Chapter 14

9.6K 271 5
                                    

Chapter 14

Unti-unti ng nararamdaman ni Lira ang panghihina, pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat.

"Boss, tama na. Hindi na magandang paglaruan kapag malamig na bangkay na."

"Tarantada kasi. Sige, nadala na siguro."

"Okay na 'yan, boss. Tirahin mo na. Atat na kami eh." Natatawang sabi ng isa na pilit pa rin hinihila ang kamay niya. "Ayaw talaga ipakita ang dibdib, boss."

"Hayaan mo na. Hindi na 'yan makakagalaw, bugbog-sarado na." Binuntunan pa iyon ng tawa saka pumaibabaw na sa kanya. Nagsimula na itong halikan siya sa leeg.

Natikom na lang ni Lira ang labi habang impit na umiiyak. Diring-diri siya sa ginagawa nito lalo na ng hagurin ng dila nito ang leeg niya paakyat sa kanyang tainga.

Tulungan niyo ako... please... Vladimir, Kuya... promise, hindi na magiging matigas ang ulo ko...

"Pare, ang bango!"

"O, baka singhutin mo lahat."

Natawa lang ang lalaki.

"O, 'yong hita naman, ibuka niyo. Sa plawer muna niya ako maglalaro." Sabi nito habang tinataas-baba ang pagkalalaki nito.

Shit! Ayoko! Pinilit niyang patigasin ang mga hita pero wala na dahil mahigpit na iyong hawak ng isang lalaki tapos ang unggoy na nasa ibabaw niya ay binababa na ang underware niya. No! Sigaw niya sa kanyang utak pero hindi naman niya magawang pigilan ito.

"Pasensyahan na lang tayo mga pare, hintayin niyong—ano 'yon?"

Bigla ay naging alerto ang mga ito nang makarinig ng paparating na motor.

Napadilat ng mata si Lira. Oh God! Kung sino ka man, please help me...

"Punyeta!" Napamura na lang ito dahil hindi nila malaman kung saan nanggagaling ang ingay.

Nanatili pa rin silang alerto. Mayamaya ay narinig na nila ang papalapit na motor, pilit nilang tinatalasan ang pandinig para tambangan kung sino man iyon.

"Boss! Sa likod mo!" Turo ng lalaki.

Agad ay lumingon ito pero sumalpok sa mukha nito ang gulong ng bigbike. Tumalsik ito dahil sa lakas ng impact na nilikha ng motor, kumikisay pa ito dahil sa duguang ulo. Ang dalawang lalaking natira ay napalayo agad para hindi mahagip ng motor.

Kitang-kita iyon ni Lira. Agad ay tumayo siya at pagapang na lumayo para makaiwas sa gulong magaganap ngayon.

"Tarantado ka, ah! Halika! Mano-mano! Matapang ka lang dahil sa motor mo!" Pang-aasar nito saka naglabas ng balisong, amg isa ay ganoon din ang ginawa.

Pero hindi nagpasilong ang sakay ng bigbike, nanatili pa rin itong nakaupo roon.

Inilagay nito sa highspeed ang patakbo ng sasakyan. Nang makabwelo ay agad na pinaandar ang motor habang nakaumang ang kamao pasalpok sa lalaki. Tumalsik ito at hindi pa nagkasya ay binalikan nito ang unggoy para kaladkarin paikot sa gubat. Nang tumigil sa pagwawala ay itinapon niya ito sa lalaking una niuang pinabagsak.

Agad ay tinamaan ng takot ang huling lalaki, nagmamakaawa ito na huwag daw saktan. Nanuhol pa ito na sa kanya na lang daw ang babae basta paalisin lang niya.

"Gago ka pala, eh! Sa akin naman talaga'yan!" Mas lalo itong nanggigil at sinugod ito. Tulad ng ginawa niya kanina sa pangalawang lalaki ay ganoon din ang ginawa niya. Duguan na tinapon niya ito sa isang tabi.

"Lira..." agad ay hinubad ng misteryosong lalaki ang helmet at nagmamadaling lumapit sa dalaga.

"Vladimir!" Naiiyak naiiyak niyang sabi.

Tattoed in my HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant