___THE START___

182 18 12
                                    

 pra 2 sayo, kc ikaw ang unang ngbsa, ngcomment at ngvote..bonus p ang pgfan mo skn..thank you <3 so much!!!sorry tgal q bgo nsulat.

One day, isang araw  

I saw, nakita ko  

One bird, isang ibon  

Lumilipad, flying... teka nga  

Ano bang kalokohan to... tama na nga yan  

Ito na talaga, tama na ang joke...praying here na sana natawa man lang kayo sa joke ko...

(insert Nagmamakaawa Face... )  

One day, isang araw naglalakad ako sa parke. Wala lang trip ko magliwaliw todays,,,naks, liwaliw, makagamit ng word hibigat. Anyways, so yun nga naglalakad ako ng bigla ko na lang naisipang maupo doon sa may bench na malapit sa mga naglalaro ng basketball.  

Ewan ko ba,,, pero kahit admittedly ay hindi ako fan ng basketball ay pinanuod ko. So ayun, hindi naman seryoso yung game eh... para nga lang yata nagpapraktis yung naglalaro. Medyo naaliw ako sa game kasi may poging lalaki dun... teka nga sa game ba talaga ako naeentertain o doon sa oh-so-hot na nilalang na naglalaro nga basketball... at ang maharot nyong bida ayan nagpapapansin.  

Oh my god! Ang hot talaga nung player,,,nag-uumapaw sa sex appeal... at parang mas lalo lang nagpadagdag ang mga pawis sa kanyang kagwapuhan.  

I was preoccupied by my daydreaming about that basketball player that I didn't realize na natamaan na pala ako.  

Oo, hindi yung tinamaan na ang puso ko dun sa player dahil kanina pa yun nangyari mga guys...muntanga lang naman tinamaan ako ng bola...

"Aray, ang sakit" kasi naman mga teh natamaan ba naman ako sa pisngi ko.Huhuhu...  

Biglang may lumapit sa akin na anghel... ???  

Ay mali... tao pala,,,  

Pero kasi nagliliwanag sya sa kagwapuhan at ang ngiti nya makalaglag ng lahat lahat.  

Oh my God!!! Hihimatayin yata ako nito ng wala sa oras... 

" Miss, ayos ka lang b" tanong nya.  

Sa tingin mo di ba ako ayos, eh tinamaan mo ako ng bola ng tennis mo... oo mga bakla, hindi ito yung basketball player kasi di naman ako natamaan ng bola nila,,,malamang diba...iba na toh!!!  

(A/N: tingnan nyo yang character ko napakabipolar kanina ang landi ngayon naman galit tapos landi ulit... ang gulo mo)  

Subalit, ngunit, datapwat nagsasalita pa nga ang utak ko ay bigla ba naman akong hinawakan ni kuya ang pisngi ko.  

Oh my God!!! Kill me,,,kill me now! Nastutter tuloy ako sa pagsasalita...  

"Ah... eh..."

A,E,I,O,U, ano to alphabet teh... vowels muna bago consonants... alphabet ba ang pinapabigkas sayo di naman ah...

"Ahmm, ok... okay lang naman ako." Yes! Sa wakas nakapagsalita din ako nang matino, pero kasi hanggang ngayon nakahawak pa rin sya sa pisngi ko.  

"Ahh... anu... kasi... u...yung kamay mo, nakahawak pa rin sa..."  

Bigla naman yata natauhan si kuya kaya ayun tinanggal na nya... haist...  

"Gusto mo bang dalhin kita sa barangay clinic, malapit lang yun dito." 

"Huwag na, ok lang naman talaga ako... di na kailangan"  

Pero mapilit ang lolo nyo...  

"Ano na lang bilhan na lang kita bandage para dyan sa pisngi mo."  

"Pero... " 

"Sige na, to make amends for what I did to you." tapos nagsmile sya.  

Aww...sino ba naman dyan ang hindi mapapaoo kaya ayun bigla na lang akong yumuko at tumango kasi nama napablush ako nang wala sa oras.  

                                                                                                                                                            RaveXD

Skipping its Beat ~finTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon