Chapter 28

5.9K 156 0
                                    

"Kuya Zei.."paglapit ni Camille sa kanya.

Abala siya sa pagpapakain sa mga kambing na nasa loob ng kulungan.

Nginitian niya ang dalaga. Mukha ito atubili sa nais nito sabihin sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin?" untag niya rito.

Nakakatuwa pala magpakain ng mga kambing. Eh kung mag-alaga din kaya siya ng kambing? Not bad. Nakakatuwa sila. Kaso ilang araw na nga lang pala babalik na siya sa mundong-Colai.

Sa kanya mundo.

"Ahm,Kuya...Totoo bang aalis ka na?"

Saglit na binitawan niya ang hawak na damo at humarap sa dalaga. Nagpagpag siya ng mga palad bago niya sinagot ito.

"Nabanggit na pala sayo ni Adeline.."

"Hindi ka na po ba babalik dito?" may bahid na lungkot nito saad.

Masuyo niya ito nginitian at tulad na nakasanayan niya tinapik-tapik niya ang ibabaw ng ulo nito.

"Pwede bang sayo ko na ipaampon sina Luck? Hindi ko kasi pwede dalhin eh.."

Hindi ito agad nakatugon. Bumukas ang kalungkutan sa mukha nito.

"Malayo po ba pupuntahan niyo? Saan bansa po?"

He sighed. "Hmm..medyo malayo kasi kaya hindi ko tantiya kung gaano siya kalayo.."

"Kung ganun..talagang aalis ka..sobrang malulungkot po ako..sina Luck..lalo na si Ate Adeline.."

Hindi siya nakaimik. Napalis ang ngiti sa mga labi niya.

Hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ni Adeline na abala sa pagpitas ng mga kamatis kasama si Lolo Anding.

"Nagmamarka siya sa kalendaryo tuwing sisikat ang araw..."pukaw nito sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad. Pinilit niya ngumiti sa dalaga na hindi pinapakita na apektado siya sa sitwasyon nila ngayon aalis na siya para bumalik na ng mundong-Colai.

" Gusto ko sulitin ang mga nalalabi kong araw dito na kasama kayo...ni Adeline.."saad niya.

Bumuntong-hininga ito. May lungkot pa rin sa mukha.

"M-Mamimiss kita,Kuya Zei.."

Dinantay niya ang kamay sa balikat nito at masuyo tinapik-tapik.

"Hindi naman kita makakalimutan eh,pangako yan.." aniya.

"Lolo Anding?!"

Sabay sila napalingon sa pagsigaw niyun ni Adeline.

Nakita nila ang pagbagsak ng matandang lalaki sa lupa.

"Lolo Anding!" gulilat na pagtakbo ni Camille sa kinaroroonan ni Lolo Anding at Adeline.

Bigla ay nasa tabi na siya ng mag kapatid. Hindi na mga ito napansin ang pagsulpot niya iyun ng walang kurap dahil nakatutok ang mga ito sa wala ng buhay na si Lolo Anding.

"Lolo Anding!"sabay na hinagpis ng magkapatid.

Huli na para mailigtas pa nila ang matanda.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now