Chapter Two

94 8 2
                                    

Chapter Two


"Class dismissed."


Agad akong nag-ayos ng gamit saka lumabas ng room. Hindi kasi kami classmates ni Marie sa subject na ito. Kaya, napag-usapan namin na sa cafeteria na lang magkita.


"Kung hindi ka ba naman kasi loka, bakit ka ba nagtago nun ha?" Aniya saka ibinaba ang food tray sa table namin.

"Ayoko lang magpakita." Sagot ko naman saka naupo.

"Eh bakit naman?" Tanong nito.

"Bakit ba?" Inis na wika ko.

"Eh bakit naman ayaw mo magpakita?" Muli niyang tanong.

"Eh bakit naman ang dami mong tanong?" pambabara ko sa kanya. Akmang magsasalita na naman siya kaya sinumpakan ko siya ng fries sa bibig.

She drank her juice before facing me again. "Kasi naman, napaghahalataan ka. Hindi ka pa rin ba maka- get over sa mga words niya sayo nung bata pa kayo?"


"Ang harsh niya kaya noon. Mabuti ng hindi niya ako makita. Malakas ang alindog ko ever since magising ako na kailangan ko ng umayos sa sarili at magpaganda. Iba ang alindog ko this past few weeks 'no."


Humagalpak siya ng tawa. "Lakas naman nun, bes. Pero, aminin! Gwapo rin si Jaden nung nakita natin!"


Paulit-ulit ang pag-iling ko. "Hell no! Ang pangit nun eh. Malabo ba ang mata mo?"


She giggled at inayos ang eye glasses niya. Kahit may salamin siya ay halata ang ganda ng mukha niya. Malabo lang talaga ang mata niya at minsan lang mag-contact lense.


"Obvious ba?" Asar na sambit niya kaya tumawa ako. "Pero seryoso, grabe pinagbago ni Jaden 'no? Nung pinakita mo yung picture niyo nung bata kayo, ang payat eh!"

"Oo nga. Ka-panget ngayon." Sabi ko nang hindi naga-angat ng tingin.

"Grabe, Shanaiah! Ikaw yata ang malabo mata rito eh," aniya saka pwersahang inangat ang mukha ko. "He’s tall. He’s handsome. What more you could ask for?"

I shook my head. "No. Kahit gaano pa ka-gwapo yun. Hindi mababago nun na masama ang ugali niya kahit nung mga bata pa kami. He’s my childhood enemy. No more, no less."

She just shrugged and continue eating.

"Dahil ahead ako ng one year sayo, I have to go na. May klase pa ako. Pupunta na lang ako sa inyo mamaya. Mauna ka na umuwi." Pagpapaalam nito kaya tumango ako. She bid goodbye so I waved my hand too.

Huling klase ko na kasi yung kanina. Samantalang siya ay may dalawang subject pa yata. She’s two years older than me. Pero, maaga akong nag-aral kaya in terms of grade level, she’s just a year ahead of me.

Lumabas ako ng university at nag-punta sa waiting shed. Dito na lang ako maghi-hintay ng masasakyan.

It’s been twenty minutes at wala talagang dumadaan. Kung meron man, puro may mga sakay. Ano ba naman 'tong nangyayari?

I tried to call my older brother—Kuya Shawn, but he said he’s busy. Kung saan-saan na namang kalokohan ang pupuntahan for sure.

Napapitlag ako ng marinig ang malakas na pagkulog. Grabe naman sa life. Uulan pa? Ito na talaga yun? Wala ng igaganda pa yung araw ko?

Inangat ko ang tingin ko at tama nga. Nagdi-dilim na ang kalangitan. Nagbabadya at ngayon ay bumuhos na ang malakas na ulan. What to do? Think, Shan. Think!

Inilagay ko ang phone ko sa loob ng gamit kong bag. Wala pa man din akong dalang payong. I should buy one that comes in handy para pwedeng dalhin sa school.

Sinulong ko ang malakas na ulan habang nakatakip ang bag ko sa ulo. Ang lamig pa! Malakas ang hangin.

"Aray!" Angil ko nang may maka-bangga ako.

"Be careful, miss—ow Shanaiah..." Napairap ako nang makabawi sa gulat.

Nakapayong ito at hindi ako gaanong nababasa. Nakakainis na ang mukha niya. Pero mas nakakainis ng lumayo siya sa akin. Nababasa na ako ulit.

"Sorry. Wala akong extrang payong."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ngisi niya bago tuluyang maglakad palayo.

He has the guts to smirk after proving that he's not a gentleman?

Hindi nagbago!

Masama pa rin ang ugali!

Fragile Hearts (Revising)Where stories live. Discover now