Chapter Two

12 2 0
                                    

Farra

Napabuntong hininga ako ng madaanan ko ng tingin yung parang tattoo sa pulso ko. Todo iwas ako kay Mommy kaninang umaga at baka tanungin niya kung saan nanggaling ito. I don't believe in such fictions pero may kaunting pagdududa lang talaga saakin, Well di naman kasi lahat binibigyan ko ng full trust. Hindi ako na-freak out ng basta nalang lumitaw ang tattoo dito dahil inuulit ko may puwang para sa pagdududa kung totoo bang may pantasya o puro kathang isip lang ang lahat.

Wala ako sa sariling nakaupo sa upuan ko at nakadungaw sa bintana, katabi kasi ng pwesto ko ang bintana. Dahil pinakadulo na ng school ang classroom namin kitang kitang ko ang malawak na HAUNTED FOREST daw. Sa totoo lang off limits kami sa dulo noon dahil may bangin 'daw' at baka maisipan naming pag tripan.

Bangin...... Sumagi nanaman sa isip ko si Fairen. Si Chris na nanghihingi ng pabor. Paano ko mababago ang kapalaran ng dalawa? Wala naman akong magical powers. Para saan naman tong tattoo na ito? Nagsimulang umingay ang classroom dahil madami dami nadin ang nandito. Maaga kasi akong pumasok.

Yung bangin kaya nayun......Well I better see it myself. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko,lalabas na sana ako ng classroom ng hinarangan ako ni Chase.

"Saan ka pupunta?" Napataas ako ng kilay sa tanong niya. Sino ba siya para magtanong?

"Neverland, wanna come?" Napangisi siya sa sagot ko. Sinasayang ng lalaking ito ang oras ko.

"Sure, I can be Peter Pan and you can be Wendy" sinabi niya yun sabay tawa. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti na nagbabadyang sumilay. No Farra! Hindi pwede yan, mabilisan kong pinalitan ang facial expression ko ginawa ko itong naiinis.

"Your'e wasting my time" sabi ko sakanya sabay irap. Tuloy tuloy lang ako hanggang makalabas sa pintuan ng classroom namin. Napansin kong sumusunod siya saakin. Inis akong humarap sakanya at tinignan siya ng masama.

"What?" Natatawa niyang tanong. Umiling lang ako at patuloy na naglakad papuntang Haunted Forest, sumusunod lang naman siya.  Pagkadating ko sa bukana ng gubat hinila niya ang braso ko.

"Ano ba?!" Singhal ko sakanya. Nakakunot noo siyang tumitig saakin na para bang nagtataka kung anong gagawin ko dito.

"Tatambay ka? Malapit ng mag time" hindi ako tatambay! Titignan ko lang naman yung bangin. Pero hinding hindi ko sasabihin sakanya kung anong pakay ko dito at baka sabihan niya pa ako ng baliw.

"Bumalik ka na ngalang sa classroom Chase!" Inis kong sabi sakanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko hanggang naramdaman kong sumusnod parin siya. I choose to ignore him at baka mabatukan ko ito. Malapit na ako sa dulo ng nagsalita siya.

"Don't" seryosong sabi niya. Hinarap ko naman siya sino ba siya para diktahan ako?
"Wala kang karapatan para diktahan ang gagawin ko." Nawala ang emosyon sa mukha niya. Ang tabil kasi ng dilang ito e.

"Osige. Hindi kita pipigilan. Pero sasamahan kita, and you will let me. Baka mapahamak ka diyan at kargo de konsensya ko pa." Umirap lang ako at tuloy tuloy na naglakad.

Unti-unting bumagal ang paglalakad ko dahil nakita ko na ang bangin. Tama nga ang hula ko ito ang bangin kung saan huling nakita is Fairen, ang bangin sa panaginip ko. Nakita ko ang puno na patay na nakita ko noong naghahanap kami ng glass clock. Mukhang nalinlang ako. Mapaglaro, napangisi ako sa na realize ko. Magagawa kong baguhin ang kapalaran nila dahil ako ang nagsusulat ngayon sa kwento nilang dalawa. Mali. Ako pala ang gumaganap na Fairen sa kwento nila at ang kapalaran parin ang kumokontrol saakin, saamin. Pero kaya kong kontrolin ito dahil narin sa pahintulot ni Fairen.

Ngunit kung ako si Fairen ngayon. Sino si Chris?

"Tara na Farra. Off limits tayo dito" hindi ko makilala ngayon ang boses ni Chase. Nakakatakot, nakakakilabot. Kung tama ang hula ko.....

Unti-unti akong lumapit sakanya. Kumunot naman ang noo niya. Kinuha ko ang kamay niya at tinignan ang pulso nito. Katulad ng saakin may tattoo din ito, pero iba ang sakanya yung glass clock ko na may nakapalibot na ahas. Ano bang meron sa ahas? Taksil?

Siya nga..... Pero hindi ko pwedeng sabihin ito sakanya. O alam na ba niya?

"Alam ko ang LAHAT" in-emphasize niyapa yung salitang 'lahat'. Kita ko ang magkahalong galit at lungkot sa mga mata niya. Alam kong nagsimula na ang kwento simula noong kinausap niya ako. I can't turn the pages back. Iniisip ko palang na baka hindi namin mapigilan ang tadhana nanghihina ako, pero kakayanin ko ito, kakayanin namin ito. Malakas at matatag ako kaya matutulungan namin sina Fairen.

"Let me do this Farra." Bulong niya pero tama lang upang madinig ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinakatignan ang tattoo. Huminga siya ng malalim atsaka pinagtapat ang mga pulso namin na may tattoo. Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente nang nagdikit ang mga balat namin kung kaya't binawi ko ang kamay ko. Tila naguluhan naman siya kung anong ginawa ko.

"Ano sa tingin mo sng ginagawa mo Chase?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya ako sa mata ibang-iba siya sa Chase na nakikita ko palagi sa school. Masyadong misteryoso ang lalaking ito.

"Ako ang bahala sa lahat." umiiling siya atsaka nagsimulang maglakad palayo. Parang sinaksak ang puso ko ng makita ko siyang papalayo saakin.

Dahil narin oras na ay hindi na ako bumalik pa sa classroom. Nandito lang ako sa bangin naka upo at nakatitig sa kawalan. Inilabas ko yung glass clock, 11:00. Eleven minutes more. Magpaparamdam nanaman siya. Nakasanayan ko ng tuwing 11:11 ay nagpaparamdam sila at para bang kinakausap ako.

Dumating na ang inaantay kong oras. Magsisimula nanaman sila.

"Farra, leave a space for a doubt" boses yun ni Chris. Pagkatapos nun ay nagsipasukan ang mga alaala nilang dalawa. Para ko silang pinapanood.

Naglalakad si Chris at Fairen, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nagpapakiramdaman at pasulyap sulyap sa isa't isa. Tumigil sa paglalakad si Chris at umupo sa damuhan at tinignan ang kalangitan. Umupo rin sa tabi niya si Fairen.

"Para kang langit Fairen" pambabasag ni Chris na katahimikan. Tinanong siya ni Fairen kung bakit siya inihalintulad sa langit.

"Mukha kang payapa at maaliwalas ngunit heto ang mga problema mo o nagsisilbing gabi na nakakapag padilim sa maliwanag mong buhay, wag kang magalala Fairen ako ang magsisilbing buwan at bituin mo sa oras ng kadiliman. Hindi kita iiwanan lalo na ngayon." Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Fairen.

"Hindi pwede Chris. Gustuhin ko mang ako ay siya ngunit tadhana na ang nagdikta ng kapalaran nating dalawa. Nanalo na siya" yinakap ng mahigpit ni Chris si Fairen. May iniabot si Chris sakanya, yung glass clock ko!

"Orasan Mahal. Hihintayin kita dito tuwing 11:11. Hahanap ako ng paraan" naputol ang panonood ko sakanila ng may humila saakin.

Itim na usok. Nakakatakot. Nakakakilabot.

"Hanggang diyan ka nalang Farra. Ako ang magdidikta! Hindi siya! Hindi sila! Ako lang!" Sigaw ng usok at tuluyan na akong nawalan ng malay pagkatapos noon.

Someone's POV

Pinapaalala mo Chris....... Pinapaalala mo kung gaano kasakit. Tila apoy na naglagablab ang hangarin kong magdikta ng kapalaran ni Farra ngayon. Hinding-hindi ka magiging masaya Chris! Hinding-hindi isinusumpa ko. Gagawin ko ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bringing Back Their Faded StoryWhere stories live. Discover now