Chapter 5

9.4K 288 8
                                    

Chapter 5

Naabutan ni Vladimir si Anthony habang tila tulirong palakad-lakad sa pasilyo ng ospital na iyon. Kasama nito si Leandro na nakaupo lang habang pilit na pinapakalma ang kapatid.

Nagdadalawang-isip tuloy si Vladimir kung lalapitan ito, alam niyang galit ito dahil sa nasaksihang eksena nila ni Lira.

Pero kailangan siya ng kanyang kapatid at hindi siya nagpunta sa ospital na ito para kay Anthony.

Wala na siyang pakialam kung galit man ito sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya ay malaman ang kalagayan ni Angela.

"Nandito na pala ang magaling kong bayaw!" Pang-uuyam ni Anthony nang makita siyang palapit.

Tahimik lang na nagpatuloy si Vladimir.

"Anthony, enough. Huwag kayong mag-away dito." Saway ni Leandro sa kapatid.

Tumigil naman si Anthony sa pagiging sarcastic sa binata pagkuway tumingin sa loob ng E.R.

"Ano ang lagay ng kapatid ko?" Tanong niya kay Anthony pero tila bingi ito sa sinabi niya.

"C'mon, doon muna tayo." Aya ni Leandro kay Vladimir.

Napasunod na lang ang binata nang akbayan siya nito.

"Okay lang ang Ate mo. Masyado lang siyang na-stress kanina." Sabi ni Leandro sa kanya nang makalayo na sila.

"Paano ang baby niya? Okay lang ba?" Pero patuloy pa rin siya sa pag-aalala.

"Don't worry about them. Okay lang sila. Kailangan lang ni Angela na manatili rito dahil anytime ay manganganak na siya."

"Pero sa isang linggo pa siya dapat manganak."

"Well, excited ang pamangkin natin." Natatawa nitong sabi.

Nakahinga naman nang maluwag si Vladimir.

"Anyway..." pagkuway naging seryoso ang boses ni Leandro. "Anong nangyari kanina? Bakit nandoon si Lira and if I am not mistaken, she's naked."

Vladimir let a deep sighed. Sabi na nga ba at dito mapupunta ang usapan.

"Alam kong iniisip mo." Naiiling na sabi ni Vladimir. "Sino ba ang maniniwala kung sasabihin kong walang nangyari sa amin? She's naked lying on my bed."

"Then tell me what happened."

"Maniniwala ka kung sasabihin ko?"

"Let see..."

Humugot nang malalim na hininga si Vladimir saka ikinuwento ang nangyari...

"Nagulat na lang ako nang makita siya. Pinipilit niya na may nangyari raw sa amin pero wala naman naman ako maalala. Sobra akong nalasing kagabi." Paliwanag niya.

"Well, mukhang may kasalanan rin kami rito. Kung hindi ka sana namin inayang uminom hindi ka malalasing at hindi makakakuha si Lira ng ganitong pagkakataon."

"So, naniniwala ka sa akin?"

"Well, honestly... yes and no. You can't blame me even Anthony. May kissmark siya sa leeg which means may possibility na nahalikan mo siya. And that red stain on the bed sheet, I don't know if that blood came from you know." Tumango lang si Vladimir. Gets niya ang ibig nitong sabihin. "Or there is a possiblity that you bedded her when she has her menstruation. So did you---"

"Hindi ko alam kung saan galing ang dugo na iyon pero walang nangyari sa amin. Kahit lasing ako alam ko kung ginalaw ko ang isang babae o hindi."

"Yeah. I know. Lalaki rin ako kaya alam ko iyon. Pero hindi mo masisisi si Anthony kung hindi ka niya paniwalaan. Noong hindi pa kasal ang Ate mo at si Anthony, galit na galit ka dahil akala mo ay inaagrabyado niya si Angela and in vice-versa, ganoon din ang nangyayari sa inyo."

Tattoed in my HeartWhere stories live. Discover now