__HOW COME__

85 13 6
                                    

 POV of the Guy  

At tuluyan na syang umalis, di ko na kasi sya Makita. Bakit kasi di nya ako hinintay.  

Tsk. :( 

TOP  

♩♪♫♬I told you I ll be home,  

I told you i ll be back  

Pixie  

One more song till you go home~  

GD  

I told you i ll be home  

I told you i ll be back♩♪♫♬

Ang ganda nya talaga,kahit kailan hindi ako nagsasawa na masulyapan at masilayan lang sya.  

Siguro nawiwerduhan kayo sa 'kin... sino nga ba ako,,,mamaya ko na sasabihin pero oo... kilala ko yung babae na aksidente kong natamaan ng bola sa park.  

Siya ang babaeng nagpatibok ng aking natutulog na puso.  

At totoo nga, na di sinasadya ang pagtama ng bola ko sa kanya, pero alam nyo sa loob loob ko ang saya ko kasi sa wakas nakalapit na ako sa kanya at di lang yun nahawakan ko pa ang pisngi nya.  

Matagal ko ng kilala si Jessica... ang ganda ng pangalan nya noh... pero di naman nya ako napapansin sa school namin... at yun ay naiintindihan ko naman kasi di ako super sikat sa school...sakto lang, alam nyo yun... hindi ako nasa higher section but I do have a pretty good reason kung bakit wala ako sa cream of the crop section.  

I have a lot of extra workloads on my shoulder kaya di ko na kinaya na ibalance ang academics sa extracurricular activities ko kaya naman I decided to make a choice and I have chosen to give much attention sa extracurriculars ko.  

Well to my story, alam ko sa tingin nyo mukha akong tanga at torpe kasi di ko manlang malapitan nang maayos si Jessica pero maghintay lang kayo may surprise ako sa kanya.  

Sabi nga nila ang mga taong walang masyadong itsura na may tagong lihim na pag-ibig sa isang tao ay mga stalker subalit kapag gwapo naman ay secret admirer. Sa totoo lang hindi ako nalalayo sa kategorya ng isang secret admirer.

Wow! Nagbubuhat ng sariling bangko!!!  

Alam nyo ba kung bakit ko sya nagustuhan, ganito kasi yun...  

(Flashback)  

Second year high school ako nun at alam nyo yung parang na love at first sight ako, kasi ang ganda ng aura nya at parang nakakita ka lang ng isang nilalang na nag-uumapaw sa kagandahan at nagbubuhos ng kasiyahan sa buong mundo.

(a/n:For more details read nyo na lang.)  

Sasamahan ko si mama para sa activity nya sa ampunan na ang family namin ang sponsor. Madalas kasi ako ang napagtitripan ni mama kasi di naman ako nagrereklamo sa kanya.  

Nakita ko sya sa may bahay-ampunan noon, gumagawa ata nang project. Noong una di ko sya pinansin kasi nahagilap lang naman sya ng mga mata ko, kaya ayun sunod lang ako ng sunod kay mommy. Naramdaman ko na lang na I was getting bored so ayun since stranded ako dito ay nakipaglaro na lang ako sa mga bata, kasi ang totoo nyan mahilig ako sa mga bata.  

Naglalaro kami ng mga bata ng bigla syang lumapit sa amin... 

" Uhmm... excuse me, pwede ka bang mainterview?" 

"Pasensya na miss ah... pero bisita rin kasi ako dito"  

Akalain nyo yun napagkamalan ba namang akong ampon.  

" Sorry, di ko alam... kasama mo kasi ang mga bata akala ko tuloy..."  

Nahiya naman sya sa akin, kaya naman nagsalita na lang ako.  

"Ok lang yun."  

"Sige mauna na ako,,,baka kasi naistorbo ko kayo."  

"Okay, sige... see you around na lang."  

"Bye."  

Sa tingin nyo sapat na ba yan para magustuhan ko ang isang tulad nya... malamang hindi di ba? Ang babaw ko naman kung yan lang ang rason ko, nakilala ko lang sya ay nagustuhan ko na sya... agad agad ganun,,, at an instant, well hell no!  

(A/N: Ang gulo rin nitong isang kong character, bagay nga kayo ng gusto mo kasi naman sabi love at first sight tapos ngayon defensive.)  

Ikaw naman otor masyado ka naming epal noh..malamang na hindi lang naman yan ang rason... ito kasi talaga ang rason ko tsaka ang love at first sight hindi naman nadedefine sa first glance lang.  

Lunch hour na at hanggang ngayon wala pa ring balak umuwi si mommy, ayaw naman akong pauwiin na, kaya dito na kami naglunch. May parang canteen kasi dito kaya naman dito na kami kumain, pero si mama ayun busy pa din, kaya kung saan saan nakakadapo ang mga tingin ko.  

Sakto, nakita ko ulit sya kumakain kaya lang masyado yata akong namesmerize sa mga ginawa nya kaya ayan di ko namalayan bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.  

Nakita ko kasi may batang may dalang tray tapos natapilok yung bata kaya ayun natapon lahat ng pagkain nung bata. Ang hindi ko makalimutan ay kung paano nya tinulungan yung bata kasi naman ng lumapit sya sa bata ang ngiti nya sobrang nakakatunaw tapos ayun binigay nya ang pagkain nya doon sa bata tapos sinubuan pa nga nya.  

Alam nyo naman di ba na I have a soft spot towards kids kaya naman ayun tinamaan ako bigla ni kupido.  

At magmula noon hindi ko na sya nakalimutan pa. Lalo na nung malaman ko na pareho kami ng school at year level kaya ayun patago ko na syang pinagmamasdan.  

Nahirapan kasi akong pumorma sa kanya kasi nga bukod sa matalino sya ay marami rin ang nanliligaw sa kanya tapos eto naman akong si Mr. Tanga at Torpe, nahiya sa sarili kasi wala naman akong maipagmamalaki sa kanya.  

Pero ngayon na fourth year high school na ako, ayoko ko na palagpasin ang pagkakataon kasi masyado nang marami ang nasayang ko na oras kaya naman sa nakalipas na halos dalawang taon binago ko ang sarili ko para sa kanya.  

_______________end of flashback______________  

                                                                                                                                                                 RaveXD

Skipping its Beat ~finTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon