CHAPTER LX. |HE SAYS|

67.2K 634 59
                                    

CHAPTER LXI

LIXIEN POV

Inayos ko ang dress ko na medyo nagulo sa pag-upo ko sa sasakyan ni Max. Inihatid niya ko papunta dito sa Restaurant kung saan makikilala ko na kung sino daw ba tong ‘fiance’ ko. 

Pumunta na ko hindi dahil sa pumapayag ako sa setup na ‘to kundi to reject him.

I’m wearing pink dress just inch above my knee, with my hair half tied and with the light make-up, para naman magmukha akong disente sa pagpunta dito.

Pero kinakabahan parin talaga ako. At isa pa, parang ayaw ko pang makita sina Mommy.

Naglakad na ako papunta sa may pinto pero parang pakiramdam ko may paparazzi na nakasunod sakin o imahinasyon ko lang ba. Nakakafrustrate na talaga ang mga paparazzi ngayon.

Pinagbuksan naman kaagad ako ng pinto ng isa sa mga personel ng eleganteng restaurant na ito.

“Lixien Chua” Sabi ko sa waiter at sinamahan naman niya ako kung nasan sina Mommy.

Ang higpit ng hawak ko sa purse ko. Ano bang dapat kong gawin, parang ayoko na, parang gusto ko nang umuwi. 

Pero nacu-curious ako kung ano ba talagang histura nung ‘fiance’ ko daw. 

Tumigil kami sa isang pinto.

Hinawakan na nung waiter yung seradura nang pinto.

Huminga muna ako ng malalim. Ok this is it.

Pagkabukas niya...

All eyes on me.

Napatingin ako sa gawi nina Mommy. Bakas sa ekspresyon ng mukha nila ang ‘releif’.

Relief dahil dumating ako.

Sunod namang dumako ang tingin ko sa pares ng tao na nasa nandun din.

Omg! ‘B-B-Bket si- ‘W-what are they doing here- OMG! Ibig sabihin-‘

“Lixien, baby…” Kinaon na ako ni Mommy sa may pinto. Hindi parin mawala ang tingin ko sa kanila. Ibig sabihin---Ohmygad!

“We meet again, Hija” Bati sakin ni Mrs. Kangnam, Si Tita Belle! Si Butler Shin nasa likod naman nito. Parehas silang nakangiti sakin. A welcoming smile.

Hindi ko parin makuhang magsalita dahil sa gulat. ‘Speechless’

Hindi parin magsink-in sa akin ang mga nangyayari.

“Maupo ka muna, Hija” Tita Belle, natatawang sabi nito sakin.

Kunot nuo parin akong nakatingin sa kanya. Nag-aantay ako ng sagot sa mga tanong ko.

OhMyGod!

“You know already my daughter Mrs. Kangnam?”  Tanong ni Mommy kay Tita. Napatingin naman ako kay Mommy. Saka na lang siguro kami mag-usap nina Daddy dahil sobrang nasho-shocked ako sa mga nangyayari ngayon.

Masigla namang tumango-tango si Tita. She’s still looking at me. At hindi ko magawang tumingin ng diretso, somehow I feel guilty.

Parang bigla na lang unti-unting nagsi-sink in sakin ang mga pangyayari.

Napatingin ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Tita Belle.

‘Sino ba ang ‘fiance’ ko’

Kundi ibig sabihin nito isa kina--- Aish. Nasapo ko ang ulo ko, ang liit lang talaga ng mundo para mangyari ang mga ganitong bagay.

Mukha namang napansin ni Tita Belle ang pagtingin ko sa upuan sa tabi niya. “Ahh.. Ahm.. Sorry for the delayed, he’s gonna come I’m sure of that” Then she smiled.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now