Chapter 16: Her Tears

230 8 2
                                    

Chapter 16: Her Tears


Napabalikwas ako sa kama kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Pero hindi na ako nag abalang sagutin ang tawag at pinatay agad iyon. Narinig ko ang malakas na boses ni mommy mula sa labas at maya maya ay narinig ko rin ang yapak ng kanyang paa papunta sa kwarto ko. Nataranta ako at kagat ang mga labing nilock ang pintuan bago pa sya makapasok sa loob. Nag alala akong tumingin sa bawat kalat na nasa sahig. Hindi na ako nag abalang linisin ang mga kinain ko kagabi dahil tuluyan na akong nakatulog.

Hindi ko kayang tingnan ang kwarto kong mukhang binagyo dahil sa sobrang gulo. Kahit saan ka tumingin ay may makikita ka talagang basura o di kaya ay mga pirasong pagkain. Halos mandiri ako sa pinagagawa ko. Hindi ko na alam kung anong klase ng espirito ang sumanib sa katawan ko at nagkaganito na ako. This past few days kasi, may kung anong nagsabi sakin na kumain raw ako ng marami, magpataba daw ako, lunurin ang sarili sa panonood ng kdrama or kpop, wag lumabas at manatili sa kwarto.

Pero hindi ibig sabihin nun ay nababaliw na ako ah. Marahil ay dahil kay Kyle kaya ako nagkaganito. Parang paulit ulit piniga ang puso ko sa sobrang sakit, simula nung marinig ko mismo sa bibig nya na mahal na mahal nya si Keziah, ay wala akong ibang ginawa kundi magmukmuk at pagudin ang mata sa kakaiyak. Pero hindi naman iyon nagtagal dahil naisip kong ituon nalang ang sarili sa ibang bagay at simulan ang pagmomove on.

Pero mahirap pala. Mahirap pa toh kesa sa ginawa kong pagmomove on dati. Mas masakit pa toh kesa sa sakit na binigay ni Justine sakin noon. Isa lamang ang pumasok sa isipan ko ngayon, mas higit kong minahal si Kyle  kaysa kay Justine.

Pero sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili. Aminado na talaga ako na nakalimutan ko na si ano..ahmn Ex, pero bakit sa tuwing magkikita kami ay naapektuhan parin ako. Bakit sa tuwing hahawakan nya ako ay parang gusto kong bumigay at yakapin sya ng sobrang higpit. Bakit sa tuwing aamin sya na hanggang ngayon ay ako parin ang mahal nya ay nanghihina ako at umaasa parin.

Sabihin nyo nga sakin, ano tong nararamdaman ko? Hindi ko pa nga ba sya nakalimutan? O sadyang mahal ko parin ang Ferrer ko?

"Hindi. Si Kyle, alam kong sya ang mahal ko ngayon. Sigurado ako. " pumikit ako ng mariin at naramdaman nalang ang sarili na nakaupo sa sahig habang nakasandal ang likod sa pintuan. Sa sandaling ito ay nakalimutan kong nandyan sa labas si mommy, nakalimutan ko ang mga kalat sa loob, nakalimutan kong may klase pala ngayon at kaylangan kong magmadali.

Pero binalewala ko lahat ng iyon. Dahil ang gusto kong gawin ngayon ay ibuhos nalang ang lahat ng luha, maghintay na mapagod ang mga mata, magpahinga at kalimutan ang lahat. Masyado ng nabalutan ang puso ko ng sakit.  At oras na ngayon upang tanggalin iyon at ipahinga narin.

"AC! Wag mong hintaying ako pa mismo ang kakaladkad sayo papunta sa banyo! " patuloy sa pagkatok ang mommy, nakakairita man ang sigaw nya ay hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag iyak. Yakap ko ang sariling tuhod at sinubukan kong umiyak ng tahimik at walang hikbi.

Walang kamalay malay ang mga magulang ko sa nangyayari sakin ngayon. At wala naman akong planong pagsabihan sila dahil alam kong hindi nila ako maiintindihan. Masyado pa naman kasi akong bata para magmahal ng lubos at makaramdam ng sobrang sakit sa puso.

Marahan kong pinunasan ang mga butil ng luha ngunit para itong ilog. Tuloy tuloy at hindi humihinto sa pagdaloy. Yumuko ako at pumikit ng mariin, saka muling inangat ang ulo at bumuntong hininga. Ngunit sa kamalas-malasan ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga masasayang ala-ala namin ni Ferrer. Ang ngiti nya na kailanman ay hindi ko makakalimutan, ang mga tawa nyang parang musika sa aking pandinig, ang makarinig ng salitang I Love You mula sa bibig nya ay talaga namang nakakakilig.


Crazy on You  (Kydree FanFic)Where stories live. Discover now