⭐Chapter Three⭐

26.2K 727 85
                                    

✴First Day Trouble✴

3

Nagpunta sila sa left building para pumasok sa kanilang klase. Dahil wala na ang walang kwentang principal ay siya na mismo ang pipili ng papasukan niyang klase. Nakasunod lang naman sa kanya si Max na hindi maipinta ang muka dahil sa atensyon na nakukuha ng kanyang alagang babae.

'Bakit kasi kailangan mong maging ganyan kaganda.' hindi niya mapigilang isipin, paano kung hindi siya ang kasama nito? Ano nalang ang mangyayari?.

"Maxrel.." huminto si Heaven at hinarap ang lalaki. Ayaw man niyang utusan o pagsabihan ito ngunit para rin ito sa kanilang dalawa.

"Yes Lady Snow?" medyo kabadong tanong ng lalaki.

"Stay focus, don't mind those stupidents. Focus on your job and make all your senses work. You will die if you keep on thinking about nonsense things." ang huli niyang sinabi bago pumasok sa isang silid.

Natauhan naman si Maxrel sa sinabi ng dalaga. Tama siyang nawalan na siya ng focus sa trabahong iniatas sa kanya, isa nanamang nakakahiyang pangyayari ang naganap at ang masaklap ay ang kanyang amo pa ang nagpaalala sa kanya ng dapat niyang gawin. Bumuntong hininga siya at sinundan na sa loob ng silid ang kanyang alaga.

"Max, faster." binilisan niyang lumapit kay Heaven dahil mukang magpapakilala na sila sa kanilang magiging kaklase. Iniangat niya ang kanyang mukha at hindi niya ito gusto, puro lalaki ang nasa section na ito mukang hindi pa gagawa ng maganda ang ilan.

"Okay class, they are from Amerika and they are your new classmates. Be nice to them specially to this gorgeous girl here." pag-uumpisa ng babaeng guro. Wala sa sariling tumango ang ilang kalalakihan na nakatingin kay Snow dahil ang iba ay mukang natutulog, lalo na ang tatlong lalaki sa likod. " Now, introduce yourself."

Dahil naramdaman ni Max na walang balak na unang magpakilala ang alaga ay umabante siya ng isang hakbang upang mapansin ng mga kaklase, dahil hanggang ngayon ay si Snow parin ang tinitignan ng mga ito. Mukang kailangan na niyang takpan ang magandang mukha ng amo upang wag ng pagtinginan, ngunit alam niyang mamamatay muna siya bago niya magawa iyon.

"Ehem. Maxrel Gregory, Phil-Am, 16
, try to mess with her, ako ang makakalaban niyo." seryosong saad niya at turo kay Snow, dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. Hindi naman niya ito pinansin at bumalik sa kanyang pwesto.

Hindi naman nag-abalang pumaharap pa si Heaven at katulad ng dati, nagpakilala ito ng parang tinatamad lang.

"Snow Laurel, 14."

Halos manlaki ang mata ng lahat dahil sa boses niya at pati narin sa kanyang edad. Maging si Max ay nagulat dahil hindi niya talaga alam ang edad ng binabantayan niya kaya hindi niya alam kung totoo ba ito o joke lang.

"14? Seriously?" tanong ng guro. Natahimik naman ang mga kalalakihan dahil hindi rin sila makapaniwala.

"Yeah, any problem?" bored niyang tanong sa guro dahil kanina niya pa gustong maupo dahil malayo-layo rin ang nilakad nila.

Hindi naman niya sinasadyang mapili ang section na puro lalaki, sadyang itong klase lang na ito ang natapat ng mapagod siya. Mukang okay naman ang klase na ito, kahit na mag-isa lang niyang babae sa klase na ito ay magiging madali lang sa kanya ang pag a-adjust dahil hindi rin naman siya pasalitang tao.

"N-nothing. Please take your seats." pinagpapawisan ang guro dahil sa takot niya sa presensya ng dalaga. Kahit na hindi siya basta-bastang guro ay alam niyang may kalalagyan siya kapag itong batang ito ang haharapin niya.

Naghanap ng mauupuan ang dalawa at pinili nila ang nasa likod na bakanteng pwesto, malapit sa tatlong natutulog na lalaki.

Ang guro naman ay inumpisahan na ang kanyang pagtuturo ng Math. Sa paaralang ito ay hindi basta-basta ang mga guro. Bukod sa matatalino ang mga ito, may kakayahan silang disiplinahin ang nagkakagulong estudyante dahil sila ay mga well trained din ng Mafia Eight(ang mafia organization ng ama ni Heaven), ngunit hindi pa nila nakikilala ang pangatlo at bunsong anak ng kanilang boss.

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Where stories live. Discover now