong umiling at tumingin sakin, "kung magkocommute ka paano nalang 'tong kotse ko?"


"anong paano? edi iddrive mo pauwi sa bahay niyo."

"uh-oh, walang magddrive pauwi nito dahil sasama ako sayo." napailing nalang ako sa sagot niya. may pagkabaliw rin talaga 'tong si ong seongwu minsan. nagkaron kami ng konting chikahan sa loob ng kotse niya, dun rin namin pinagpatuloy yung kinakain naming chips kanina.



"tara na" sabi ko sakanya dahil mukhang gagabihin narin kami pauwi kung hindi pa kami aalis ngayon.


inistart naman na niya yung sasakyan. iaalis na sana niya sa pagkapark yung kambyo nang mapatingin siya sakin,
"teka lang" sambit niya saka onti onting lumapit sakin. halos kumabog yung dibdib ko dahil sa paglapit nung mukha niya sa mukha ko at doon ko lang narealize yung bagay na hindi ko pa nagagawa.


"dapat di mo kinakalimutang magseatbelt" seryosong sabi niya sakin bago mag-umpisang magmaneho. phew, ayun lang pala akala ko kung ano na! muntik pa akong malagutan ng hininga dahil kabang naramdaman ko.



habang busy ako tingnan yung street lights hindi ko maalis sa isipan ko si daniel. chineck ko yung cellphone ko para malaman kung nagtext ba siya o nagparamdam manlang. kaso wala

"si daniel ba?" hindi ako kaagad nakasagot kay ong, paano niya alam? mind reader ba 'tong si sunbae?


"hahaha hindi mo na kailangang sagutin halata naman na dyan sa expression mo."


"ha anong daniel pinagsasabi mo dyan? magfocus ka nalang dyan sa pagddrive mo sunbae"


"pero jeishi. mahal mo na ba si daniel?" isang tanong na halos kainin na yata ako nang buo. mahal ko na ba si daniel?


"you know what hindi ka naman iiyak nalang bigla dun sa ferris wheel kanina kung wala kang nararamdamang pagmamahal kay niel. he's been a jerk lately. tapos makikita mo pa siyang kasama ni shizu kanina— jeishi, i think you've fallen in love with my bestfriend" ayaw mag-sink in nang husto sa utak ko sa lahat ng mga binitawang salita ni sunbae.






we were about to get off, isang car nalang at kami na yung susunod bumaba nang matanaw ko si daniel sa gilid nung popcorn booth— at hindi siya nag-iisa.


"s-sunbae pwede pa bang isang ikot ulit?" i'm afraid of heights pero sa sitwasyong emotional ako at nasasaktan gustong gusto ko sumasakay sa ferris wheel. parang napapagaan kasi nito yung bigat nang nasa dibdib ko in spite of getting scared. matagal ko naring kinukwestyon yung sarili ko kung bakit ako nagkakaganito, ayos lang naman ako nung mga nagdaang araw bago dumating si shizu pero bakit parang nag-iba yung ihip ng hangin


"hindi ko sure. ganito nalang labas tayo sabay pila ulit" nakuha niya pang tumawa. kitang-kita ko kung paano kumapit si shizu sa braso ni daniel habang nakapamulsa ito. maya-maya lang ay nagulat ako sa sunod nilang ginawa but everything went black.


hindi naman ako nahimatay o ano but it's ong seongwu. tinakpan niya yung dalawa kong mata gamit yung isa niyang kamay. maya-maya lang din ay naramdaman ko nang umaakyat na naman ulit yug car.


sinubukan kong silipin ulit sila daniel kung saan ko sila huling nakita pero bigo ako. nagflashback lahat sakin yung mga nangyari kanina, yung mga nakita ko at unti-unti iyong nagproseso sa utak ko.


naalala ko nalang bigla lahat nang bagay na ginawa sakin ni daniel from the past, lahat nang bagay na sinabi niya na maski yung mga panahon na tinutulungan niya akong makamove-on mula kay ong. hanggang dun sa unang beses niyang sinabing namimiss na niya ako, yung unang beses niyang sabihin na mahal niya ako.




walang araw na hindi niya pinaramdam sakin na importante ako para sakanya at mas lalong walang araw na lumipas na hindi niya pinaramdam sakin na mahal niya ako. pero bakit ganun? all of a sudden biglang ganito nalang yung inasta niya.




gusto kong panghawakan yung mga bagay na sinabi niya noon na pati yung mga pinaramdam niya sakin pero hindi ko magawa. tumatatak nalang sa isipan ko yung huling conversation namin ni shizu..







"sabi nila kapag iniyakan mo daw ang isang tao, mahal mo. sabi nila sa pagmamahal daw hindi mo mahal ang isang tao hangga't hindi ka nasasaktan, hangga't wala silang epekto sa buhay mo. kasi kapag nagmamahal ka hindi mo talaga maiiwasan ang hindi masaktan. sa puntong 'to jeishi hindi mo lang namamalayan pero sinasagot mo na yung mga tanong na bumabagabag sayo. kung bakit ganyan nalang ang epekto sayo ni kang daniel" hindi ko namalayang tumutulo na naman pala yung mga luha ko, pinunasan niya ng magkabila niyang thumb yung mga pisngi at gilid ng mata ko. sa sobrang layo nang nilipad nung utak ko nawala narin sa isipan kong nakarating na pala kami dito sa tapat ng bahay. maraming salamat ong seongwu.






-
hi, oo nga pala may new kang daniel story ako actually birthday project collection yun :) at one shot siya. i'll publish 1 one shot every night starting tomorrow hanggang sa 31st. 😊 nasa profile ko lang, daffodil yung title. sana suportahan niyo rin salamat :)

letter | kang danielWhere stories live. Discover now