Chapter 2

9 2 0
                                    

Alexzandra's POV

Still, nakatulala parin ako. Lutang na lutang na ako to the point na inis na inis na si Aira dahil hindi ko man lang sya tinulungang buhatin si Andrei at linisin ang kalat.

What I have done?! Oh no!

"S-Sorry." Lutang na lutang akong nakatingin sa kisame habang nakaupo sa malaki naming couch. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka kase mamaya mamatay si Andrei tapos makulong ako! No!

I. WONT. LET. THAT. TO. HAPPEN!

And Zandra? Why so OA?

Teka! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hindi naman ako ang tinamaan ng baseball bat ah?

Tss. Whatever!

Napagdesisyunan kong tumayo at pumunta sa kwarto ko. Dito kase inihiga ng demonyita kong kaibigan si Andrei! Ugh!

"Who gave you permission para dito sya ihiga? Pwede namang sa couch nalang since malaki naman iyon ah!" Pagtataray ko kay Aira. Inirapan nya lang ako at tinigil ang ginagawa nya.

"Let say na pambawi mo lang sa ginawa mo kanina. Tsaka! Tumigil ka muna nga sa pagtataray!" sabi nito. Mukha tuloy akong sinusumbatan ng nanay ko.

Haha! I want to laugh at such thought.

"But I didnt mean it!" sabi ko in a defensive and protesting way.

"You mean it Alex. Hindi mo nga lang talaga alam kung sino ang pinukpok mo." What?! Well, A nonsense reason nanaman from my very genius and protective best friend.

Sigh

"Okay fine!" I said. I no longer have time to have a BQ with Aira right now. Mabuti pang maghanap nalang ako ng pwedeng pang fictional character.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla akong tinawang ni Aira.

"Oy! Oy! Oy! Saan ka pupunta aber?" Nakapamewang syang nakaharap saakin. Ano bang problema nya? "Sa park. Bakit ba?" iritado kong tanong. I dont really get Aira, he still helping that guy.

At ako naman ay naiilang at nakokonsensya dahil ang dami ko ng nagawa sakanya.

Err. Nahihiya tuloy ako!

"No! Help me with this handsome guy!" Lumapit sya saakin at binigay ang first aid kit. "Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko kay Aira. "Jusme! Edi gagamutin mo yung ulo nya!" bulyaw ni Aira. Nakakarindi na sya. "Teka, ako gagawa?" tanong ko ulit.

Kaso..

Nakakatanga pala yung tanong ko.

"Malamang Alexzandra Isabella Saavedra!" muling bulyaw ni Hidaira Nicomendia. Psh!

"Eh..kase may meeting kami ngayon nung magpa-publish nung libro ko. Nagmamadali na nga-" Naputol ang pagsasalita ko nang biglang gumalaw ang lalaking nasa kama. Feeling ko..

Mahihimatay ako sa kaba.

"Ang ingay.." slowmo nyang sabi, dulot siguro nung sakit sa ulo nya na kagagawan ko.

Ih! Sorry naman!

Siniko ako ni Hidaira at pinandilatan ako ng mata. "Gising na ang pasyente mo. Wag ka ng magpalusot Isabella!" See? Kung mukha syang maamong pusa kapag kumakain, ngayon ay mukha na syang matapang na tigre.

Kikay na Tigre.

LOL

Tatawa nalang ako mag isa.

"Zandra! Ano na? Kakainin mo ba yang First Aid Kit?" hindi ko namalayang lumabas na pala ang bruha. Nagsisisigaw na nga.. iniwan pa talaga ako dito.

Nang Dahil Sa Stolen ShotWhere stories live. Discover now