⭐Chapter Six⭐

22.9K 714 21
                                    

✴Registered✴

6

Habang nag d-discuss si Mrs. Silva, ang teacher nila sa history ay binabasa niya ng isa-isa ang mga sulat. Hindi alintana ang nagbabagang mata ng guro sa kanya dahil sa kanyang hindi pakikinig.

Maging ang kanyang mga kaklase niya nakatingin rin sa kanya, ang iba ay may ngiti sa muka dahil maging sila ay naghulog ng sobre sa locker ni Heaven, paano nila naman? Dahil sa bawat locker ay may nakalagay na pangalan.

'Andami naman nun' ang sa isip ni Ace. Nakatingin siya sa mga sobre at paminsan-minsan ay sumisilip sa mga nakasulat.

"Psst para kang ano dyan. Sige ka humaba leeg mo." sita sa kanya ni Jano ngunit hindi  niya ito pinansin.

"Miss Laurel!!" dumagundong ang sigaw ng guro sa kanilang silid kaya't nabulabog ang natutulog na si Blue.

"What?" walang ganang sagot nito sa kanyang guro.

Naglakad si Mrs. Silva palapit sa kanya at hahablutin sana nito ang braso ni Heaven ng pigilan siya ni Max.

"Don't dare to touch her."malamig na sabi nito.

"You're disrespecting your teacher Mr. Gregory." ang sagot ng guro.

"Well, i don't care. As long as this girl beside me is okay. So fvck off, bago kapa bumulagta sa kinatatayuan mo."

Walang magawa ang ibang nasa silid kundi ang makinig nalang sa pagtatalo ng dalawa. Nahihiwagaan narin sila kung ano ngaba ang papel ni Max sa buhay ni Snow, kung bakit, ganito nalang ito ka protective sa magandang babae.

"Are you threatening me Mr. Gregory?"

"No Mrs. Silva, i'm just giving you an advice. Wag mong banggain ang Dragon."

"Stop it Max. She's not worth it." sabi ng dalaga at ibinalik sa kahon ang mga envelope. Tumingin siya sa kanyang relos, pagkatapos ay sa guro. "Your time is up. Goodbye, follow me Max."

Tumayo siya at lumabas ng classroom nila kasunod si Max. Hindi makapaniwala si Mrs. Silva sa pagtrato sa kanya ng dalawang estudyanteng iyon.

"She's really something." sambit ni Blue at pinagpatuloy ang kanyang pagtulog.

"Antukin talaga." komento ng dalawa niyang kaibigan bago siya ginaya.

Lumabas na ng silid ang guro at nag-iisip ng paraan kung paano mababawian ang kanyang dalawang estudyante.

"Sisiguraduhin kong sa susunod, kayo naman ang mapapahiya."

"Then, do you want to play a game?" napa attras ang guro ng marinig ang nakakakilabot na boses ni Heaven. Nakatingin ito sa kanya ng walang bahid ng kahit anong emosyon.

"M-miss Laurel" sa hindi niya malamang dahilan ay nangangatog ang kanyang tuhod.

"Yes Mrs. Silva, it's me. Now follow me." nilagpasan ni Heaven ang guro, nag aalinlangan man ay sumunod parin ito sa kanya.

Pumasok sila sa isang opisina, para itong conference room, ginagamit ito sa mahahalagang pagpupulong. Nagtataka ang mga guro sa biglaang pagpupulong na ito, lalo pa't isang estudyante ang nagpatawag nito.

"Bakit mo kami pinatawag dito Miss Laurel? Dalian mo at marami pa akong kailangang gawin." sabi ng isang guro. Bali ang mga guro lang sa kanyang department ang naririto, base narin sa utos ng kanyang ama.

Sinenyasan niya si Max na umpisahan na ang kanilang gagawin. Sinet up niya ang laptop at iniharap sa mga guro at ni Principal. Naka flash naman sa projector ang nasa laptop.

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Where stories live. Discover now