Chapter 4

4 1 0
                                    

Aira's POV

"HEEEEEELP! HELP US PLEASE!" wala akong humpay sa kakahingi ng tulong sa mga tao na walang ginawa ay tingnan lang ako at ang kaibigan kong nakahilata sa sahig. Walang hiya kayo! Isa isa ko kayong pupuntahan at papasabugin ko ang mga bahay nyo kapag may nangyaring masama kay Zandra.

Walang tumutulong saamin. Naninikip na ang dibdib ko sa kakaiyak.

Bessy!

Tinakpan ko ng blazer ko ang hita ni Zandra. Ayaw na ayaw nya kaseng naiinitan ang hita nya.

"What happened?" may narinig akong boses lalaki sa likod ko. Hanggang sa lumapit sya kay Zandra at binuhat ito. Hindi ko makita ang mukha nya. All I knew is..

People were gasping in disbelief.

"Wait" pagpipigil ko sakanya. "Dadalhin mo ba sya sa Infirmary?" tanong ko. Tumango naman sya bilang sagot.

"Wag!" Pagpigil ko ulit. "Ayaw nya dun kaya please.. Wag." Mangiyak ngiyak kong sabi. Tumango nalang sya at hinanap kung saan ang sasakyan namin. Nag give way naman ang mga tao na walang ginawa kundi manood.

Maingat na isinakay ni Unknown ang kaibigan ko sa kotse. Mukha syang sindikato dahil naka mask, naka all black, naka cap at naka sun glasses pa ito.

But something inside me saying that I can trust him.

"I'll drive." tipid nyang sabi. Tumango ako at tinabihan si Zandra, ipinatong ko ang ulo nya sa lap ko.

"Walang hiya ka! Hindi mo nanaman ininom ang gamot mo, ano? Humanda ka sakin mamaya!" Mangiyak ngiyak kong banta sakanya. Punong puno na ng takot at kaba ang buong katawan ko.

Its like.. Babalik yung nalagpasan na namin noon.

Sana hindi.

"We're here." nabalik ako sa huwisyo nang magsalita sya. Sumilip ako sa bintana at laking gulat ko dahil nasa tapat na kami ng sariling ospital nila Zandra.

Teka!

Paano nya nalaman ito?

Bago pa man ako makapagtanong ay bumaba na ito at dumako sa kabilang pinto at binuhat si Zandra.

He's gentle and caring. Nakikita ko.

Sumunod nalang ako sa loob ng hospital, agad namang nagsikilos ang mga staff at inilagay sa stretcher si Zandra.

"Si MA'AM ALEXZANDRA ANDITO!" sigaw nung head nurse na si Miss Ong. Agad naman syang dinala sa Emergency room. Grabe din silang mag alala. Alam kase nila ang history ni Zandra.

Naupo nalang ako sa mga upuan sa labas ng room nya. Ayoko na syang maghirap kaya sana naman wala ng babalik.

Patuloy lang ako sa pag iyak nang matanto kong wala na yung lalaking tumulong saamin kanina.

Where's that guy? I have to thank him pa eh!

Lumingon lingon ako sa kaliwa at kanan. Kung saan saan pa ako naghanap. Madaming naka black kaya ang hirap maghanap.

"Kuya?" tinapik ko ang balikat nitong lalaking naka all black.

"Ay palaka!" napasigaw nalang ako nang lumingon na si kuya.

"Ikaw na nga naka misinterpret tapos tinawag mo pa akong palaka?! KALOKA!"

Ay?

"Ehhh. S-Sorry po. Hehe!"

Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap. Hanggang makita ko sya na paliko papuntang exit.

"HEY!"

Binilisan ko pa ang takbo. Kalurkee!

Nang Dahil Sa Stolen ShotWhere stories live. Discover now