Chapter One

45 4 1
                                    

Farra
Nagising ako sa tunog ng old clock sa loob ng kuwarto ko, you know the old tall creepy clocks?

*tik* *tok* *tik* *tok*
Creepy~~
I glanced at the clock it's already 11:10 pm. Nairita ako bigla,pagod ako maghapon sa school pagkatapos gigisingin ako ng orasan na to. Sinusubukan kong kumbinsihin ang Mommy ko para ipatanggal yun pero ayaw niya, she always say "Farra, you know that my great grandmother owns that clock. Importante ito sa pamilya natin, anak naman, pls understand". Tinignan kong muli ang orasan,it says 11:11. They say 11:11 is a lucky one, is it true?

"Farra"
Wait? Sino yun? Sheez para talaga akong shunga dahil sa sobrang pagod ko kung ano ano na naririnig ko

"Farra"
I pretended to sleep para hindi ako guluhin ng mga boses sa utak ko. Maybe I am crazy, shutanginers joke lang yun.

"Fairen wait for me!" Pagkamulat ng mata ko agad kong inilibot ang paningin ko sa hindi pamilyar na lugar. Tangina saang lupalop ako napunta? Sa pagkakatanda ko natutulog ako sa kuwarto ko? Paanong napunta ako sa bangin na to?

"Fairen wag!" Napalingon ako sa sumigaw, may nakita akong lalaki na hinahabol ang isang babae na nagngangalang Fairen ata. The girl looks familiar, parang kamukha ko siya! She looks exactly like me, pero ang pinagkaiba lang wavy at may red highlighs ang buhok niya yung saakin naman bagsak at black na black. She also wear black long dress and she possesses that scary aura. Tumigil siya sa dulo ng bangin pero sinigurado niyang hindi siya mahuhulog. Tumingala siya at nakita ang nag-issang bunga ng apple tree. Ay tangina ang taray may apple dito, saamin nga manggang hilaw lang, pero syempre joke lang yun. Unti-unti niyang iniangat ang kamay niya at pinitas ang bunga

"Fairen anong ginagawa mo?" Tumingin siya sa lalaki at ngumiti, damn her smile smile sent shivers through my spine and give me creeps. Sinubukan kong tumakbo pero parang napako ako sa kinatatayuan ko, Mommy wake me up! Yes, I know I am only dreaming I am aware of it but unlike Lucid Dreamers they can control their dreams.

"Chris, take this apple as my last gift. Maybe things aren't made for us. Maybe our fate is this tragic, I'm sorry we end up this way. I promise you I WILL COME BACK" pagkatapos niyang sabihin yun biglang humangin ng malakas at para siyang abong tinangay ng hangin. Black dust? Narinig ko ang tawa niya bago ako tuluyang magising

Pagkamulat ko sa mata ko agad na tumama ang mata ko sa orasan, 5:00 am,that dreams last for hours?! Pero sandali lang naman ang mga pangyayari. Tumayo nalang ako at pinilit alisin ang mga bagay na gumugulo saakin. I do my morning rituals at bumaba na ako para mag-agahan. Agad akong sinalubong ng tingin ng Mama ko, I saw hint of sadness in her eyes, is she sad? O baka guni-guni ko lang yun. Anyways it does not  matter.

"It's early Farra, anong nakain mo at maaga kang gumising?" Napairap nalang ako. Sometimes Mommy is a little bit savage. Tumuloy na ako sa hapag kainan at linagyan ng bacon ang plato ko. I requested fries sa cook namin para naman may masarap na makain.

"Mommy may I ask something?" Tumangk naman si Mommy dahil busy siya sa kinakain niya. Huminga muna ako ng malalim nago ako nagsalita.
"Do you know a girl named Fairen?" Agad siyang napatigil sa pagkain niya at nabitawan ang kutsarang hawak. Iniangat niya ang ulo niya at tinignan akong diretso sa mata.

"You want to know who's Fairen is?" Seryoso niyang tanong. Tumango nalang ako bilang sagot. Mommy give me a quick glance before she stood up.

"Come on dear, I'll show you" Sumunod ako sakanya sa itaas. Nagulat ako ng pumasok siya sa kuwarto ko. Pagkapasok ko nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng lumang orasan. So Fairen and this clock is connected? I glanced at the clock, 6:00, Hindi pa naman ako male-late dahil 7:30 palang ang pasok namin. Napatingin ako kay Mommy,inutusan niya akong lumapit sakanya kaya ginawa ko.

Bringing Back Their Faded StoryWhere stories live. Discover now