Chapter three

4.2K 82 0
                                    

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama na nagluluto.
Busy sya kaya hindi nya ako napansin.May balak sana akong gulatin sya ng biglang may nag doorbell.

"Oh ,anak nandyan ka na pala,ikaw na magbukas nong pinto ,baka tita mo 'yon"sabi ni mama

"Pupunta poba dito si tita Elma ma?"tanong ko.
"Ahh oo pinapunta ko ,kasi may importanteng paguusapan kami "sagot ni mama
"Ahhh ganon bah"sabi ko
"Oyy tingnan mo kung sino ang nagdoorbell" sigaw ni mama.Bigla kasi akong na tulala.

"Ayy oo nga pala,sorry ma nalimutan ko ,hehehehehe"
Mabilis kong tinakbo ang pinto at dali-daling binuksan .

"Hi,tita " agad na bati ko kay tita.
"Hija kamusta kana ? Ang laki muna ahhh!!"sabay beso  ni tita .
"Ito maganda parin ,hehehehhe "biro ko .
"Ikaw talaga bata ka! Palabiro"
"Pasok po tita ,nando'n po si mama sa kusina nagluluto"sabi ko

Inihatid ko muna si tita sa kusina bago duretso sa kwarto ,para magbihis.Balak ko sanang matulog kaso tutulungan ko pa si mama sa mga trabaho nya.

Kaya dali-dali akong nagbihis para makakain na,at masimulan ko na ang mga trabaho .Medyo pagod nako .

Pababa nako ng narinig ko ang pinaguusapan ni mama at tita.

"Pwede bang makahiram ako ng pera sayo elma ,kahit konti lang"tanong ni mama
Halata sa boses ni mama ang nagmamakaawa .
"Whelma ,patawad pero wala rin akong perang maiibigay sayo kasi hirap din ako ngayon"sagot ni tita.

Bakit kaya manghihiram si mama ?? Wala naman kaming bayarin dito sa bahay!! Matanong nga mamaya si mama

Dumeretso nako sa kusina para makakain .Ano kaya problema ni mama?? Parang ang laki ng problems nya sa pera

Pagkatapos kung kumain ginawa ko na ang mga gawain ko dito sa bahay. At Pagkatapos dumiretso nako sa kwarto para gawin ang hindi ko pa natatapos na mga projects sa school,ng biglang tumunog cellphone ko, tiningnan ko muna kung sino ang tumawag at number Lang nakalagay, balak ko sanang hindi sagutin pero naisip ko baka isa to sa mga classmates ko at mayroong kailangan sakin ,Kaya sinagot ko .

"Hello, Sino to?"sabi ko ,pero walang nagsasalita sa kabilang linya.
"Hello........ may kailangan ka!  Kung wala wag mo kung pagtripan kasi busy ako !!bwesit!  " galit na sabi ko.

Ng papatayin ko na ang tawag ng biglang may nagsalita.

"I miss u baby and see you soon "sabi ng nasa kabilang linya, at nawala rin.

Natameme ako sa narinig ko kanina, Hindi ako makapaniwala na may biglang tumawag sakanya at sasabihan  sya ng ganon sa hindi nyang kilala.

His ObsessionWhere stories live. Discover now