Chapter Four

4K 76 3
                                    



Maaga akong nagising para pumasok sa eskwela ,As usual ginawa kona naman 'yong daily routine.Pagkatapos kong gawin ang ritwal sa sarili ko dali-dali na akong bumababa.Naabutan ko pa si mama na nagluluto ng breakfast para sakin.

"Morning Ma!."bati ko sabay halik sa pisngi.Di pa sya tapos sa ginagawa nya kaya tinulungan ko muna si mama tutal maaga pa naman.Napansin ko na tahimik si mama para ang lalim ng iniisip.

"Ma,may problema po ba?"tanong ko
"Ahmmm....wala naman anak. "Sagot ni mama sabay ngiti pero hindi abot tenga ."Parang ang lalim ng iniisip mo Ma haa?"Hindi sya sumagot ngiti lang ang naging Sagot nya sa tanong ko.Napansin nya na hinintay ko ang sagot nya kaya nagsalita sya.
"Ang mabuti pa maupo kana ron para makakain kana, Baka malate kapa anak, sige na upo ako na Bahala dito matatapos narin man Ito." Ngiti na sabi ni mama. "Sige po Ma"naglakad nako patungo sa mesa gaya ng sabi ni mama.

Ng natapos nakong kumain dumeretso na agad Ako sa eskwelahan.Pagdating ko konti pa ang mga tao, Kaya naisipan ko munang tumambay sa library kasi may pagaaral pala ako. Pagdating ko sa library agad akong umupo at nag-inaral ang dapat aralin kayong araw para sa quiz mamaya.Ng bigla kong naalala yong nangyari kagabi. Napaisip rin kasi ako sino kaya yong tumawag kagabi ? Baka pinagtitripan lang ako non ohh di kaya wrong number,Baka ganon nga masyado ko lang talaga dinibdib yong nangyari kagabi kaya nagkakaganito ako. At may isa pa pala si mama, bakit kaya tahimik si mama nagaalala Baka may problema siya at di lang nya sinasabi sakin para hindi Ako mag-alala sa kanya. Hayyyy pero narinig ko sila ni tita na ,pinag-uusap nila tungkol sa pera.Sa lalim pala ng iniisip ko di ko namalayan kaibigan ko sa harap.

"Hoyyy babae, bakit ang lalim ng iniisip mo?"pinitik-pitik pa nya kamay nya sa mukha ko. Wala akong nasagot sa kanila kundi ngiti.

"Alam mo girl para kang baliw dyan, ngingiti ka lang bigla, ano tinira mo? "Tanong nya sabay tawa.
"Ano kaba may iniisip Lang yong tao!" Sagot ko."ehhh ano pala nasa mo?" Tanong nya sabay ngisi na para bang may iba syang ibig sabihin.
"Iniisip ko kasi kung pano ko to ihampas tong libro sa mukha mo!" Sagot ko sabay ngisi. "Ito naman nagbibiro lang Ako, ang seryoso mo kasi parang ang bigat ng problema mo kasing bigat ng sakong bigas,hahahhhhhha"tawa sya ng tawa sa sinabi nya kulang nalang gugulong sya sa sahig."Sige tumawa kapa dya,"sabat ligpit ng mga gamit ko sa mesa at naglakad na paalis.
"Oyyy hintayin mo ko!" Sigaw nya sabay habol sakin.

Nagsimula na ang klase pero wala akong naintindihan sa mga tinuro ng mga guro sakin, lutang parin Ako at di maka concentrate.Nong nagbill na para umuwi lumabas na agad Ako. At di ko na hinintay  ang dalawa kong makulit na kaibigan. Nagpaalam na naman Ako na uuwi na at di makakasabay sa kanilang dalawa pauwi. Atat akong umuwi kasi atat koring makausap si mama.  

Pagdating ko may Napansin akong itim na sasakyan sa tapat  ng bahay namin,di ko alam bakit kinakabahan Ako, kaya dali-dali akong pumasok sa bahay at gulat Ako ng umiiyak si mama sa harap ng naka suite na lalaki. At ng dumako ang paningin ni mama sakin para syang nakakita ng multo .

"Ma anong po ang nangyari bakit sila nandito. "Tanong ko ni mama.









Sorry matagal akong nakaUD kasi busy ehhh 😁😁😁 sana nagustuhan nyo.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon