3

227 6 0
                                    

Dear Ms.Drizzle,

Pinaupo siya ni Ma'am Aragon sa tabi ni Steven. Pwede namang sa'kin ahhh? Wala rin naman akong katabi dito!

Sulyap lang ako ng sulyap sa kanilang dalawa. Nagseselos ako puta. Pinipisil kase ng putanginang Steven ang pisngi niya!

Humanda ka sa'kin mamaya, Steven.

Nang mag-recess na, agad akong umalis sa upuan ko at pumunta sa pwesto niya. Umalis na rin kase si Steven, hindi pa ako hinintay.

"Ms.Drizzle!"

Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo, "Ako ba kausap mo?"

"Oo naman! Ikaw lang naman si Ms.Drizzle."

Mas lalong kumunot ang noo niya pero maya-maya ay ngumiti na rin siya, "Ah, you're the guy last night, right?" I nod.

Tinour ko siya sa loob ng campus dahil kakauwi lang daw niya dito galing Maynila. Well, probinsiyano ang gwapong si ako.

"Ito pala yung payong mo."

Binigay ko sa kaniya yung payong at agad naman niya iyong tinanggap. Putris! Kinikilig talaga ako. Hihimatayin na yata ako.

"Why are you calling me, Ms.Drizzle?"

Kumamot ako sa batok ko at sinagot siya, "Hehehe! Umaambon kase kagabi, 'di ba? Hindi ko naman alam ang pangalan mo kaya yun ang tinawag ko sa'yo."

Napa-'Ahhhhh' lang siya sa sinabi ko.

Hihilahin ko na sana siya pabalik sa classroom ng iiwas niya ang kamay niya, "Naki-sit in lang ako. Hindi don ang klase ko."

Baaaaaahhhh!! Nalungkot ako doon sa sinabi niya ahhh!

3rd year palang ako pero ang landi ko na. Nyemas.

PS: Hindi ko nasabi pangalan ko. PUTANGINA.

~Jimin

---////---

ⓒⓡⓔⓐⓜⓨⓢⓗⓘⓔ♥

ツ♨∞✔✘

-MochiiRain♡

Drizzle (Jimin FF) ‖Complete✓️‖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon