Chapter 39

6.6K 204 12
                                    

Namamangha na nilibot ng mga Prinsipe ang kanila mga mata sa buong kapaligiran.

Napakalawak at kumikinang ang buong paligid.

Ang ginto templo na tirahan ng kanila panginoon.

"Sa tanan buhay ko ngayon lang ako napalibutan ng mga ginto..lahat ng paligid ay gawa sa ginto!" komento ni Ariel habang inaayos nito ang mahabang kulay berdeng kasuotan.

"Bukas ang malaking pintuan ng Templo? Napansin niyo? Hindi kaya batid na niya na darating tayo ?" untag ni Jamere na kakatapos lang ayusin ang sariling kasuotan.

Ganun din ang iba pang mga Prinsipe.

"Oo nga..sa tingin ko nga batid na niya ang kapangahasan natin mga prinsipe.." sang-ayon ni Patrikk.

"Nandito kaya si Zei? Ang sabi ng mga Anda nakabalik na siya pero hindi sinabi kung nasaan itong ngayon?" untag ni Yael.

"Baka nandito siya...hindi kaya kanan-kamay siya ng panginoon ng mga lobo?" mangha hinuha ni Ariel.

"Pwede yan.." sang-ayon ni Clyde.

Marahas sila napalingon mula sa mahabang kulay gintong hagdanan.

Ang panginoon! Sabay-sabay nila sambit sa kanila mga isip.

Sabay-sabay nila niluhod ang isa nilang mga tuhod sa gintong sahig at niyuko ang mga ulo bilang paggalang sa kanila panginoon.

"Sa tingin niyo hindi niya tayo parurusahan sa ginawa natin ito?" saad sa isip ni Ariel na nakakonekto sa iba pang isip ng mga prinsipe.

"Huwag ka na magulo,kinakabahan na ko.." anang sa isip ni Yael.

Wala naman sinabi ang iba pang Prinsipe. Dinig nila ang malakas na pagpintig ng kanila mga dibdib sa isa't-isa.

Nanatili sila nakayuko at nakikita nila ang reflection ng panginoon mula sa sahig.

Nakasuot din ito ng gintong kasuotan.

Isang kapangahasan ang mag-angat ng mukha na walang pahintulot ng kanila panginoon kaya nanatili silang lahat na nakatitig sa sahig.

Natigilan sila lahat ng marinig ang masarap na tawa mula sa panginoon nila.

Pamilyar sa kanila ang tawa iyun.

Napasulyap sila sa isa't-isa.

"Kamusta mga mahal kong prinsipe?!"

Nagsalubong ang kanilang mga kilay. Pamilyar ang boses iyun pero may himig na yun ng kapangyarihan kaysa sa dati tono na isang palakaibigan.

Muli tumawa ng masaya ang kanila panginoon.

"Pinahihintulutan ko kayo mag-angat ng mga mukha at titigan ang napakagwapo kong pagmumukha!"

Sabay-sabay sila nag-angat ng mga mukha.

Sabay-sabay din ang pag-awang ng kanila mga labi.

"Zei?!" sabay-sabay nila bulalas.

Ngumisi ang kanila panginoon.

"Ako nga,aking mga mahal na prinsipe!"

Wala nakakibo sa mga prinsipe nanatiling mangha at gulat na gulat sa kaalaman na ang kaibigan nilang si Zei at ang panginoon nila mga lobo ay iisa.

Zei,their God.

Ang kanila makapangyarihan panginoon ng mga lobo!

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now