Lovesick [4]

1.2K 67 16
                                    

KAI POV

 After a month

As usual nagising na naman kami sa maingay na bunga ng dalawang un. 

Halos sila na ung alarm clock naming lahat.

Mag 1 month palang kami ni Baekhyun hyung, and Im really happy kasi tumagal kami ng isang buwan. Si Sehun saka si Luhan hyung na daw bahala sa Celebration. Nakausap ko na din si Suho hyung tungkol dito. 

Si Chanyeol hyung naman may gagawin daw siya kay Baekhyun hyung para daw mas lalong masurprise.

 Saturday ngayon. Kailangan kong umalis ng maaga kasi tuturuan ko pa ung mga newie sa Dance troupe. May program kasi next week, singing and dancing lang. Parang showcase lang din.

 Tas malapit na magMonday! Tas Hi Kim Youngmin na naman kami! :( Nababadtrip talaga ako dun eh. 

Saming lahat magkakaklase ako lagi trip niya. Siya pumili ng Class president tas ako ung pinili niya! Ung sa whole class ah. Ung sa advisory class niya talaga. Badtrip talaga! 

 "Hyung, athan thi Lulu hyung? Di ko pa thiya nakikita eh! Magpapalibre akong bubble tea *insert sehun's pout*" 

"Baka tulog pa. O baka nag aayos nalang un. Kilala mo naman un eh. Maarte un sa mukha niya" sabi ko sa kanya tas umalis siya.

Nakaupo lang ako dito sa sofa na katapat lang ng hagdan. Inaabangan ko rin kasi ung pagbaba ni Baekhyung. 

"TUMIGIL KA NA NGA!!!!! KANINA PA KO GISING! ANG INGAY INGAY NG BUNGANGA MO LETSE KA!" narinig ko ung boses ni Chanyeol hyung galing sa taas.

"TUMAYO KA NA KASI EH! MAGLILINIS NGA AKO NG KWARTO EH!" 

Magkaaway na naman sila.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos ganyan sila. Ang sakit sa tenga ng sigawan nila, promise.

"Nagtatalo na naman ba sila?" narinig kong bulong si Tao kay Kris hyung

Tumayo na ko at umakyat para palabasin na si Baekhyun hyung kasi kawawa ung mga gamit nila sa loob. 

Nagbabatuhan lang sila eh -_- 

"Hyung, kain na tayong breakfast?" tanong ko kay Baekhyun hyung.

"Tara! Ang aga aga binibwiset nitong tenga na'to ung araw ko eh" sabi niya habang naglalakad ng padabog

"Tara na. Nagluluto na si DO hyung ng baked mac"  sabi ko habang pababa na kami

"Teka, diba may pupuntahan ka? Di ka ba mallate?" nag aalalang tanong niya sakin

"Hyung, mamayang 12 pa un. 10am palang naman oh. Gusto mo na ba kong umalis? *insert kai's pouty lips*" 

"Di naman sa ganun. Ayoko lang na malate ka sa lakad mong un. President ka dun diba? Syempre ayokong masira image mo sa mga newbies saka sa Adviser ng Dance troupe niyo" napangiti naman ako sa pagiging concern niya sakin

"Osige, magmamadali na kong kumain para maiayos ko na ung mga ddlhin ko saka para makapaglinis pa ko ng katawan" sabi ko sa kanya at umupo na sa harap ng lamesa

Andun na rin ung iba pero si Chanyeol hyung saka si Luhan hyung wala pa rin dito.

"Hyung, di pa tayo kakain?" sabi ni Tao na nakatitig sa mga pagkain

"Let's wait for them, kiddo. You look like you're very hungry. Dont you?" sabi ni Kris hyung

Nakakadugo talaga minsan ung English nito eh. Kaya minsan di ko siya kinakausap. Pag nasa mood lang siya, kasi pag nasa mood siya nagtatagalog yan. Pero pag wala siya sa mood, Hi Nosebleed :3

Lovesick (KaiSoo & ChanBaek)Where stories live. Discover now