CHAPTER LVI. |WELCOME BACK|

69K 689 81
                                    

CHAPTER LVI

MAXINE POV

Nagkukulong ako sa kwarto. 

Hmp. Nakakainis naman kasi yung magaling kong fiancé, bigla na lang kinancel yung lakad namin kung kelan bihis na ako at naka-ayos na. 

Nakakainis, di man lang sinabi kung bakit.. Sayang naman tong ayos ko. 

Bumaba ako at dun nagmukmuk sa salas.

“Maxine!” Napalingon naman ako.

“Oh, Shaleen. Bakit?” Walang gana kong sagot.

“Bat ka ganyan?” lapit niya sakin.

“Wala, nababadtrip lang ako”

Hinug naman niya ko. Parang gusto kong matawa. Nakakatawa kasi siyang magcomfort. Yes, were close, madami din kaming napagkakasunduan.

“Ano ba Shaleen, Ok lang”

“Hmp. Si Fiancé na naman yan ‘no.”

Nagkibit balikat lang naman ako.

“Hay naku, para mawala yang pagkabadtrip mo… Tara na lang sa bahay!” sabay hila niya sakin patayo.

“Wait, Ano ba meron?” tanong ko.

“Wala lang. Napagtripan lang ni Mommy magluto, sayang naman kung walang kakain. Niyaya ko na din sina Vince na pumunta!”

Hays, mabuti pa nga maka-alis na lang ng bahay. “Ok. Ok. Sasama na. Kunin ko lang yung Bag ko sa taas”

“Sige. Pa-CR muna din” tatawa-tawa niyang sabi.

Madali lang naman ako sa taas. Pagbaba ko. Ang bilis naman mag-CR ni Shaleen. Nakaupo na kaagad siya dun sa salas, patalikod sakin.

Pero bat parang humaba ang buhok ni Shaleen at teka bakit... Parang… ??! OMG!

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa harapan niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Nakatingin lang din siya sakin, ngiting-ngiti. OMG. 

“MAX” tawag niya. WAAHHHH. I miss her.

Lalo siyang gumanda. Nakakaintimidate. She looks sophisticated just how she looks in every magazine she’s in.

Then natatawa-tawa siyang tumayo. Wow. Siya na ba talaga ‘to.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat.

“Bessy, Ano ba yan. Bat naman ganyan ang reaksiyon mo. Wala man lang bang hug? Na miss kita!”

Naiiyak na lang ako. WAAAHHH. “BUDZ!” bulaslas ko sabay yakap sa kanya. “I miss you Budz! Grabe umuwi ka na pala!”

Hinarap ko naman siya.

“Oh bat naiiyak ka?” natatawa-tawa niyang sabi.

Nahampas ko naman siya “Ikaw kasi. Hindi mo na nagawang tumawag. WAAAHHHHHH… I really miss you BUDZ!!!” sabay yakap ko ulit sa kanya.

“Miss you too Max!” Para kaming tangang tatalon-talon.

“Musta ang Hollywood?! Grabe ang bestfriend ko SUPERMODEL na! Im so happy na nakabalik ka na. Hmp. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na pala.”

“Surprise nga di ba” Sabay tawa pa nito. “Si Kuya nga pala!” Sabay bigay sakin ng mapanuksong tingin. “Sabi niya… Pasensya daw dahil hindi natuloy lakad niyo dahil kasi sakin” She’s teasing me.  

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora