Chapter 27

1.7K 31 0
                                    

Nakangiti ako habang naglalakad, papunta ako ngayon sa conference room dahil pag-uusapan namin ang merging ng companya ko at companya ni Erick, buti nga't napapayag ko yun, walang bilib sa akin eh.

"Buti naman at dumating ka na" nag smirk lang ako sa kanya, Hindi pa kami bati sa totoo lang, nagalit kasi siya ng sinaktan ko si Zandra alam ko naman yun eh hindi na kailangan ipa ulit-ulit.

"Simulan na nga natin to" sabi ko sa kanya. Isa sa dahilan ng party na pinagawa ko ang pag me-merge ng companya namin, well mas maganda kasi kung i-pa merge ko iyon para mas lumakas at matalo namin yung malaking harang sa pagiging top one company of Asia.

"Nga pala, umuwi na si Rex sa New york ah? So Nagkita na kayo ni Zandra?" napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?" takang tanong ko, kahapon pa kasi nakauwi si Rex.

"Hindi mo ba alam? Si Zandra at si Rex nagsasama na, Well maybe sa pagkakaalam mo Rex is going to New York pero nasabi niya sa akin na sa Chicago naman talaga siya pumunta" napailing na lamang ako. Wala akong alam tungkol sa ganito. At anong nagsasama na? Don't tell me may anak na sila?

"The last time I saw them when I have a business project in Chicago, If your going to asked kung kumusta na si Zandra well she's happy now together with Rex and their baby" A-ano daw? Hindi pwede iyon, hindi ako pwedeng tri-dorin ni Rex.

"Well tanungin mo na lamang si Zandra tungkol diyan , I'm sure uuwi na iyon dito pagkatapos ng lahat ng nangyari" sabi nito at pumunta sa pintuan, akala ko ba mag-uusap kami?

"And by the way, hindi na matutuloy ang merging.. Someday if everything is clear, mas tataas ang company mo... Yun nga lang by the help of another company.. Not mine" at tuluyan na siyang umalis. What the-- anong pinagsasabi nun? May alam ba siya kung nasaan si Zandra?

**********

"Ladies and Gentelmen, welcome to Ninoy Aquino Internationnl Airport. Local time is 5:30 in the afternoon."

Naglalakad na ako ngayon patungong labasan ng NAIA, wala parin palang pinagbago ang Pilipinas. Ganun parin iyon, napapangiti na lamang ako habang inaalala ang mga memories ko dito sa Pilipinas, nung mga panahong ang saya-saya ko dahil nakapasa ako sa Board Exam, noong mga panahong pumupunta kami ng mga kaklase ko sa MOA para mag boyd hunting, hindi man halata sa akin.

Pero ang hinding-hindi ko makakalimutan ang mga panahong nagmahal ako... Ang unang pagkakataon na nagmahal ako ulit.. pero hindi ko inaakala na mararamdaman ko na naman ang sakit na dinanas ko noong mga panahong nawala ang dalawang mahalagang importante sa akin.

Aish ano ba naman to, kakadating ko lang inaalala ko na naman iyon. Sumakay na ako sa Taxi papunta sa hotel ko. Yes may hotel ako dito, ito talaga ang main hotel ng Princess Hotel pero mas pinili ko ang sa Chicago, delikado na't maliit lamang ang mundo. Magkikita at magkikita kami ni Clark kaya kailangan kong maghanda bukas na din kasi ang nasabing party. Hmmm, nakakaexcite.

Habang nakatanaw ako sa labas ng binatana naalala ko ang sinabi ni Rex, tawagan ko daw siya kung nakarating na ako dito kaya no choice. Agad na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Rex.

"Hel--" napatawa ako sa nadinig ko sa kabilang linya

[Sharie baby please magpahinga na muna tayo-- wait tumatawag ang mommy mo.. Please behave Sharie your mom is on the phone]

"Hey ano bang problema?" tanong ko hindi niya ata namalayan na napindot na niya ang answer button

[Si Sharie kasi eh ang kulit gusto niyang pumunta kami diyan pero sabi ko hindi pwede kasi busy ka kaya ayon kinulit ako ng kinulit na lalabas kami pero umuulan kasi dito kaya ayon na naman inaaway ako] napahalakhak ako. Ganyan ang anak ko kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya. Sharie born at August 21 and august means 'what you want is what's you get' naniniwala ako doon..

"O siya, magpakasaya na muna kayo ni Sharie diyan may jetlag pa ako, bye" agad na binaba ko ang tawag ng matanaw ko na nakarating na kami sa Princess Hotel. Agad na bumaba ako at nakangiting pumasok sa loob ng hotel. Binati ako ng mga empleyado ko kaya ngitian ko sila. Pero ang mas ikinabigla ko.. Ang nakita ko.

"CHRYLLL!!!" tawag ko sa kanya, lumingon naman ito at inirapan ako. Grabi ang laki ng galit nito sa akin ah..

"Pst.. halika sama ka sa akin mag-uusap tayo" sabi ko sabay hila sa kanya at pumunta sa suite ko dito sa first floor, well ang main suite ko ay sa pinakataas naman talaga pero waste of time yun kung doon pa kami ang layo kaya doon.

Ng makapasok kami agad akong umupo. Grabi ang sakit ng ulo ko.

"Chryl--" hindi ako nakapagsalita ng tapos ng sinampal ako ni Chryl. Umiiyak na niyakap niya ako, natawa na lamang ako alam ko kasing nagtatampo siya kung bakit wala ako sa kasal niya, noong mga panahong iyon kakadating ko lang sa Chicago nun.

"Sorry" sabi ko sa kanya.

"Nakakainis ka Zandra, aalis ka tapos ngayon manghihila ka na lamang at makikipag-usap sa akin. Naiinis na talaga ako sa 'yo" niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Ano kaba, andito lamang ako para tapusin na ang lahat ang saya ko nga't nakita kita dito.. Nga pala na curious ako, bakit andito ka?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya ng maayos at tinignan ako.

"Dito kasi kami magkikita ni Andrew at ng mga bata, tara sama ka ng makita mo ang mga inaanak mo" natawa ako I'm sure magkakasundo sila ng anak ko.

"Thanks but no thanks, hindi pa ito ang tamang oras para makita ako ng iba, pero wag kang mag-alala matagal pa ako bago umalis or should I say dito na ata ako magsti-stay for good, and by the way.. no need to pay for your suite ako na ang bahala doon" napanganga si Chryl sa sinabi ko.

"You mean ikaw ang may ari nito?" natatawang tumango ako.

"Yup and please wag mo munang sabihin sa kanila na nakarating na ako" tumango naman ito. Niyakap niya ako ulit bago umalis.

"See you soon" sabi ko.

"See you soon" at umalis na siya ng tuluyan.. Hmm mukhang exciting nga ang pagkikita namin bukas ah.. I can't wait to see me dear fake husband..

I Love You ForeverWhere stories live. Discover now