9

144 5 0
                                    

Dear Ms.Drizzle,

Ayyy. HEHEHE. 'Yon lang talaga sulat mo?

Hindi mo naman kase ako kinakausap sa room dahil si Steven lang ang kausap mo. Yung kaibigan mo naman tahimik lang.

Kanina sabay kayo ni Steven na pumunta ng gymnasium. Tinignan ko yung mga taong nandoon at halos lahat ay drum and lyre.

Nilibot ko ang paningin ko sa gym at yung kaibigan mo ang nakita ko. Si ano... Si Airene.

Naka maiksi siyang palda at long sleeve na maiksi rin. Hindi ko alam pero naiirita ako sa damit niya.

Lumapit siya sa inyo at nang makita niya ako ay yumuko lang siya. Napalingon tuloy kayo ni Steven sa akin kay napatakip ako ng libro sa mukha ko.

Badtrip talaga!!

Hinintay kong matapos yung practice ng kaibigan mo Ms.Drizzle. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya sumabay sa inyo pero ewan ko, nag-stay lang ako sa gym.

Paulit-ulit niyang hinahagis yung flag hanggang sa hindi niya 'yon nasalo at tumama sa ulo niya.

Napatayo ako sa upuan ko at lumapit sa kaniya. Nagulat pa siya sa akin Ms.Drizzle. Tinulungan ko siyang makatayo.

"Are you okay?"

"I'm sorry."

Ngumiti lang siya sa akin at umalis na.

PS: Weird ng kaibigan mo.

~Jimin

---////---

ⓒⓡⓔⓐⓜⓨⓢⓗⓘⓔ♥

ツ♨∞✔✘

-MochiiRain♡

Drizzle (Jimin FF) ‖Complete✓️‖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon