Update 2 [Hello I'm Ysha]

10.6K 231 38
                                    

Update number 2 [Hello I'm Ysha]

 

ELISHA POV

Pakilala muna ako ah! Di naman ako importanteng tao dito eh! Hahahaha joke lang! hmm. Ako si Elisha Keith Mendez! You can call me Elisha[pronounce as E-LAY-SHA] or Keith [pronounce as KIT]! Hmm typical girl lang naman ako! Hindi ako nerd! Yung tipong sobrang study hard ang drama! Kahit senior year na namin, petiks lang ako. Di din ako masyadong maarte sa pananamit, simpleng shirt and jeans lang gora na! Marami rin akong group of friends.

And just like other girls, gustong gusto naming ang friend na bading! Kasi masaya silang kasama! Hehehe kayo ba?

So ito na! Naglalakad ako sa hallway! May nakita ako sa di kalayuan na babae at lalaki. Hmm Sakin nakaharap yung lalaki, pero feeling ko di nya ko nakikita kasi dun sya sa babae nakatingin.

Yung mukha ng lalaki parang bored na naiirita. Tapos may sinasabi sya. Di ko marinig kasi medyo malayo ako. Pero ito lang ang masasabi ko. Gwapo sya! As in!

Mukang tapos na sila mag usap nung girl tumalikod na yung girl, so which means nakaharap na sya sakin. Oh! My! Umiiyak si girl! Hala anong ginawa nung lalaki! Lumapit ako ng konti, pero nagtatago na ko. Di ko parin rinig yung pinag uusapan nila, mahina ehh.

Tapos Tinawag ni boy si girl, humarap si girl. Tapos tuloy tuloy lang sa pagsasalita si boy. Tapos maya maya umalis na si boy tapos si girl parang nanghina, napaupo lang tapos tsaka humagulgol.

Naawa naman ako! Kaya nilapitan ko si girl, paglapit ko! Nashock si ako! Si Campus Princess pala to! Si Angela Torres! Umiiyak sya dahil sa lalaking yun? Nakuu! Mga lalaki talaga!

"Uhm miss?" tinapik ko sya sa balikat.

Di naman ako natakot na lapitan sya. Kasi ang pagkakaalam ko friendly naman sya at hindi masungit unlike dun sa campus queen na napakamaldita.

Umangat yung ulo nya tapos tumingin sakin. Medyo nagulat pa sya kaya napatayo sya.

Bigla nyang pinunasan yung luha nya gamit yung kamay nya. I offer my handkerchief tinanggap naman nya.

"Uhm, miss bakit ka nga pala umiiyak? Pinayak ka ba nung lalaking umalis?" tanong ko.

May tumulo ulit na luha sa mata nya. Nagulity naman ako kasi pinaalala ko pa.

"Lalaki?" ulit nya na parang patanong na sarcastic.

"Oo, yung kanina? Nakita ko kasi kayo, but don't worry wala akong narinig!" sabi ko while waving my hands.

"Hahahaha" Natawa sya? Hala baliw? Kanina umiiyak tapos ngayon tumatawa?

"Bakit?" tanong ko.

"Salamat! Nakakatuwa ka! Pinasaya mo ko! Actually yung LALAKI nga na yun yung reason ng pag iyak ko" Sagot nya.

Ang saya naman! Tama nga yung sabi sabi na mabait nga sya.

"Bakit? Sinaktan ka ba nya?" tanong ko.

"Yeah" sabi nya.

"Saan? Saan?" Tinignan ko yung braso nya yung pisngi tapos hinawakan nya yung kamay ko para pigilan.

"hahahaha! Not physically! Emotionally.. Here" Tinuro nya yung sa may heart part nya.

"Bakit? Niloko ka ba nya?" Tanong ko ulit

"Hindi. Nagpakatanga kasi ako. Kasalanan ko din naman eh. Di ako naniwala sa mga kaibigan ko. Kaya ayun sa sobrang katangahan ko iniwan nila ako. Tapos ngayon eto! Wala din naman akong napala." Tumulo nanaman yung luha nya.

Hey! I'm a GAY, but please be MINE! ♥ [Completed]Where stories live. Discover now