Chapter 28

1.6K 30 0
                                    

NAKATINGIN lang ako sa salamin habang inaayusan ako ng kaibigan kong bakla na kaklase ko din noon. Nagkita kasi kami sa isang botique at ayon naghahanap ako ng mag-aayos sa akin but unfortunately nagpakita siya sa akin at sinabi niyang siya nalang daw kaya ayon pumayag na ako..

"Nako te, ang laki ng pinagkaiba mo ha.. Nakita kita sa news noon, noong mga panahong kinasal ka na, I can't believe it na nagpakasal ka sa isang gwapong mayaman na si Ferrer na iyon" napangiti na lamang ako. I don't want to hear that again pero wala naman siyang alam eh..

"So where's your husband by the way?" tinignan ko siya sa mata. Baka fake husband ang ibig mong sabihin.. Isip-isip ko..

"Matagal na kaming separated" diritsahang sabi ko na nakapanganga sa kanya.

"How? My gosh.. Huli na ba ako sa balita?" natawa ako. She's really a good friend kasi noong highschool kami at sinabi kong naghiwalay na kami nung ka fling ko yan naman ang sinabi niya tapos icocomfort niya ako.

"It's a long story by the way.." sabi ko at tumayo na.. Ibinigay niya naman sa akin ang gown na nabili ko noong nagkita kami. Isa siyang Black Backless Gown.. Well it's makes me blooming kaya yun nalang ang napili ko.

"Nako.. I'm sure kung sino man ang makakakita sa iyo, laglag panga iyon.." ngitian ko lang siya at inayos na ang bag ko na dadalhin ko sa party ni Clark.



"Alis na ako ha? Ikaw na bahala dito.. Here's my calling card call me kung kailan kita babayaran" sabi ko sa kanya, hindi pa kasi ako nakapagbayad eh.


"Yeah sure gora ka na" nag nod ako at naglakad na paalis sa Princess Hotel. Gaganapin kasi ang party sa hotel ni Clark, I can't wat to see kung ano ang itsura ng opisina niya. Hmmm nakakaexcite talaga..


I can't wait to see you my dear



FAKE HUSBAND



*******


Tinignan ko ang ayos ng party, buti nalang at magaling ang nakuha kong planner para sa party na ito, ayaw kong mapahiya sa owner ng Princess Hotel, baka sabihin pa nun na hindi naman talaga ganun kalaki ang yaman ko para kalabanin siya. Tinignan ko ang pumapasok sa venue, ba't ba ang tagal nun? Gusto pa ata magkaroon ng grand entrance ang owner ng PH.. Tsk. Attention Seeker.

"Oh pare ano namang mukha yan?" tinignan ko si Andrew, bakit ba kasi wala si Rex ng may kasama ako dito?



"Wala, pasok na kayo sa loob marami na ding bisita.." tumango sila at naglakad na papasok pero bago yun may binulong na muna sa akin si Chryl.



"Maging matatag ka" napakunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Itatanong ko na sana sa kanya yun ng biglang nagbulungan ang mga tao.




"Siya na ba ang special guest ng party na ito?"



"Siya ba ang owner ng Princess Hotel?"


"Sino kaya siya?"


"Sa nababalitaan ko babae daw eh"



"Babae? baka nagkamali ka lang?"



Tinignan ko ulit ang sasakyan.. Ba't parang ang tagal niyang lumabas? Babae kaya ang kalaban ko? Wag naman sana..

Grabi ang kaba ko habang hinihintay kung sino ba ang taong iyon. At nanlumo ako ng makitang babae nga ito.. Tinalo lamang ako ng isang babae?

Halos lahat ng bisita sa kanya nakatingin. Sino ba kasi ba't ang tagal niyang lumabas?

I Love You ForeverWhere stories live. Discover now