Update 9 [The great Revelation]

6.4K 216 40
                                    

Dedicate po eto kay ate ella! Kasi ang cute ng mga story nya! natutuwa ako. HEHE more power ate!

Update number 9 [The Great Revelation]

[A/N: pasensya na po kung super tagal ng UD, kasi pinariority ko po yung Her Secret Identity this past few days. Sorry po kung lame ang chapters and mabagal mag UD si Author... Enjoy nalang :)]

 HAPPY 1K reads for this story! party party! ♥

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Update 9 [The great revelations]

 

YSHA'S POV

"hala ka! uii wag ka na umiyak, pano ba to? oii Ysha joke lang" joke lang? pagkatapos mo kong takutin? tapos joke lang?? makaiyak nga ng sobra.

 Nararamdaman kong di na sya magkaugaga. Ako ba naman ang umiyak ehh...

Maya maya, I feel something. I feel his arms around me.

Niyakap nya ko. i'm shock! Di ko ineexpect. Sino ba kasi to?

"Ssshhh.. Don't cry pretty girl, I'm sorry okay?" he said... wait! he? SHE? pretty girl? Isa lang tumatawag sakin nyan ahh!

Si Lorraine! Si LORKAN! 

Di ako makapagreact. Di ko alam ang gagawin ko.

Di ba galit ako sa kanya? Kasi tinakot nya ko? Tsaka.. tsaka.. pinaiyak nya kaibigan ko! TAMA! galit nga pala ako sa kanya.

LORKAN'S POV

Tama ba ginawa ko? Niyakap ko sya? Bakit ko sya niyakap.. BAKIT? Whyiiee?

Sheet nakakabading! teka? Bading naman ako ahh! OO TAMA! Bading ako! bakla! BEKI! BAKLUSH! shit! So gay! I'm a gay!

Alam ko na! Niyakap ko sya di dahil natitibo na ko, kasi i'm her friend tsaka ako ang may kasalanan kaya sya umiiyak.

Bakit ang bigat bigat sa dibdib, pag nakikita ko syang umiiyak. Lalo na ako ang may kasalanan. LORRAINE! ikaw si LORRAINE! Tandaan mo yan! Hayyyss. Ang hirap.

"Ssshhh.. Don't cry pretty girl, I'm sorry okay?" sabi ko... parang natigilan sya. pati pag iyak nya tumigil. effective siguro yung ginawa ko. Medyo tumagal ng ilang seconds yung pagyakap ko sa kanya tapos...

"BITIWAN MO NGA AKO!" napasigaw nyang sabi.

Pagkakalas nya sakin, tinignan ko yung muka nya. Galit yung mga mata nya. Yung mga galit nyang mata ay nakatingin sakin. Para akong matutunaw.

"Sorry" sabi ko.

"TSS" sabay irap nya. Si Ysha ba to? Bakit sobra nalang syang magalit? Ganto ba talaga sya pag nagalit. Nagsisisi ako.

"Uii sorry na" para di na sya magalit.

BUT. nilayasan ako? What the?! Kinuha nya yung mga gamiot nya, tapos umalis na. Di man lang lumingon sakin? Akala ko joke lang yun. Totoo pala?

Ano tong nararamdaman ko? Super lungkot. Regrets.

Gusto ko syang habulin. Ano ba! Natotomboy na ba ko? Nasusuya na kong magsalita ng gay words ahh! leshe naman! 

HINDI ! Nakokonsensya lang ako! Wala akong gusto kay Ysha. Wala!

Lumabas na rin ako ng Library.

At paglabas ko...

ANGSAYA! *sarcastic*

Ayun si Ysha! Tumatawa! saya no? Kasama yung Cholo na yun.

Masaya sya ehh. Tapos sakin galit? Ayos talaga! The best!

Nagseselos ba ko? EWAN! TSK! Nakakainis talaga!

 OO NA! UMAAMIN NA KO SA BUONG MUNDO! HINDI AKO BAKLA OKAY? Masaya na kayo? Tsk! OO NA! NAGSESELOS NA KO! SOBRA NA KONG NAGSESELOS.

"Lorkan.." paglingon ko sa tumawag sakin. Si Cassandra. Bestfriend ko.

"Bakit?" tanong ko. badtrip na ko.

"Pwede nating pag usapan yan" habang nakatingin sya sa nagtatawanan na sila Ysha at Cholo sa may bench.

Eto gusto ko sa bestfriend ko ehh. Sumusulpot pag may problema ako.

Tumango nalang ako.

Pumunta kami sa bahay ko. Pag uusapan namin? AKO. AKO ANG TOPIC.

"Spill it out" sabi i Cassandra.

"Okay..."inhale exhale..."Di ko na kayang magpanggap. Kukunin ko na sya. Alam mo ba yun? Kaibigan ko na sya eh. Akala ko nung una... kaibigan lang talaga. Akala ko kaya kong maging kaibigan lang, pero kanina, di ako kuntento. Nakita ko syang umiiyak at ako ang may kasalanan nun, tapos tumawa sya... Pero iba ang may gawa. Nakaramdam ako ng selos. Alam mo namang una palang diba? Una palang gusto ko na sya...." OO UNA PALANG! NUNG BAGO AKO MAGPANGGAP..

*FLASHBACK

First day of school ngayon as sophomore.

I'm with my bestfriend. Maghahanap kami ng room namin. Pero eto kami nakatambay muna sa bench. Favorite tambayan namin to eh.

A minute ago... Bigla akong naniwala sa love at first sight.

Corny pero naniwala ako eh.

"Excuse me? Pwede magtanong?" may lumapit saming babae. Maganda sya. At gusto ko sya.

"Sige" sabi ni Cassandra.

"Saan po yung room ng 2-B? Bago lang kasi ako dito eh." so transfer student.

"Ahh ganun ba? Dyan lang yun sa may 3rd building 2nd floor. hanapin mo nalang dun. nandun lang yun" sabi pa ni Cassandra.

"Sige po thank you po!" ngumiti sya sakin, este samin pala tapos umalis na sya.

Sa unang pagkakataon, parang napipe ako. speechless ako nun.

Simula non, naging instant stalker na ko. At dahil sa pagiging stalker ko. Nalaman kong madali lang makalapit sa kanya ang mga bakla. Ginawa ko ang lahat para mapansin nya.

Kaya nagpanggap akong bakla. Para sa kanya. Nireject ko lahat ng babaeng may gusto sakin. Pinagkalat kong bakla ako. Pero wala.

Nalaman ko nalang na di pala nya ako kilala. FAILED.

*End of flashback

At ngayong kilala nya na ko... Galit naman sya sakin.

"So ano na plano mo?" tanong sakin ng bestfriend ko.

"Di ko pa alam. Galit sya sakin eh." sabi ko.

"HMM. Siguro maganda kung pakalalaki ka muna hah? BABAKLA BAKLA ka pa ehh. Ang duwag mo din eh" may point sya. NAKAKAASAR!

"Oo na! Nakakainis naman kasi eh. Ang komplikado ko! Pano ko naman gagawin yun?" anggulo ko talaga.

"Alam mo, parang mas gusto ko yung bakla ka pa, kasi di ka pa masakit sa braincells nun ehh. KAKALURKEY KA!" leshe tong bestfriend ko. Nung bakla ako, nasusuya! Ngayong lalaki na ko, gusto naman ako ibalik sa pagiging bakla.

"Ewan ko sayo ahh! Tulungan mo nalang ako mag isip!"

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Say what?! Reaction please?

Hey! I'm a GAY, but please be MINE! ♥ [Completed]Where stories live. Discover now